Chapter One The Stupidness

164 5 0
                                    

Pagkatapos ko pindutin yung lock ng kotse ko, nilagay ko na sa bag yung susi. Pero nung nag-aayos ako ng gamit ko sa bag, nagulat na lang ako dahil may mga malalaking lalaki akong nakikita malapit sakin na palinga-linga sa paligid.

Mukha naman silang malilinis at hindi naman mukhang masasamang loob pero nakakatakot pa din no! Ang lalaki ng katawan! Yun bang parang mga nasa army. Teka?! Baka may kriminal na pagala-gala dito ah? Naku! Ba’t walang nag-inform sakin?! Goosssh!

Kahit medyo kinakabahan ako, naglakad na ko para makapasok na ako sa entrance, mamaya may kriminal nga dito na pagala-gala nalagot na yung beauty ko!

*lakad*

*lakad*

*lakad*

Pagliko ko napansin ko yung isang kotse na itim, vacant pa yung katabi nun both side, bali vacant lot then yung kotse then vacant lot ulit… hmmm? Maganda… Malinis… Makintab… at may ulo na nakatalikod na may cap sa ulo… hmmm… WAIT! Bakit may ulo sa kotse? HALA!

Teka! Ba’t ba ang nega ko! Baka yung may-ari yun? Diba? Sus! Kaso bigla na lang yun humarap sakin pero bigla ding yumuko, yun bang parang nagtatago… nagtatago??? Tago??? As in nagtatago???

(0__________________0)

T-te-te-ka! Ba-ba-baka siya yung hinahanap nung mga lalaki kanina? HALA! HALA! Bakit kailangan ko pang maging star witness??? Shemaaaaay namaaaaaaan!

Kahit natatakot ako, pinilit ko pa ding maglakad at nagkunwaring walang nakita… Kaya yumuko na lang ako at mabilis na naglakad…

*lakad*

*lakad*

*booooooogssssh!*

“AYPITUMPUTPITONGTUPANIKAISKO!!!” pagharap ko nakita ko yung lalaking naka-sumbrero.

(0_____________________0)

Sheeeeeet! Nabangga ko yung kriminal!

“AAAH—“

Sisigaw na sana ako kaso bigla niya na lang tinakpan yung bibig ko at sinama ako magtago sa gilid ng kotse, bali nakaharap ako sa kotse then siya nasa likod ko habang yung isang kamay niya nasa bibig ko, at yung isa nakayakap sakin.

“Hmmmp—“ pinipilit ko kumawala sakaniya pero masyado siyang malakas no!

“Shigeru!” [Shut up] bigla niyang sabi sakin.

HAA???? Ano daw???? Shi—ano?

Habang naglilikot ako para makawala, may naramdaman naman ako sa likod ko.

Baril? *eeeeeeeeeeeng!* wrong!

Matalas na bagay? *eeeeeeeeeeeeng!* wrong!

Matigas na dibdib at yummy abs? *Ting! Ting! Ting! Ting!* You’ve won P20 pang cornetto!

Eeeeeeeeeeeeeeh! Ano ba yun! Ako na nasa tabi ni kamatayan, yummy abs pa ang nararamdaman ko???

Pe-pero kasi… yung talaga nararamdaman ng makasalanan kong likod ehh…

(0/////////////0)

Nararamdaman ko nag-iinit na yung katawan ko— ay este mukha lang pala… promise mukha lang!

Parang ang sarap sarap tuloy ng pwesto ko ngayon…

Haaaayssssss…!

Ay sheeeet Hannie! Kriminal pinagnanasaan mo??? Aba! Bago yan!                                     

Pero bago pa ko makapag-isip ng bagong kabaliwan, tinanggal niya na yung pagkakatakip sa bibig ko at lumayo na sakin.

Humarap naman ako sakaniya para makita lang yung hapit niyang suot na shirt kung saan nagmamalaki si mamasel na dibdib niya… at HOLY CARABAO! Yung biceps winner! Aba! Pati yung kulay makinis at maputi pa ata sakin? Sino ba babae? Ako o siya?

My Name is Hannie & I'm StupiD... (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon