Nagising si Larah ng marinig nya ang isang malakas na pagsabog, bumangon sya at agad sumilip sa bintana pero di na nya makita ang paligid dahil nababalot na ito ng makapal na usok..hanggang sa narinig nya ang sunod-sunod na malakas na putok na lalong nagpa kaba at nagpa takot sa kanya. Hindi nya ma imagine na ang isang luxury hotel na gaya ng La Paloma at ang napakagandang façade nito ay nababalot na ngayon ng usok.
Kagabi ng unang marinig ni Larah ang explosion akala nya it was only an echo of the distant thunder, pero ng marinig nya ulit ang malakas na pagsabog alam nyang nasa kapaligiran lang nya ito at ngayon halos ilang beses na ang naririnig nyang sunod-sunod na putok. Nag simula na ring mag fog sa kanyang room kahit nasa 5th floor ito dahil naka pasok na ang matinding usok at nagpa anghang na rin sa mga mata nya.
Narinig nyang may commotion na sa labas kaya agad agad nag panicked na itong si Larah.
“ Huminahon ka Larah, huminahon ka! “ Malakas na pagkasabi nya sa kanyang sarili. Akala nya noon na nangyayari lang yon sa mga movie at di nya lubos maisip na mararanasan nya ito ngayon.
Nagsisisi na tuloy sya na umalis sya sa kanilang bahay,hindi nya sana mararanasan ang ganyang sitwasyon, na safe sana sya ngayon at natutulog lang sa kanyang bed.
Nang wala na syang marinig na putok, mahinang katok na naman ngayon ang kanyang naririnig. Biglang nanigas ang buong katawan nya sa takot. Naisip nya na baka ang kumakatok ay isa sa mga taong sanhi ng kagulohan sa labas. Hindi Alam ni Larah kung anong gagawin, pero naisip din nya na hindi siguro basta lang kakatok kung isa man to sa mga masasamang tao na nasa labas kung hindi kusa talaga itong buksan ang pinto ng kwarto nya. Kaya dali-dali nalang syang sumandal sa pinto at matapang na nagtanong.
“ Sino Yan?”
“ Blake Cruz” sabi ng nagsasalita sa labas.
“ Blake”. She exclaimed in relief.
Daling binuksan ni Larah ang pinto at masaya sya dahil si Blake nga ang nakikita nito ngayon, nakasuot lang ito ng black t-shirt at butas-butas na faded jeans kaya nagmumukha itong ruggedly handsome.
“Things are falling apart, Larah” pagkasabi ni Blake at pumasok agad sa kwarto.
“Terrorists have taken over the hotel, at binabantayan nila lahat ng floor dito. I’m getting out while I still can. Do you want to come with me?”
“ Terrorists? Like Abu Sayyafs?” nagugulohang tanong ni Larah.
“ natatakot akong sila nga yon, unless I’m mistaken, I’m afraid kung sila nga yong group of terrorists operating in the southern part of our country,na mang kidnapped at mang hostage ng mga mayayamang turista at foreigners and this hotel seems to be one of their main objectives. To tell you frankly Larah, I’d rather take my chances to the jungle dahil wala na tayong oras”. Blake said worriedly..”So are you coming?”
“ Yes. Sasama ako sayo”. Larah decided instantly.
“Bilisan mo at mag bihis ka, wear something that covers a little more skin. Something black or at least dark in color, if you have anything like that”. Ma awtoridad na sabi ni Blake sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Destiny (Completed)
General FictionNang dumating si Larah sa isla ng Santiago, akala nya nahanap na nya ang isang paraiso. Malayong-malayo ito sa mundong kinagisnan nya and being a lay minister's daughter napaka conservative talaga ng background niya. Hangang isang araw naisipan na l...