Dear Mr. Taken (asa mode)

8.1K 249 49
                                    

Dear Mr. Taken,

Alam kong hanggang tingin lang ako mula sa sulok

Habang ikaw ay nagdaraan at nagpapabilis nitong pusong tumitibok.

Kailan ma'y di ka magiging akin, nasisiguro ko yon.

Pero sana nama'y tadhana, sa aking hiling ay sumang ayon.

Gusto ko lang ay malaman ang pangalan mo

Ang mga pantig na habang buhay isisigaw ng pusong sayo lang umamo.

Kasi di kita kilala, itsura mo lang ang aking alam.

Kaya sa twing ika'y napagmamasdan, puso ko nama'y atat na pangalan mo ay maalam.

Gusto kong humarang sa daan mo, magpakilala, maglamano.

Maganda man kung iisipin, pero ang umiikot sa isipan ko ay ang mga katagang "Para ano?".

Oo nga naman. Para anong silbi pa ng pagpapakilala ko

Kung may minamahal ka na at sapat na ito?

Pero puso ko'y pilit na umaasa na sana... sana wala pang dumarating

Upang may pag asa pa, na ako ang sayo ay darating.

At sana sa muli mong pagdaan,

Ikaw ay makikiraan

Para sa sulok ako ay puntahan.

Sabay kuha ng kamay ko

at bulong sa mga salitang 

"Andito na ako, Mahal ko."

** ** **

A/n: Ito yung poem ko sayo nung di ko pa alam pangalan mo at di ko alam na TAKEN ka napala.

waaaah T__T

Dear Mr. Taken (poem)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon