Chapter Four

18.1K 341 20
                                        

 

FOUR

Kath's POV

Her eyes. Her face. Her song. Di ako pwedeng magkamali. Si Jannie yun.

"Hun. How's the contest?", binack hug ako ni Dj

"Masaya. Ang gagaling nung mga kabataan tumugtog. Ikaw, musta sa office?", I figured out na hindi ko muna sasabihin kay Dj.

"Yun, okay lang naman. Medyo maraming trabaho kay masakit sa ulo.", Dj

"Okay, hilutin nalang natin", hiniloy ko yung ulo niya tapos kiniss ko. Then nginitian ko siya

"Oh, bakit ganyan mukha mo?", kasi mukha siyang nagpupuppy dog face na ewan. Hahaha

"Hun, sumakit bigla to", sabi niya sabay turo sa lips niya

."Padilla, tyansing ka nanaman ah. Naku, kung di lang talaga kita mahal.", then I smacked him on the lips, but it ended in a kiss..

Shaina's POV

Sabi sa birth certificate ko, dito sila nakatira. Well, I'll give it a try

2 knocks.

"Excuse me, anjan po ba sila Mr. and Mrs. Padilla?", tanong ko

"Iha, sa Padilla Realty Inc. ka pumunta o kaya sa ABS. Matagal na silang lumipat ng bahay eh.", sabi nung matandang babae

"Ah okay po. Salamat po.", ako. Tapos umalis na din ako. Tumawag ng taxi tapos bumaba sa Padilla Realty Inc.

Whoa. Ang laki!

"Oww.", aruy. May nakabanggaan nanaman po ako

"Sorry po!", ako tapos tinignan ko kung sino yun, si

"Ma?", ako yan, pero mahina lang. Nagkatitigan lang po kami. Tapos inabot ko sa kanya yung envelope containing my things; birth certificate, etc.

"Uhm, this is not the place to open this things. Halika, dun tayo sa malapit na kainan.", tapos nginitian niya ako.

Pumunta kami sa Starbucks. Tapos binasa niya. Pagkatapos niya basahin yun, luhaan na siya.

She looked at me. "Jannie, anak", tapos tumayo siya at hinug ako. I hugged back.

"Pano po natin sasabihin kay papa to?", tanong ko

"Ako na bahala dun. Basta ngayon, kukunin muna kita mula sa Josher's Angels. Okay lang ba?", siya

Baby KathNielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon