Chapter 2 : The Feast

29.3K 630 3
                                        

When Larah finally arrived back at the hotel naiinis pa rin ito don sa lalaking nagpaka knight in shining armor nya. Aminado syang gwapo talaga ito pero masyado lang itong pakialamero.

Sa pag pasok pa lang nya sa lobby ng hotel agad naman syang sinalubong ng napakagandang ngiti ni Peter at hinatid sya papuntang elevator. Si Peter ay isa sa mga roomboy na nakilala nya nong unang araw nyang nag stay sa hotel. Naging kaibigan sila at sinabi pa nga ni Peter na crush daw nya si Larah pero nakakabatang kapatid lang ang tingin ni Larah sa kanya. Peter is only 18 years old at gwapo rin ito kaya marami rin ang nagkakagusto sa kanyang mga babaeng katrabaho.

Papasok na sana si Larah sa elevator ng mag salita si Peter  “Ahm..miss Larah fiesta pala ngayon sa bayan namin, maraming kasiyahan ngayong gabi , gusto mo bang sumama?..Alam mo napaka enjoy talaga kapag fiesta sa bayan, May banda kasi na tumutogtog na galing pa ng Manila. Sa hating gabi naman meron ding magpa fireworks display at syempre maraming nakahanda na masasarap na pagkain” excited na sabi ni peter.

“Sige na miss Larah sumama ka na, pangako mag e-enjoy ka talaga doon”. convinced ni Peter kay Larah.

“ O sya sige na nga sasama na ako..so anong oras magsimula tumugtog ang banda?”

 

“magsimulang tumugtog ang banda mga ten ngayong gabi,  tapos hanggang sa madaling araw na..pero wag kang mag alala miss Larah dahil sasamahan naman kita buong magdamag,  nariyan lang ako palagi sa tabi mo”.

 

“Wow salamat Peter ha, ang sweet mo naman” nakangiting sabi ni Larah at pumasok na sya sa elevator ng mag bukas na ito. Naiwan namang nag blushed ang binata.

Nagdadalawang isip pa si Larah kung pumunta nga ito, bigla kasi nyang naisip ang sinabi ng gwapong estranghero tumulong sa kanya kanina..”You little fool”-sabi don sa gwapong lalaki sa kanya, nag sink in kasi itong word sa utak nya. Pero naisip din nya na baka nag overacting lang yong  gwapong lalaki kanina, dahil hindi naman sya naniniwala na may mananakit sa kanya dito sa isang maliit na isla.

Napag desisyonan na ni Larah na pumunta nalang sa fiesta ng bayan ngayong gabi kasama si Peter dahil may isang salita sya. Nangako naman si Peter na mag e-enjoy talaga sya at isa pa wala na sya sa bakuran ng kanyang mga magulang kaya malaya na sya kahit anong gawin nya. Never pa kasi syang pinayagan noon ng mga magulang nya na mag night life kasama ang mga kaibigan nya.

Dahil napuyat si Larah sa kakalakad kanina, nakatulog sya at nagising nalang sya ng may biglang nag doorbell. Tumingin sya sa relo alas otso na pala ng gabi. Tiningnan nya muna kung sino ang nag doorbell at nang nakita nya na si Peter pala agad nyang binuksan ito.

“Ahm miss Larah gusto ko lang e-confirm kung sasama ka talaga sa akin sa bayan” sabi ng binata.

“ Ah Ooh Peter sasama ako sayo, sa lobby sa baba ka nalang maghintay magbibihis muna ako”

 

Nagsuot si Larah ng isang foamy white gauze dress, isa to sa mga damit na pinamili nya kanina, bumagay ito sa kurba nang katawan nya kaya lang medyo naiilang syang magsuot nito dahil hindi yan ang mga damit na nakasanayan nyang isuot. Kung makikita lang sya ng kanyang mga magulang na magsusuot nito o di kaya sa mga kapatid nyang mga lalaki siguradong pagagalitan talaga sya.

My Destiny (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon