Chapter III.

174 13 1
                                    

[In the picture: Ram.]

[Ram's POV]

THE INSISTENT ringing of his phone woke him up. Napaigtad si Ram. Hindi niya akalain na sa sandaling pananahimik lang niya ay naidlip siya. He must be more sleep-derived than he thought. 

May bahid na pagkayamot na hinugot niya ang cell phone niya. Sandali siyang nag-atubili nang makita sa screen kung sino ang tumatawag sa kanya.

Parang wala siyang lakas at wala sa mood na kausapin ang nasa kabilang linya. Kung hindi naman niya kakausapin ito, malamang na tumawag nang tumawag ito nang paulit-ulit.

He might as well accept the call. Kasabay ng pagbuntong-hininga ay pinindot na niya ang Answer button.

"Hi there, stranger." A low, throaty voice greeted him.

"Hi, Maxine," aniya rito.

Matagal na silang magkakilala. May magugustuhan man ang lolo niya na isang babaeng pakakasalan niya, si Maxine na siguro iyon. And in some way, he tented to agree.

Magkapareho ang mundong ginagalawan nila. Dahil doon ay kabisadung-kabisado nito ang gagawin kung sakaling ito ang maging Mrs. Ramoncito Castillanes III. Pero hanggang nang mga oras na iyon, kung may masasabi man silang ugnayan, ay napakakaswal niyon.

"You're busy, right?" bungad nito.

"Ang galing mo namang manghula," sagot niya.

"It's a no-brainer. You're always busy." anito.

"Hindi naman palagi," tanggi niya.

"Just most of the time," saad nito. "Well, I'll make this quick. I'm having a few friends over for drinks tonight. I would really love for you to come."

Mabilisan niyang inisip ang schedule niya. "I can't promise anything," wika niya kapagkuwan.

May dadaluhan siyang cocktails at hindi niya matantiya kung gaano katagal niya kakailanganing maglagi roon. Pagkatapos niyon ay baka masyado na siyang pagod.

"Oh, please try to come. Ang tagal na nating hindi nagkikita. I might not recognize you anymore the next time we meet," anito.

"I'll send you photos," biro niya.

"Do that. Baka kailanganin na nga," sagot nito. Pagkasabi niyon ay nagpaalam na ito.

Pakiramdam niya ay nasa isang kuwarto siya kung saan unti-unting nagdidikit ang dingding. The space was getting smaller and smaller. Para siyang nasasakal na. Napahawak nga siya sa kuwelyo ng polo niya at inilayo iyon sa leeg niya.

Bigla ay tila hirap siyang huminga. Parang inaatake siya ng asthma. Pero wala siyang ganoong sakit at masyado pa siyang bata para atakihin sa puso. Isa pa, hindi naman siya nakakaramdam ng chest pains.

He took long, slow, deep breaths. Ilang sandali pa ang lumipas ay nawala na ang paninikip ng dibdib niya. 

Weird, sa loob-loob niya. Dapat siguro siyang magpa-check up. If only he could find the time to schedule one.

The hours sped by. Sa dami ng mga inasikaso niya, hindi nagtagal ay naagaw na ang atensiyon niya ng mga dapat niyang gawin. Kaunti na nga lang ang oras niya para maghanda para sa cocktails na pupuntahan niya, nang mag-angat siya ng ulo ay santambak pa rin ang paperworks niya.

Tumuloy siya sa banyong nasa opisina niya. Nag-shower siya. May closet sa inner room ng opisina at doon na siya nagbihis. Pagkatapos ay dumiretso na siya sa sasakyan niya.

He never made it to Maxine's place. Tumagal siya sa cocktails dahil may nakausap siya roon na isang Taiwanese na interesadong dalhin sa supermarket chain ng kompanya nito ang mga produkto ng Gold Mix.

Umalis sila sa cocktails at tumuloy  sa isang cafe. Doon sila nag-usap nang mas masinsinan. He was still pissed off with Mr. Peters decision not to seal the deal with him. Gusto niyang may maipambagong-puri siya sa lolo niya.

Alas-dos ng madaling araw na yata siya nakauwi. Kinaumagahan, nang tumunog ang alarm niya ay hindi kaagad siya nakabangon.

Parang nagwelga ang lahat ng cells niya sa katawan at nagpupumilit ang mga iyon na manatili pa siya sa kama.

But of course, that was not possible.

With a sigh, he forced himself to get up. Pero habang nakasahod siya sa dutsa para sa nakagawian na niyang madaliang pagsa-shower ay hindi niya napigilang umasam na sana ay magkaroon man lang siya ng pagkakataong magpahinga.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------

Comment. Vote. Like. Be a fan. Support lang po natin ang story ni Laurice Del Rio. :) Isa po siya sa mga favorite author ko. Hindi niyo po pagsisihan ang pagbabasa ng story niya. :) 

A romance novel written by Laurice Del Rio. 

Next: Chapter IV.

Magandang Biro Ng TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon