Dear Mr. Taken (bitter mode)

3.3K 189 42
                                    

Dear Mr. Taken,

Di kita mahal ni hindi kita gusto

Yan ang pilit iniisip na totoo.

Iba ang gusto ko... sa isip yan ang palaging isinasaksak

Pero bat ganun? Sa huli'y puso ko'y sayo pa rin ang bagsak.

Sabi ng iba mahal na daw kita

Selos sa mga mata ko'y halatang halata.

Pati kilos ko daw ay nagbabago

Punang puna kahit pilit na tinatago.

Pero wala na naman akong magagawa

Kung sya rin lang talaga ang sayo'y magpapatawa.

Kaya susubukan kong maging masaya

Maghahanap ng iba para mula sayo'y makalaya.

Tatapusin ko na ang  pagiging tanga 

Sa pagmamahal ng isang taong sa iba humahanga.

Kay hirap mang gawin 

Pero kailangang  pag ibig sayo'y bawiin.

At baka sakaling sa pagkakataong di na kita hingin

Ikaw na naman ang sa akin ay mapapatingin.

** ** **

A/n: Oh sha! Mag paka bitter na nga lang.. T______T Pasensya na at nabasa nyo pa tong kabaliwan ko.. >__< 

Dear Mr. Taken (poem)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon