I.
Drix's P.O.V
"FAFA DRIX!"
Tngna! Takbo! Tumakbo ako sa building ng mga grade 7 students dahil ito ang pinakamatas. May limang palapag ito at hindi ko alam kung bakit. Habang pataas ako ng pataas ng palapag ay paunti na ng paunti ang humabol sa akin hanggang sa makarating ako sa pinakataas, ang roof top.
Tuningin ako sa likuran ko at napasapo ng noo ng makitang kong may natira pang sumusunod saakin.
"Pucha." Bulong ko ng makita kong meron pang sumunod saakin. Grade 11 na 'to base sa kulay ng I.D lace niyang violet.
"Ahm.. Drix.. Pwede pa picture? Kahit isa lang. Sige na naman oh! Please!" Pagmamakaawa niya saakin at halos lumuhod na siya sa harap ko.
"Sige. Hehe." Alanganing sagot ko.
Mabilis pa kay Flash na tumabi siya saakin at itinapat ang camera niya sa mukha ko kaya ngumiti na ang ako.
"Isa pa dali. Hihi."
Pagkatapos namin mag picture ay umalis na din siya at nirinig ko pa ang pag tili niya. Tsk. Gwapo ko talaga.
Umupo ako sa isang bench at tumingin sa ibaba. Mga nagkakagulong estudyante... Mga booths... Ang gulo! Birthday kasi ngayon ng principal ng school at alam naman niyang sawa na kami sa notebook, ballpen, blackboard, at sa mga teacher na kine-kwento lang talambuhay nila kaya ito may pakulo siya. Bale tatlong araw 'tong mga booth na andito. At sa tingin ko tatlong araw din akong paghahabulin ng mga estudyante mapa anong grade dito sa high school.
Anong magagawa natin? Gwapo ako eh.
Napadpad naman ang tingin ko sa ibang gawi. Ang mga building ng elementary. Hindi gaya dito sa high school na magulo at maingay. Tahimik lang doon sa elementary. Siguro ay nagka-klase pa sila kaya wala pa masyadon lumalabas na estudyante doon.
Natawa ako ng may nakita akong batang babae at lalaki doon sa elementary na naghahabulan ngunit napawi din ang ma ngiti sa aking labi ng maalala ko siya.
Asan na kaya ang bestfriend ko? Sabi mo walang iwanan? Pero nasan ka ngayon? Iniwan mo na lang ako ng walang pasabi. Pwede mo naman akong itext. Pwede ka rin namang tumawag. Pwede mo rin naman ipasabe kay manong Ogag. Pero bigla kang nawala. Para kang naging bula, yun! Nawala! Bigla kang nawala. Sana nagpasabe ka man lang.. Hindi ganto wala akong alam. Andali kayang magsabe ng babay--- ops. Iba na pala 'yan, kanta na pala 'yan. Hehe.
Kinuha ko na ang cellphone ko na kanina pa nag ri-ring sa bulsa ko. Kanina pa talaga tumutunog pero nag mo-momment pa ako dito kaya hindi ko muna siya kinuha. Ngayon, tapos na ang pag mo-momment ko pwede ko na sagutin ang tawag.
"Hello? Gwapong Drix speaking." Bungad ko sa tumawag na hindi ko alam kung sino dahil hindi ko naman tinignan ang caller name.
"Gago! Nasan ka?!" Sagot sa kabilang linya.
"I'm sorry. Wrong number ata kayo ako po si Gwapong Drix at hindi po 'gago' ang pangalan ko. Bye." Sagot ko naman sakanya at saka ibinaba ang tawag at tinignan kung sino ang tumawag.
Zairus potpot
Sus! Siya lang pala. Akala ko naman kung sinong importanteng tao. Aba! May tumatawag nanaman.
Claudette Calling...
"Hello? Gwapo--"
BINABASA MO ANG
Untitled Love
Fiksi PenggemarWe're just a little boy and girl back then. But you leave me without a word. And now, we finally meet after so many years. "Uy! Bestfriend!" "Who are you?"