Chapter Three The End

46 6 0
                                    

AFTER 1 YEAR.

“HANNIE! DALIAN MO! Start na nung interview kay Heji mo!!!” napatakbo naman ako sa harap ng desktop namin then umupo ako sa tabi ni Meg, nakalive stream kasi kami ngayon sa isang talk show sa S. Korea at ang guest ay si Heji!

Simula kasi nung nakilala ko si Heji, sinubaybayan ko na yung mga palabas at movies niya basta lahat ng tungkol sakaniya sinearch ko.

“Exclusive! Interview with Hallyu Star Park Hae Jin!” Binasa ni Meg yung caption nung live stream.

[Isipin niyo na lang po Korean yung salita nila. Hehehe]

“Mr. Park Hae Jin, nabalitaan namin na nung isang taon, nung nag-shooting kayo sa Philippines may nakilala kang isang girl sa mall doon?“ tanong nung host.

Nagulat naman ako dun sa question nung host. Ang tagal na nun ah! Hindi nga nabalita yun eh! Akala ko pa naman sisikat ako bigla eh. Hahaha.

“Couz! Pinaguusapan ka nila! Waaah! Ikaw na!” may kasama pang palo sa braso ko yan.

“Oo tama yun. Isa siyang stranghero pero tinulungan niya ko na makapasok sa mall.” Tumawa pa siya pero nagpatuloy siya. “Sa totoo lang, kaya ako nagpasama sakaniya nun ay para makatakas din ako sa mga body guard ko, gusto ko kasi talaga mag-libot nun bago umuwi dito at nagugutom na din ako. Kaya nga malaki ang pagpapasalamat ko sakaniya dahil nilibre niya ako.” Sabi naman ni Heji na parang nagrereminisce siya.

Aaaw! Naaalala niya pa yun! Waaaaaaaaaah!

“At naglaro pa daw kayo noon sa isang arcade?” host

“Oo, sobrang saya nun! Talagang nag-enjoy ako!” sabi ni Heji na nakangiti. Then pinakita niya yung kwintas niya na kung saan nakalagay yung ring namin. “Ito pa nga yung kapalit nung mga tickets na napanalunan namin noon. Meron din siya nito…”

Waaaaaaaaaaah! Tinago niya pa yun! Ang sweet naman Heji! Waaaaaaah!

“Kung nanonood siya ngayon, may gusto ka bang sabihin sakaniya?” tanong nung host.

“KYAAAA! Magmemessage siya sayo Hannie! Ikaw na talaga!” Meg

“Shut up, Meg!” ang ingay naman kasi.

“Hmmm. Oo may gusto sana akong sabihin sakaniya.” Heji

“Sige, simulan mo na…” sabi nung host na ngumiti kay Heji.

“Yeobo—“ [Honey] pinutol naman nung host yung sinasabi niya.

“Teka, Mr. Park Hae Jin? Tinawag mo ba siyang ‘Yeobo’? Kayo na ba?” chismosang host!

“Hehehe… hindi pa… pero ‘Hannie’ kasi yung pangalan niya kaya gusto ko sana siyang tawaging ‘Yeobo’”

Ahh! Kaya pala sa tweet niya noon may ‘Honey’. ‘Yeobo’ pala yung ginamit niyang word. Pero teka! Ako pala talaga yung sinasabi niya as tweet niya? Woooow!

“Ayeeee! Ang sweet! Yeobo! Take note! Hindi PA daw kayo? Ayeeeeee! Pero malapit na! Ayeee!” Meg

(0/////////////0) <- ako. Waaaaaaaah!

“Ahh ganun ba… o sige ipagpatuloy mo na Mr. Park Hae Jin …” host

“Yeobo… I’m very thankful to you…” Heji

WOW! English yun ah! Nag-eenglish na siya! Marunong na siya! Waaaaaah!

“You may get confused why I’m talking in English right now. But its just because I study English language for you, because I want to talk to you when we meet again so that we can understand more each other… also now I know the meaning of ‘Bobow’ and ‘gwapow’” sabi niya na ikinatawa naman namin ni Meg, ang cute kasi nung accent niya! HAHAHA!

Pero nakakahiya! Talagang inalam niya pa yun? Sheeeeeeeet!

“It means… I’m a handsome stupid, right? Hehehe… But I really want to thank you to all your efforts that day. And I want to tell you that I really enjoy it. So please I hope we can meet again. I will pay you back all the money you used for me…” then nag-smile siya sa camera.

“Wow, english ang ginamit mong lenggwahe. Ang sabi pa dito, talaga sadyang pinag-aralan mo daw ito? Pati na ang lenggwaheng Filipino?” host

“Oo, para sana pag nagkita kami ulit, makakapagusap na kami ng mas mahaba. Yung Filipino naman ay konti pa lang yung natutunan ko…”

“Pwede ka bang magbigay ng example? Bigyan mo ng siya ng message gamit ang Filipino…” host

“Yeobo… ikaw ay maganda… Mahal kita…”

(0/////////////////////////0)

“Ang ibig sabihin nun ay maganda siya at mahal ko siya…” sabi ni Heji sa host.

Napa-ooooow naman yung host then nagsalita ulit siya.

“Wait for me, yeobo… I will come and I will get your heart… Please? Wait for me? Saranghaeyo… I Love You… Mahal Kita…”

Then after a month bago siya pumasok ng military nagkita nga kami ni Heji nung pumunta ako ng S. Korea…

AFTER 3 YEARS

“YEOBO!” tawag sakin ni Heji. “Ano… Ano ba gusto mo food? Chocolate Sundae? O fries?”

“Yeobo! Mali! Dapat ‘Ano ba gusto mong pagkain?’ dapat ganyan. Pero gusto ko parehas nung sundae at fries ha?” Sabi ko.

“Ahh… Sorry yeobo! Wag ka alala… matutunan ko din yan! Bye bye yeobo!” then hinalikan niya ako ng pa-smack sa lips. “Bye bye din sayo baby!” then hinalikan niya yung matambok kong tiyan.

OYES! Almost 1 year na po kaming kasal ni Heji ko! Hehehe… At ngayon ay malapit na din ako manganak sa first baby namin. At tama po! Nagtatagalog siya! Dahil tinuturan ko siya. Hahaha.

~THE END~

My Name is Hannie & I'm StupiD... (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon