Chapter 2 - Mission Possible

0 0 0
                                    

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na ang babaeng nasa harap ko ngayon at ang babaeng nangangailangan kong paibigan ay iisa. Tadhana ba ito o sadyang kakampi ko lang ang mundo? Ito na ba ang pambawi sa akin ng uniberso sa mga kamalasang naranasan ko?

"Wag mo masyado titigan, baka malusaw yan." Kantyaw ni Annie.

Agad kong inialis ang tingin ko kay Kath na sa kasakukuyang nagaaral ng basics ng self defense.  Ilang araw na ang nagdaan mula ng magenroll siya dito sa pinagtatrabauhan ko para matuto ng martial arts. Malamang sa malamang, nadala ito sa nasagupa niya sa ospital. Bakit naman kasi magisa siya nung gabing yun?

"Lapitan mo na kasi. Kitang kailangan nya ng tulong." Dagdag pa ni Annie.

"Ingatan mo yan, balita ko one and only girl ni Mr. Bernardo yan." Bilin sa akin ni Annie bago sya unalis.

Nilapitan ko si Kath at tinuruan ng unting basics sa martial arts. Agad ko ring napansin ang pagka-alerto ng lalake sa gilid na kanina pang nakatingin kay Kath. Natural na sa trabaho ko ang skinship, pero sa tuwing madidikit ang balat ko kay Kath, parang may kuryenteng dumadaloy sa akin.

Daniel ang deal, wag mo kakalimutan. Paalala ko sa sarili ko.

Matapos ang isang oras ay nagpasiya rin kami na magbreak. Umupo siya sa may gilid ng gym. Naisipan kong pagkakataon ko na ito para mapalapit sa kaniya.

"Tubig oh." Iniabot ko sa kaniya ang boteng hawak ko.

"Thanks." Ilang minuto ang nagdaan ng walang umiimik sa amin.

"Ano nga -"
"I wa-" Sabay kaming nagsalita.

"Ano ung sasabihin mo?" Tanong ko.

"You can go ahead first."

"Ikaw na."

"Is there a way to return the favor to you from saving me the other night?"

"Wala yun, ginawa ko yun ng hindi umaasa ng kapalit."

"But still-"

"Wag mo ng isipin yun."

"Can I atleast pay you back for the drink that you bought me?" Alok nito.

-----------------

Sa kagustuhan ni Kathryn, napilitan akong pumayag na ilibre niya ako ng inumin. Pumunta kami sa coffee shop sa ibaba ng martial arts center. Sinamahan na rin niya ng pagbili ng cheesecake dahil sabi niya paborito daw niya ito.

"Ano bang nangyari nung gabing yun? Bakit mag-isa ka lang sa lugar na yun?" Nagaalangan siyang sagutin ang tanong ko.

"Uhmm, I was looking for an important person and I really thought I would meet her that time. Minsan lang ako makatakas sa security ko. But unfortunately that happened."

"Security, you mean him?" Itinuro ko ang lalake na kanina pang sumusunod sa amin. Ilang metro ang layo sa amin.

"Exactly."

"Wow! As expected from a Bernardo."

"It's not as great as you think." Parang may lungkot sa mata niya ng sabihin niya yun.

"Pero atleast hindi ka na nammroblema sa pera. Sa kung anong kakainin niyo ng pamilya mo sa araw-araw. Pwede mong gawin kung anong gusto mo."

"Actually, that's not true. Siguro nga hindi ko na pinoproblema ung pagkain ko sa araw-araw pero ung kalayaan, that is one of the things I've been deprieved of. Hindi ako pwedeng lumabas ng bahay ng ako lang. Palaging may nakabuntot sa akin. Hindi rin ako pwedeng pumunta sa kung saan saan dahil nagaalala si Daddy baka mapano ako."

"Maraming beses ko ng tinry na tumakas pero lagi akong nahuhuli. Even my friends abandoned our plan to help me out kasi sobrang hirap makatakas sa security ko."

"Pinakaingat-ingatan ka kasi. Pakiramdam ko tuloy napaka-swerte ko na magkaroon ng chance na makausap ang isang Kathryn Bernardo." Kumunot ang noo niya na tila di maintindihan ang sinasabi ko.

"Biruin mo, mahirap lang ako pero eto ako nakikipagusap sa kaisa-isang anak na babae ng may-ari ng pinakamalaking business dito sa Pilipinas."

"Sheesh. Akala ko naman kung anong ibig mong sabihin."

Agad namang may pumasok na idea sa isip ko at ibinulong ito kay Kathryn. Ngumiti itong sumangayon sa naisip kong plano.

"Restroom lang ako." Sabi nito. Tumayo si Kath at umaktong pupunta sa banyo. Agad kong napansin ang pagkilos ng security nya na sinubukang sundan siya. Buti na lang at nadistract ito sa empleyado ng coffee shop.

"Sir kanina pa po kayo dito pero wala pa rin kayong inoorder." Sita ng empleyado. Nung makita kong preoccupied na ang security ni Kath ay agad na rin akong umalis para sundan si Kath.

---------------------

"That was fun!" Napakalapad ng ngiti nitong sinabi habang angkasangkas sa motor ko. "Hindi ko akalaing makakatakas tayo kay Keith." Sinubukan nitong ilapat ang kamay niya na parang sinasalubong ang hangin pero agad nitong ibinalik ang hawak sa baywang ko.

"Humawak ka ng maayos baka mahulog ka. Hindi pa matuloy ang pagtakas mo." Hinigpitan niya ang hawak sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero nakakaramdam ako ng kuryente sa tuwing nararamdaman kong nakadikit sa akin si Kathryn.

"Saan mo gusto pumunta ngayon?"

"Amusement park!" Parang batang sigaw nito.

His Quest To Make Her Fall InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon