Chapter 22

115 7 5
                                    

Sharmine's Pov,

Bumalik ako kung saan nakatayo ang dating bahay na tinirhan namin at naupo sa may mahabang bench. Napakaganda dito noon may makukulay na bulaklak na nakatanim sa paligid ng bahay na dinadapuan ng iilang paru-paru, sariwang hangin at huni ng mga ibon na nakakagaan ng loob at kulay berdeng mga damo at puno na napakalamig sa mga mata. Pero ngayon lahat nagbago. Nawala na ang mga makukulay na bulaklak at paru-paru at nagsisimula ng matuyo ang mga damo. Lahat ng nasa paligid ko nagbago, pati na rin ang taong pinakamamahal ko, hindi ko alam kung makakaya ko pa siyang harapin o makita manlang.

Pagkatapos ng ilang minuto na pagkakaupo ko doon, nagtungo naman ako kung saan inilibing sina Ruben at Mae Ann. Hindi ko na nakayanan ang bigat ng loob ko kaya napaupo nalang ako sa harap ng libingan nila at tuluyan ng umiyak.

"Patawarin niyo ako, hindi ko alam na magagawa sa inyo 'to ni Bryll. Hindi ko alam na ang taong mahal ko pa ang may kagagawan ng lahat ng 'to." patuloy pa rin ang pagbagsak ng mga luha ko.

"B-bakit nagawa niya 'to sa inyo? Bakit? "

"Ang buong akala ko malakas na ako. Akala ko kaya ko na lahat ng pagsubok. Akala ko wala ng isasakit pa nong iniwan kami ni Papa. Akala ko lang pala ang lahat. Hindi ko alam na mas masakit pala malaman na ang taong minahal at pinagkatiwalaan mo ang siyang sisira at wawasak ng puso mo."

Sana panaginip nalang din 'to gaya ng napapanuod ko sa mga pelikula dahil labis labis na akong nasasaktan, hindi ko alam kung kaya ko pang tanggapin ang mga susunod na mangyayari sa amin dito sa Isla ...

Marcus's Pov,

Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at umiikot pa rin ang mga paningin ko at nanghihina dahil sa mga tama ko sa ulo. Nangangalay at manhind na din ang bibig ko dahil sa tela na nakatali dito. Kahit na nahihilo at nanghihina ay ipinilit kong igala ang aking paningin.

Nasa isang abandunadong kwarto kami, isang ilaw lang ang nagbibigay liwanag sa kabuuang kwarto at patay sindi pa. Feeling ko tuloy nasa isang horror movie ako.
Ang sangsang pa ng amoy dito para bang may kung ano ng nabubulok ang nakatambak dito.

Nakatayo sa di kalayuan ko si Nur Inn at Ruben. Bakas sa mukha niya ang takot at kaba, gustuhin ko mang isigaw sa kanya na tumakbo na siya pero hindi ko magawa.

Lumingon ako kay Ruben, na nakatayo lang at nakangiti. Paano siya nakaligtas sa sunog at pagsabog ng bahay? Tss baka kagagawan niya lang din yon para masagawa niya lahat ng plano niya. Sigurado ako na pati pagpunta namin dito sa Isla siya rin ang may kagagawan. Naririnig ko ang pamilyar na boses na sumisigaw at nagsasabi kay Nur Inn na tumakbo.

Nakatakbo si Nur Inn palayo kay Ruben at hiniling ko na lang na sana ay makatakas sya ng ligtas. Nang sundan ni Ruben si Nur Inn ay tsaka ko tinignan ang nagmamayari ng boses na kasama ko sa kwarto. Di ko napigilan ang sarili ko na maluha nang makita ko ang taong sobrang tagal ko nang hinahanap. Ang sarap sabihin na "Namiss kita kambal, pa hug." Mula nong nawala siya araw araw kong pinagdarasal na magkita kami pero, Shit lang! Gusto ko siyang makasama ulit pero hindi sa ganitong sitwasyon.

Gusto kong magpumiglas. Gusto kong makawala dito para malapitan si kambal pero hindi ko na kaya. Pagod na akong lumaban. Feeling ko hanggang dito nalang kami. Labis labis na akong nanghihina dahil na rin sa daming dugo na nawala sakin at panginginig dahil sa gutom. Muli akong tumingin kay kambal na ngayo'y nakatingin na rin sa akin at nakangiti.

Saan naman to kumukuha ng lakas ng loob para makangiti pa ng ganyan? Mamamatay na nga kami lakas pa niya makangiti ngiti dyan. Tss.. kakaiba talaga tong si kambal. Pero nakakagaan ng loob ang mga ngiti niya. Nagkakaroon ulit ako ng lakas ng loob at paniniwala na makakaalis din kami dito.

Dark SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon