Deimon Hades Above👆. Wafu no? Hihihi.❤_❤
Vote and Comment.
Deimon Hades POV:
"Mahal na Alpha, may huli uli." Sabi sakin ng bagong dating na aking kanang kamay na si Lucas.
Tumango ako rito at walang emosyong tumayo papunta sa basement kung saan kinukulong roon ang mga nahuhuling mga bampira.
Malayo palamang ay rinig ko na ang nagdudusang ungol nito.
"Ilan ang mga huli?" Sabi ko kay Lucas.
"Isa lamang pinuno, dahil nagpakamatay ang kasama nito..." Napailing nalamang ako, gawin din sana iyan ng lahat ng bampira! Ang magpakamatay ng kusa! Upang mawala ang mga salot sa lipunan!
Mas malapit, mas rinig ko ang nagdudusang ungol nito. Walang humpay na pinahihirapan....
Ng buksan ni Lucas ang pintuan ay napatingin sakin ang huling hayop na bampira... Ngumisi ito at ng makalapit ako ay dinuraan nito ang suot kong damit at humalakhak pa ito. Sa galit ko ay sinuntok ko ito at halos malaglag ang panga nito.
"SAAN NAGLULUGAR ANG MGA SALOT NA BAMPIRANG TULAD MO, HUH?!" pero imbis na sagutin ako nito ay tumawa lamang ito ng tumawa.
"Hahahaha!! Hindi ko alam! Hindi ko alam! Hahaha!!" Inutusan ko ang dalawang kawal na higpitan ang kadena at ikabit roon ang pangpakuryente...
"SAGOT! KUNG AYAW MONG MAMATAY DAHIL SA KURYENTE!!" at walang pakundangan na sinuntok ko ito ng paulit-ulit.
"Alpha! Tama na! Wala tayong makukuhang sagot kung papatayin nyo iyan...." Awat sakin ni Lucas.
Pinilit kong huminahon muna.....medyo matatagalan dahil ang tanging nagpapahinahon sa amin mga taong-lobo ay ang mga mate namin pero malas ko dahil di pa ito dumarating.....ang aking Luna.
Mga ilang minuto na katahimikan ay biglang nagsalita ito pero dahil ibang lenggwahe ay napakunot ang noo naming lahat.
“Una señora va a llegar y sacrificarse para dio los dos mundos de los inmortales en la paz”
At pagkatapos ay bigla itong naging abo at naiwan ang duguang damit nito. "Paano nangyari yun?" Rinig kong sabi ni Lucas. Miski ako ay wala pa sa katinuan dahil sa nakita.
Ng makabawi na ko sa pagkagulat ay agad akong umalis at dumiretso sa kubo kung saan nakatira si Mama Albarta, ang naging Ina ko narin noong nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng mga Bampira at mga Taong-Lobo at pinaslang ng Hari ng mga Bampira ang mga magulang ko.
Pagrating roon ay agad agad akong pumasok ng walang pasabi. Nakita ko itong nakatayo sa may kusina nya.
"Ma...." Sabi ko
"Ay mahabaging Langit!" Gulat na sambit nito... "Deimon, anak naparito ka? Upo ka muna, ihahanda--"
"Wag na po...may itatanong lamang ako..." Sabi ko rito na ikinatigil nito at umupo. "Ano iyon?" Sabi ni Mama..
"Hindi ba alam mo lahat ng lenggwahe na meron ang mundong ito?" Sabi ko at tinignan ito. "Oo, anak alam ko...may gusto ka bang malaman roon??"
"Maaari nyo bang sabihin ang kahulugan ng 'Una señora va a llegar y sacrificarse para dio los dos mundos de los inmortales en la paz'??"
Nabitawan naman nito ang hawak nyang sandok. "Iho...saan mo nakuha ang salitang iyan??" Sabi nito.
Huminga ako ng malalim at ikinuwento ang lahat sa kanya. Nakita ko pang nanlaki ang mata nya pero nagiging mahinahon rin...
"Anak, ang ibig sabihin sa sinabi ng bampirang iyon ay..
"Isang babae ang darating at isasakripisyo ang sarili upang magkaroon ng payapa sa pagitan ng lahing bampira at lahing mga taong-lobo...."
Isang babae?? Darating at isasakripisyo ang sarili? Huh!
"Isang kahangalan lamang iyon! Kahit kelan walang mamamagitang kapayapaan sa mga taong-lobo at bampira!" Angil ko rito pero tumayo ito at may kinuha...
Isang salamin.......
"Mahiwaga ang salaming ito kaya dapat mong pakaingatan. Sa ika-28 mong kaarawan ay pumunta ka sa talon ng Bundok Olympus at basagin ito. Saka mo ihulog ang mga piraso nito sa tubig ng nasabing talon at lalabas roon kung sino ang babaeng iyon....." Sa isang iglap ay nasa palasyo na ko ng aking kaharian.....
*******
The Palace of Deimon Hades & Werewolves.👇
Vote. Comment. And Share this to your Watty friends!! Kamsahamnida~
BINABASA MO ANG
Vampire Princess And The Alpha King
FantasyO N - G O I N G (SHORT STORY) "Your not my mate. Your not my Luna. A useless vampire princess" sabi nito at doon na tumulo ang luha ko. "W-wala naman to sa lahi natin ah? Eh, ano naman kung magkalaban--" "Hinding Hindi mangyayari yon! Di kita mata...