2

18 0 0
                                    


Mabigat ang aking pakiramdam ng magising ako. Masakit din ang buong katawan ko. Sinikap kong imulat ang mahapdi kong mga mata at iginala ang paningin sa aking kinaroroonan.

"How are you feeling?" napaigtad ako ng may magsalita. Nilingon ko ang nagmamay ari ng baritonong boses na iyon. Napakurap pa ako dahil hindi ko masyadong maaninag ang itsura niya.

"I-ikaw ba a-ang tumulong s-sakin?" namamaos na tanong ko dito. Hindi ito sumagot. Nakita ko lang ang pagkilos niya at naramdaman ko ang pag abot niya sa isa kong kamay at ipinahawak sa akin ang isang basong tubig. Inalalayan ako nitong uminom at pagkatapos ay inilapag nito ang baso sa katabing table.

"S-salamat..."

"Can you tell me what happened?" tanong nung lalaking tumulong sakin. May kumirot sa dibdib ko ng mapagtanto kong hindi man lang pala ako binalikan ni Carl. God! I hate him! Hindi niya ako binalikan? Paano kung iba ang makakita sa akin? Paano kapag hindi ang lalaking ito?

"I guess your not yet ready to tell." pagbibigay sagot nito sa sariling katanungan ng hindi siya umimik. "You want something to eat?" pag iiba nito sa topic.

"Can I borrow your phone?" mahinang pakiusap ko dito. Walang salitang iniabot nito iyon sa akin. Akmang lalabas ito ng pigilan ko. "You can stay"

"I'll prepare some foods" iyon lang ay tuluyan na itong nawala sa paningin ko. Mabilis 'kong idi'nial ang number ng bestfriend ko kung saan ako nag ii-stay ngayon.

"Hello?" napakagat ako sa aking labi para pigilan ang muling pag iyak. "S-shan..." saglit natahimik ang kabilang linya.

"Via?" parang hindi makapaniwalang tanong nito, "Via Lein?! OMG! Where the hell are you?!" kapagkuwan ang galit na bulyaw nito.

"I'm fine..."

"Fuck Via! I'm asking if WHERE THE HELL ARE YOU! Ako ang malilintikan kay Tita Nica niyan eh! Hindi ka na nga nagpaalam na pupunta ka dito sa Bicol tapos hindi ka pa magpapaalam sa akin?! Are you with Carl? Shit! Sa kanila ka ba natulog?! You should've texted me!"

"I'm so s-sorry..." hindi ko na napigilan ang impit na paghikbi ng banggitin niya ang pangalan ng lalaking iyon. Lalaking nang-harass sa akin at nang hindi nakuha ang gusto ay hinayaan lang akong mag isa sa madilim na lugar na hindi ko alam ang daan pabalik.

"Why the hell are you crying Via Lein?" kahit galit ang boses sa kabilang linya ay kababakasan pa din iyon ng pag aalala. "Don't tell me may ginawang hindi maganda 'yang boyfriend mo?! Ah t*ngina! Alam ko na sa pagmumukha palang 'nun hindi na mapagkakatiwalaan! Gosh! I'm so stupid! I should not allowed you to come with him!"

Pinunasan ko ang luhang kumawala sa aking mga mata, "I'll tell y-you everything, p-pero not now. You c-can understand that r-right?" kinagat ko ang kamay ko para pigilan ang pagwawala ng emosyon ko.

"You know I can always understand y-you..." garagal na din ang boses nito. Napangiti naman ako sa kabila ng hindi matawaran na pag iyak.

"Call me whenever you need. And where are you? Pupuntahan kita" napangiwi ako. "I... I don't know where I am" nailayo ko ang cellphone sa aking tenga ng sinagot ako nito ng isang matinis at malakas na "WHAAAAAT?!"

"Okay listen. There's this guy who helped me. I-I don't know where we are right now. Mukhang m-mabait naman siya so you don't have to worry."

"What again?! OMG Via! He's still a guy! Paano kapag may gawin 'yan sayo? Kaya mo ba sarili mo? Fuck! Tell me where you are at susunduin kita!" narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwartong kinanaroroonan ko kaya nagpaalam na ako kay Shan. Umangal naman ito pero nangako naman akong tatawag ulit mamaya.

"You think I'm a good guy? Paano kapag may gawin akong masama sayo ngayon?" lumapit sa akin yung lalaki at ipinatong ang dalang tray na may pagkain sa side table.

Namutla naman ako sa sinabi nito at bahagyang nanlaki ang mga mata. Paano 'nga naman ako nakakasigurong he's really a nice guy eh hindi ko 'nga alam kung ano ang pangalan niya?

"That's how I joke" maya maya'y biglang sabi nito. Napatitig naman ako dito. "H-ha?"

"I'm just kidding" he chuckled, and continue. "I may not be a good guy but I'll never do what whoever that asshole did to you." natameme ako sa intensidad ng sinabi niya. Parang gusto ko na namang umiyak pero pinigilan ko ang sarili ko.

"T-thank you..." nginitian ko siya. Tila naman natigilan ito pero saglit lang iyon.

"You better eat" sabi nito at inimuwestra sa akin ang tray kanina. Tumango ako at tumayo pero napaiyak ako sa hapdi ng maigalaw ko ang mga tuhod ko.

"Damn! O-ouch!" nasabi ko sa pagitan ng pag iyak. Hindi ko na napigilan ang mapahagulgol ng biglang maalala ko ang mga nangyari kagabi. Naitakip ko ang mga kamay ko sa aking mukha dahil sa frustration na nararamdaman ko sa mga oras na ito.

"It's alright..." naramdaman ko ang marahang pagkabig sa akin ng lalaking estranghero. Ang mainit na palad nito na yumayakap sa akin. I somehow felt secured. 

"T-thank you..." Yumakap na din ako sa kanya. Ibinuhos ko ang lahat ng sama ng loob at hinanakit ko sa dibdib niya. After all, he's a complete stranger. Baka bukas ay masundo na ako ni Shan at hindi na din kami magkikita. And I'm so thankful that I have someone like him right now.

She's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon