Chapter 20

169 11 12
                                    

Malalim na ang gabi at ang tanging bagay na bumabasag sa katahimikan ay ang mga kaluskos na ginagawa ng mga halaman at mga dahong hinihipan ng malamig na hangin.

Napakalawak ng kalangitan ngunit wala ni isang bituin ang makikita dito. Para bang inabandona na kami ng mundo at initnapon sa isang napakadilim na kawalan. Tanging liwanag ng buwan na para bang nangungulila ang nagbibigay tanglaw sa islang kinaroroonan namin ngunit ang mga puno ay hindi hinahayaan na tamaan ng ilaw ng buwan ang islang ito. Tila ipinagkakait ng gubat ang liwanag sa buong isla.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Someone's POV

Two down, one to go.

Now, where is that bitch?

I have to find her. Kelangan ko siya mapatay. That thieving slut. And once I am done with her then I can finally be with my one true love. Hahahaha!

"So what do you think?"

"It is fine with me."

Ano yun? Parang pamilyar ang mga boses na iyon ah.

"Wala ka naman dapat ireklamo. After all, tinulungan kita."

"Yes, yes! I must return the favor now."

Lumapit pa ako sa mga boses para mas marinig ko ang pinaguusapan nila at para makilala ko kung sino ang mga iyon. Nagdahan-dahan lang ako para hindi nila malaman na may iba pang tao bukod sa kanila sa lugar na iyon.

"Mas maigi na nagkakaintindihan." Kilala ko ang boses na iyon. Hindi ako maaring magkamali. Sa kanya ang boses na iyon. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa boses na iyon.

"You don't have to tell me everytime. I am so grateful that you helped me para lang maging successful ang pagpatay ko kay Angelica, at kay Jansed." Natigilan ako ng marinig ko iyon.

Si Jansed? Patay na.. si Jansed?

Hindi ito maaari. Humangin ng malakas kaya naggalawan din ang mga sanga at natamaan ng liwanag ng buwan ang dalawang nilalang na naguusap. Doon ko naaninagan kung sino ang mga pumatay kay Jansed. Gusto kong sumabog at sumugod dahil sa sobrang galit ngunit pinigilan ko ang aking sarili dahil oras na gawin ko iyon ay alam kong madedehado ako. Ano pa at dalawa sila at mga mamamatay-tao din. Isa pa, kelangan kong patayin ang malanding mang-aagaw na si Sharmine. Kinalma ko ang sarili ko para mapigilan ang sarili na gumawa ng isang bagay na pagsisishan ko.

"It's time. We have to go now. Do your role properly or else ako mismo ang papatay sa iyo."

"Uhmmm..o-okay." Nauutal na sagot ni Venus. At sabay na silang umalis sa kinatatayuan nila.

Kelangan ko na rin umalis at hanapin ang dahilan ng lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Sharmine, you are so dead. Literally.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sharmine's POV

Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi dahil sa sobrang lamig na hangin na tumatama sa balat ko. Kinusut-kusot ko pa ang mga mata ko para lang mawala ang antok at makakita ng maayos. Pero nagulat ako dahil wala sa tabi ko si Venus.

"Bryll, si Venus nawa... Bryll?" Pati si Bryll nawawala? Ano ba naman to? Bumalik nanaman ang takot na kanina ay nararamdaman ko. Asan na sila?

"Bryll! Venus!" sigaw ko ngunit mahina lang dahil baka nasa paligid lang ang killer. Hala! Paano kung pinatay na pala sila ng killer at dinala sa kung saan. Wag naman sana!

"Bryll! Venus! Asan na ba kayo? Huhuhu!" Di ko nanaman napigilan ang sarili na umiyak dahil sa halu-halong emosyon na nararamdaman ko.

Maya-maya pa ay naramdaman ko na may humawak sa akin mula sa likuran kaya hindi ko napigilan sumigaw.

"Aaaahhhh!" Habang pinipilit makawala sa mga kamay na nakahawak sa akin.

"Shar! Oi! Shar ako lang to!" Pagpapatigil sa akin ni Bryll!

