Chapter 5 : It's Destiny

19.4K 691 23
                                    

Gabi  na ng makabalik si Blake. Wala man lang narinig na ingay si Larah ng nakabalik na ito, kaya bigla nalang syang nagulat nang nasa harap na nya si Blake.

"Blake you startled me" gulat na sabi ni Larah. "what happened?..bakit ang tagal mo nakabalik?"

"pasensya ka na..naligaw kasi ako" paliwanag sa kanya ni Blake.

"so naka kuha ka ba ng tubig?"

"Oo, eto na, uminom ka na" at ibinigay ni Blake ang water container kay Larah.

Pagkatapos uminom ni Larah sumimangot ito kay Blake at nagtanong.

"saan na tayo pupunta ngayon?"

"nang maligaw ako sa gubat kanina, may nakita akong isang place na pwede tayo magpalipas ng gabi don" sabi sa kanya ni Blake.

"pero madilim na" nag aalinlangang sabi ni Larah."gano ba tayo katagal makarating don?"

"hindi naman ganon katagal..maybe a couple of hours lang." sagot naman ni Blake.."tara na,umpisahan na nating maglakad."

Kahit sa gabi ay mainit at maalinsangan pa rin sa gubat. kating-kati na ang buong katawan ni Larah,she felt like crying pero pinigilan nya ito dahil ayaw nyang mag self-pity sa mga nangyayari sa kanya ngayon.

Maya-maya lang, wala ng ideya si Larah kung gano na kalayo ang kanilang nilalakad. She walked closely to Blake so that they would not become separated in the dark.

Namamaga  at masakit na naman ang mga paa ni Larah sa layo na nang nilalakad nila,nag simula na ring humina ang mga tuhod nya at humihingal na rin sya. Pina aalahanan nalang nya ang kanyang sarili na isa lang tong pagsubok sa kanya ng tadhana at hindi sya dapat magpa apekto. Pinangako rin nya sa kanyang sarili na kung maka uwi lang syang ligtas sa kanilang bahay ay mag e-enroll talaga sya sa aerobics class o di kaya mag zumba sa isang maganda at air-conditioned na gymnasium,naisip nya kasi na kaya madali syang mang hina dahil hindi ito mahilig mag exercise o mag gym noon.

Sa patuloy na paglalakad nila napansin ni Larah na lumiwanag na ang kanilang dinadaanan dahil wala na itong masyadong matataas na kahoy na naka harang sa liwanag ng buwan. Sa wakas ay naramdaman na rin ni Larah ang simoy ng hangin at umaliwalas na rin ang kanilang kapaligiran.

Biglang huminto si Blake sa paglalakad at tumingala ito sa buwan kaya napatingala na rin si Larah sa buwan, pero tinapik sya ni Blake sa kanyang kanang balikat upang magpatuloy sila sa paglalakad.

Sa patuloy nilang paglalakad ay nakarating sila sa paanan ng bundok. Agad napaisip si Larah na baka aakyat sila sa bundok pero ang ipinagtataka lang nya ay patungo rin sila sa dagat. Unang umakyat si Blake sa paanan ng bundok at sumunod naman si Larah, nang pag akyat ni Larah ay bigla nalang syang nadulas dahil sa hamog nito.

"Blake?" mahinang tawag nya "nadulas ako,tulongan mo naman akong maka akyat" at nilahad ni Blake ang kanyang kamay para tulongan syang maka akyat.

"san na ba tayo ha?" tanong ni Larah sa binata.

My Destiny (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon