Cath's PoV:
"Sheng!!" Sigaw ko kay She na nagtatanim ng mga buto ng gulay...
Lumingon ito at nagtatakang tumingin..
"Oh? Cath..bakit?" Ani nito.
"Ahm, ano Sheng. May pupuntahan lamang ako hah? Ikaw na muna ang bahala rito.." Sabi ko
"Hah? Ah...sige. Mag ingat ka marami kaseng mababangis na hayop ang nandyan." Sabi nito.
Tatalikod na sana ako ng magtanong si Sheng muli, "Cath, gusto mo bang samahan kita? Delikado kase." Ngumiti lang ako at "Hayy, naku! Wag na Sheng baka ikaw pa ang mapahamak!" At inilingan ko ito.
Tumango nalamang ito at nagtanim na uli.
Nais ko sanang puntahan si Tandang Albarta upang malaman ang nangyayari sa kaharian ngayon..
Agad akong bumalik sa kubo at kinuha ang aking pangtaklob. Isang mahabang telang pula may saklob ito. Agad kong lumisan roon.
********
Sa Kaharian ng mga Bampira
"Mahal na Hari't Reyna, ipagpaumanhin nyo subalit wala pa ring balita tungkol sa prinsesa...."
"Aking Hari't Reyna, sa kapatagan naman, paniguradong di naman dumaan roon ang Mahal na Prinsesa sapagkat teritoryo iyon ng mga Lobong Halimaw...."
"Aking Hari't Reyna, lumapit rin ako sa ibang bayan na nasasakupan ng inyong pamumuno subalit, hindi raw po nagagawi roon ang Prinsesa..."
Napahawak na lamang sa ulo ang Hari Armenzeus at agad naman itong dinaluhan ng kanyang kabiyak, Ang Reyna Helena.
"Aking Mahal, maaari siguro natin ipahanap kay Weinn, ang mapapangasawa ng ating Prinsesa..." Ani ng Reyna.
Lumingon dito si Haring Armenzeus at tinanguhan..
"Siguro nga."Humarap ito sa kawal at ipinatawag ang mensahero ng kaharian. Agad naman, itong lumuhod pagkarating.
"Ikinalulugod kong makita muli kayo Mahal na Hari't Reyna, ano ang aking maitutulong?" Sabi ng mensahero."Nais ko sanang isulat mo na ako, Haring Armenzues; Inaatasan ang anak ng pinakamataas na konseho na tumulong at manguna sa paghahanap sa kanyang magiging kabiyak na si Maria Proserpina Catherine Bloodydeath."
Matapos maisulat ay agad itong lumuhod muli at nagpaalam na upang ipaalam.
*****
Cath's PoV:
Grabe! Wooh! Nakarating rin sa wakas! Sumakit ang likod ko nako! Pati ata aking paa ay sumakit, ganito pala pag naging tao, inabot na ata ako ng siyam-siyam dito.
Agad akong lumapit sa pintuan at kumatok...
*tok tok tok*
Matapos ang tatlong katok ay binuksan ito ni Tandang Al----
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Sino ka?" Isang napakagwapong lalaki ang nagbukas ng pinto. Napatulala ako saglit pero ipinilig ang ko rin agad ang aking ulo sapagkat hindi dapat ako mahibang sa lalaking ito."Ah--eh--- Ako si Ma- ano...Catherine, ako si Catherine. Nais ko sanang matanong kung nandyan ba si Tan-- ano Inay Albarta?" Tanong ko dito.
Tinaasan lamang ako nito ng kilay at sinaraduhan..
Anu ba yun?! Kusa ko na sanang bubuksan ng biglang bumukas ito at nadapa ako sa sahig."Aray.." Sabi ko habang sapu-sapo ang aking noo na tumama sa sahig.
Nakita kong agad akong dinaluhan ni Tandang Albarta, nasilip ko rin ang lalaki na dumaan sa bintana. Tsss, ano ba yun? Para naman itong sumikretong nagnakaw. Ano naman siguro ang nanakawin ng lapastangan na yon?
"Naku! Iha ayos ka lamang?" At tinulungan ako tumayo.
"Ah? Opo..opo.." Sabi ko at nagpagpag ng aking kasuotan.
Tumikhim ako at sinilip kung naroon ang lalaki. "Nandoon pa ba sya?" Tanong ko.
Agad naman itong sumilip at waring may hinahanap. Sinarado na nito ang bintana't pinto.
"Wala na sya, Prinsesa...." Agad itong yumuko.
"Nako naman! Tandang Albarta! Huwag mo nga akong maganyan ganyan! Nagmumukha lamang akong matanda.." Sabi ko at ngumuso.
"Pasensya na. Nga pala, nagawi ka rito?"
"Nais ko sanang kamustahin gamit ang kristal mong salamin ang aking Magulang"
Tumango ito at kinuha. Agad itong binulungan ng kung ano at nagliwanag saglit ang salamin. Iniharap nito ang salamin sakin at nakita ko roon ang aking magulang at pawang mga matatamlay...
Napapikit ako ng mariin dahil alam kong kasalanan ko iyon. Ipinalayo ko iyon dahil maiiyak na ako. Kung hindi lamang sana nila ipapakasal ako hindi ko magagawa ito.
"Pinapahanap ka nila Prinsesa...pawang mga hindi sila natutulog ng maayos dahil hinahanap ka nila." Tumango ako at umupo sa silya.
"Ibang usapan nalamang..." Sabi ko "Sino nga pala iyong lapastangang lalaki?"
"Prinsesa, iyon si Dei, ang aking anak-anakan...matagal ko na gusto syang ipakilala sayo ngunit ang landas nyo ay hindi tinatadna."
"Ah..akala ko ay magnanakaw."
Marahan itong tumawa at "Ganun talaga si Dei, misteryoso kumilos, nga pala..saan ka ngayon naglalagi?"
"Doon ako sa kubo naglalagi kasama ang mortal."
Nanlaki ang mata nito. "Malapit ba sa tahanan yan ng mg mortal?"
Umiling ako "Hindi. Isang bundok pa bago makarating sa tirahan ng mga mortal...nagtataka nga ako eh sapagkat napakalayo ng kanyang sinisilong gayon sya ay mortal."
Nagbuntong-hininga naman ang matanda. "Siguro ay dapat mong kilalanin ang mortal, Prinsesa. Baka magdulot sayo iyan ng kapahamakan."
"Babae sya. Ulilang wagas. Siguro nga. Tama ka naman. Di dapat ako magtiwala." Sabi ko at napaisip rin.
"Yung sa gamot? Naalala ko, matagal bago mawalan ng bisa iyon hindi ba? Nawala ang aking kapangyarihan bilang bampira at matagal pa siguro bago iyon bumalik"
"Binuhos mo siguro kung kaya't matagal pa."
Ngumiti ako dahil sa oras na yon...di nila ako matutunton.
V.O.T.E😘
BINABASA MO ANG
Vampire Princess And The Alpha King
FantasyO N - G O I N G (SHORT STORY) "Your not my mate. Your not my Luna. A useless vampire princess" sabi nito at doon na tumulo ang luha ko. "W-wala naman to sa lahi natin ah? Eh, ano naman kung magkalaban--" "Hinding Hindi mangyayari yon! Di kita mata...