Napayakap ako agad sa kanya dahil sa sobrang takot ko.

"Alam mo nagiging matatakutin ka na.. at iyakin din." Pang-aasar niya sa akin.

"Leche ka! Buhay natin ang nakasalalay dito kaya may karapatan akong matakot. Buset!" sagot ko sa kaniya habang naglalakad palayo.

"Oo na. Binibiro ka lang eh. Halika na dito. Wag ka na magtampo." sabi niya sabay hila ulit sa akin pabalik sa kanya. Kinulong ulit niya ako sa kanyang mga bisig at isinandal ko ang ulo ko sa kanyang dibdib. Ramdam ko ang bawat paghinga niya at ang bilis ng tibok ng puso niya.

"Saan ka ba galing?"

"Jan lang sa tabi-tabi. Nagjingle-bells lang ako. Di ko na mapigilan eh."

"Natakot ako eh. Akala ko nakita na kayo ng killer at pinatay na kayo ni.. Si Venus!!! Bryll, si Venus nawawala! Kelangan natin siyang hanapin!" Shit! Nakalimutan ko si Venus. Kung bakit naman kasi ang harot harot netong lalaking kasama ko. Pati ako nahahawa na.

"Halika na. Hanapin na natin si Venus." Naglakad kami nang naglakad habang tinatawag ang pangalan ni Venus. Malayo na rin ang natatahak namin. Nasa unahan si Bryll habang nasa likod naman ako at hawak niya ang kamay ko.

Pasalamat talaga ako at nandito si Bryll dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Siya ang nagbibigay ng lakas ng loob sa akin at ramdam ko na ligtas ako basta nandiyan siya.

Habang naglalakad ay may napansin ako na parang dumi sa may bandang balikat niya. Hindi ko mawari kung ano iyon. Tinitingnan ko siya ng maigi ngunit para bang isa iyong puzzle na ang hirap ayusin.

Hindi ko na mapigilan ang sarili sa pagiging curious kaya naman pinahinto ko siya sa paglalakad.

"Bryll, wait lang. Huminto ka muna sa paglalakad. Ooppsss!! Wag kang haharap dito talikod ka lang. May titingnan lang ako." sabi ko sa kaniya pero hindi naman siya nagtanong kung bakit.

Hinawakan ko ang likod ng damit sa kanang bahagi ng katawan niya at ibinaba ko iyon.

"Sharmine, teka lang. Sigurado ka ba sa gusto mo? Baka kasi hindi ka pa ready. Pag-isipan mong mabuti yan. Aray!" Batukan ko nga. Pinagsasabi nitong ugok na ito.

"Teka lang. May gusto lang akong makita."

Tiningnan ko ang dumi sa kanang bahagi ng balikat niya at bigla na lang may mga alaala na bumalik sa akin.

"Mag-iingat ka apo."

"Sa itim?"

At para bang puzzle piece na nagfit sa tamang pwesto, doon ko napagtanto kung ano ang itim na bagay sa balikat ni Bryll.

"Black Rose.." kusang lumabas sa bibig ko ang mga salitang iyon. Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sobrang sakit at kirot. Nakaramdam din ako ng matinding takot at galit. Takot dahil kaharap ko ang taong dahilan kung bakit takbo kami ng takbo sa gubat na ito at galit dahil pinaniwala niya ako sa mga kasinungalingan niya.

"Ikaw!"

"Sharmine! Okay ka lang ba? Anong problema?" tanong niya sa akin at sinubukan ulit hawakan ang kamay ko. Pero tinabig ko iyon dahil ayokong hawakan ng maruruming kamay niya.

"Ikaw ang may kagagawan ng lahat ng ito!"

"Ahhhh! Sharmine teka lang!! Ahh! Ang sakit! " Inapakan ko ang paa niya at tumakbo palayo sa kanya.

Palayo sa killer na pumatay sa mga kaibigan ko.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

AN: Author Ryujiben on your screen guys. Thanks so much for waiting. :)

_RyuJin_

Dark SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon