My first ever story na ang characters ko ay werewolf at vampires :p. Hope you guys like it.😄👌
Maria Proserpina Catherine Bloodydeath above! Ganda no?😘
Maria's POV:
"Mahal na Prinsesa, pinapatawag ka ng mahal nyong magulang" sabi sakin ng isang katiwala sa aming palasyo.
Hayy, yung tungkol siguro iyon sa pagtakas ko kaninang madaling araw.
"Ah? Oo, pakisabi ilang sandali lamang may aayusin lang ako." Sabi ko at inayos aking buhok na itinirintas ko bawat gilid.
Ngumiti ito at sa isang iglap ay wala na ang katiwala namin. Bampira, oo lahat kami...mapabata man o matanda.
"Ayan! Tapos ko na ayusin itong buhok ko. *smile*"
Nga pala hindi pa ako nagpapakilala, ako si Maria Proserpina Catherine Bloodydeath! Ang haba no? Ewan ko ba?! Ang iikli naman ng pangalan ng aking magulang pero ako! Nakkuuu!!!
Matapos ko ayusin ay itinignan ko ang aking suot na puti at mahabang bestida.
Sa isang iglap ay nasa harapan na ko ng Mahal kong mga magulang."Maria Proserpina Catherine, hindi ba sabi ko sa iyo na wag mong tatakasan ang iyong mga alalay? Sumuway ka nanaman..." Sabi ni Ama sakin. Sinasabi ko na nga ba...pero yumuko nalang ako.
"Ipagpaumanhin nyo ang aking pagsuway sa utos nyo, Ama. Hindi na ho mauulit." Sinasabi ko iyon pero ang aking daliri ay nakaekis.
"Mahal kong Haring Armenzeus, ako na ang kakausap sa ating prinsesa..." Malambing na sabi sakin ng aking Inang si Helena.
"Tara Anak sa ating hardin...." Yaya sakin ni Ina at sa isang iglap ay nakupo na kami sa upuan na malapit lamang sa hardin. Kahit nakaupo kalang ang sarap na agad sa pakiramdam, makikita mo ang buong lawak ng hardin.
"Mahal kong anak, huwag mong tatakasan na ang iyong mga alalay." Sabi nito sa akin.
"Ipagpaumanhin nyo aking Ina. Di na mauulit." Sabi ko pero katulad ng dati nakaekis nanaman ang aking dalawang daliri.
"Alam mong maraming nag-aabang riyan sa labas na kalaban. Kailangan mo mag-ingat. Maraming bampirang wala na sa katinuan at hindi na tayo iginagalang." Tama si Ina kailangan ko ring mag-ingat. Alam kong inaaalala nila ang aking kaligtasan. Pero dahil nga makulit ako ay lagi akong lumalabas ng palasyo.
"Anak? May sasabihin ako sa iyo...." Sabi nito kaya napalingon ako sa kanya...
"Ano po yon, Ina??" Teka... Bakit parang kinakabahan ako? May masama bang mangyayari?
"Sa Ika-26 mo, napagkasunduan namin na ipakasal ka sa anak ng nakatataas na konseho natin, si Weyn...kasi alam mo naman ang----"
Napatayo ako..
"Ano po?! Ipapakasal nyo ko?! H-hindi pede!" Napaiwas ako ng tingin...
Inaantay ko kase ang batang lalaki na sinagip ko noong ako ay nasa edad na 16. Kahit isa pa syang......kalaban.
BINABASA MO ANG
Vampire Princess And The Alpha King
FantasyO N - G O I N G (SHORT STORY) "Your not my mate. Your not my Luna. A useless vampire princess" sabi nito at doon na tumulo ang luha ko. "W-wala naman to sa lahi natin ah? Eh, ano naman kung magkalaban--" "Hinding Hindi mangyayari yon! Di kita mata...