Chapter 1 - Swallowing My Pride

58 0 0
                                    

Pera

Kayamanan

Maluhong pamumuhay

Ni isa sa mga yan ay hindi ko kailanman pinangarap

Namuhay akong simple at payak

Sa madalas na pagkakataon ay namomroblema sa kakainin ng pamilya

At sa madalas na panahon ay nangangarap na makaahon sa buhay at mabigyan ng magandang kinabukasan ang kapatid ko

Simple lang ang pangarap ko sa buhay, pero bakit kahit gaanong kasimple ito, napakahirap nitong abutin?

"Nakapagdesisyon ka na ba?" Tanong sa akin ng secretarya ng tatay ko. "Tatanggapin mo ba ang alok ni Mr. Padilla?"

Ang gusto ko lang maipagamot si Mama. Pero bakit kailangang kong makisali sa mga laro niyo?

"Come to think of it Daniel, not only will your Mom's medical expense will be covered. You will also have the chance to be acknowledge as part of the Padilla Clan if you succeed. Magkakaroon ka na rin ng bahagi sa kayamanang ng Padilla Corporation."

"Hindi ko kailangang kilalan pa ako.Wala akong pakielam sa kayamanan nila."

"Just think of it Daniel. Magiging isang Padilla ka. Just having it as your last name will be a privelage. Napakaswerte mo nga. Sa dinamidami ng tao sa mundo, ikaw pa ang naging anak ni Mr. Padilla."

You're wrong. Having it as my last name would be a shame.

"What exactly are you planning?"

"Who knows? It's something you'll know once you succeed in achieving the goal of this deal. I honestly don't know what Mr. Padilla is planning. But it's just three months Daniel. Three months. I think you can handle it."

For three months time kailangan kong pahulugin ang loob ng isang babaeng nagngangalang Kathryn Bernardo at sa loob ng three months time na yun kailangang itago ko ang koneksyon ko sa ama ko. Sounds really sneaky right? Alam kong may masamang balak nanaman ang tatay ko, pero kailangan kong sumakay sa laro niya para maipagamot si Mama.

"Fine. I'll sign the contract." Sabi ko. Inabot naman niya sa akin ang isang packet ng papel.

"Nakalagay diyan ang iba pang kondisyon sa kontrata. Basahin mo maigi, dahil kung may isa man diyan ay hindi mo masunod ay mangangailangang icancel ang kontrata. And you will have to pay for the damages."

Kung meron lang talagang listahan ng pinakawalang awa, malamang nasa top 10 ang tatay ko. Responsibilidad niya na tulungan kami pero ginagamit pa niya ang pagkakataong ito para pakinabangan ako.

I scanned through the papers, at ng makita ko ang linya kung saan nakalagay ang pangalan ko sa baba ay pinirmahan ko ito.

"I'm glad you made the right desicion Daniel. I'm sure Mr. Padilla will be really happy. But remember, everything in the contract and the contract itself is confidential. You are not allowed to tell other people about it." Pagkasabi niya nun ay dali dali na akong nagpaalam at umalis.

Inaamin kong galit ako sa tatay ko, naging masamang halimbawa siya ng pagiging ama sa akin. Alam kong bunga ako ng pagkakamali niya pero hindi sapat na dahilan yun para talikuran ang responsibilidad niya bilang ama. Tanging kayamanan lang ang sinasanto niya. Wala siyang pakielam kung may maagrabyado siyang ibang tao.

Kaya nga masama ang kutob ko sa kontratang ito. Malamang may maaagrabyado nanaman sa plano niyang ito. Kung hindi ko lang talaga kailangan ng pera, hindi ako susubo sa ganitong sitwasyon.

His Quest To Make Her Fall InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon