Chapter 11

324 13 12
                                    

Sharmine's POV,


" Venus!! Omygod! Anong nangyari sayo? Nasaan si Angelica?" Tinulungan ko siyang makatayo ng maayos habang hawak-hawak pa rin niya ang batok niya.

"S-si Angelica. O my Gosh! Kanina nagtaka ako k-kung bakit ang tagal niya, pupuntahan ko na sana siya sa punong 'yon, nang.. nang biglang may humampas sa akin." Tumingin siya sa amin na may namumuo na luha sa mga mata niya. "Please don't tell me na nawawala siya.. No.." Bumuhos na ang mga luha niya na kanina pa niya pinipigilan. Nilapitan naman agad siya ni Fatima para patahanin.

"Don't worry Ven, we're gonna find her. Now." Sagot ni Bryll, kaya nabuhayan ng loob si Venus.

"You're kidding right? How are we gonna find her sa ganitong oras? We don't have flashlights or kahit ano mang gamit para sa paghahanap." Napatingin ako kay Pauline na nakahawak sa magkabilang baying niya.

"Tama si Pauline, Bryll. What if mapahamak tayo? Tanging buwan lang nagbibigay ng liwanag sa atin dito sa gubat." Dugtong naman ni Fatima.

"So what are we gonna do? Sit here? Habang 'yong isang kaibigan natin nawawala? Oh c'mon Guys." Singit naman ni Jansed.

Bago pa man sila magtaasan ng boses sa isa't isa tumayo na ako sa gitna nila. Para awatin at pakalmahin sila.

" Look at you Guys, magaaway lang kayo dahil sa paghahanap? A-ano ng nangyayari sa inyo?'' Pansin ko naman ang pananahimik nila.

"Sa mga gustong maghanap kay Ange, sumama sa akin, sa mga ayaw maiwan na lang dito, baka sakaling naligaw lang siya at bumalik dito." Dugtong ko. Mas mabuti na 'yong may maiwan dito baka nga naligaw lang siya. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit ako kinakabahan?

"Jusko! Nasaan ka naman ngayon Ange?"

Mag aalas-kwatro palang ng madaling araw. Mukhang mahihirapan kami na mahanap siya ngayon, kahit isang flashlight wala kami. Inaamin ko naman na nakakatakot talaga dito sa gubat pag gabi, puro panganib ang pumapasok sa isip ko pero wala na kaming choice, kailangan naming mahanap si Ange kahit anumang mangyari.

" Shar, sasama ako sa paghahanap kay Angelica. Ayaw kong umupo lang dito na walang ginagawa."

"Sige Jansed."

" Kami rin nila Kenny at NurInn sasama."

" Are you sure Ven? Hindi na ba masakit at dumudugo 'yang ulo mo?" Nagaalala kong tanong. Hindi naman sa ayaw ko siyang kasama, pero kasi baka hindi niya pa kaya at baka may mangyari pang ikakasama niya.

"I'm good na. Tinignan na ni Danielle 'to. Tsaka matigas kaya 'to. HAHA!.''

" Sige, pero pag hindi mo pa kaya, sabihin mo lang sa amin ha, para masamahan ka namin makabalik dito." Tumango lang siya at ngumiti.

Tatalikod na sana ako ng biglang hinila ni Bryll ang braso ko, kaya atomatikong napaharap ako sa kanya.

" I'm going too." Napakunot ako ng noo. Ang kulit talaga nito.

" No Bryll! They'll need you here. "

"At ikaw? Hindi mo ako kailangan?"

"Ofcourse I do. Pero mas maganda kung nandito ka na kasama nila."

" Alright then. If that so, be careful okay? I love you." Napalunok ako dahil sa huling sinabi niya. Did he just said that in front of them? Waah! Nakakahiya!.

Tinignan ko naman ang iba na nakangiti at nakatingin sa amin.

"Tss. Don't mind them. They're just jealous."

Dark SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon