III.
Drix's POV
Ikalawang araw na ng pa-event ni principal namin at mal-late na ako. Kinuha ko na lang ang pandesal sa lamesa namin at tumakbo na sa sasakyan namin! Tinanghali kasi ako ng gising, umalis si mama at kapatid ko kaya walang gumising saakin! Pero syempre, gwapo pa rin ako kahit ngarag na.
Pagkapark ni manong ng sasakyan ay nakita kong may nagkukumpulang estudyante dito sa parking lot kaya 'di muna ako bumamaba. Baka mama ay hinihintay nila ako diyan at gahasain ako pagbaba ko? Ha! Sayang naman ang lahi ko kung may maananakan agad ako! Pero joke lang 'yon. Sa laki ng muscles ko ay baka tumilapon lang sila pag lumapit saakin.
Matapos ang ilang minuto ay nawala din ang kumpol ng mga tao dito sa parking lot kaya maingat akong naglakad papunta sa ground kung nasaan ang mga booths.
Wala pang ilang minuto ay agad ko ng narinig ang pagtawag nila sa pangalan ko.
"FAFA DRIX!"
"OMG! AYAN NA SIYA!"
Agad naman akong kumaripas ng takbo dahil sa narinig ko! Nako! Ngarag na nga ako dahil late na ako eto naman may humahabol saakin! spell gwapo? D-R-I-X-J-O-N-A-T-H-A-N-F-O-R-D.
Habang tumatakbo ako papunta sa building namin nakita ko pa si Tyson na may kinakusap na babae, parehas silang kumakain ng cotton candy. Nakatalikod 'yong babae kaya 'di ko alam kung sino 'yon. Siguro ay estudyante lang din 'yon dito na mahilig sa pag-kain kagaya ni Tyson. Pero alam kong hindi lang siya ordinaryong babae dito sa school dahil sa pagtingin ko sakanila ng Tyson ay hindi ko namalayang unti-unti na pala akong humihinto sa pagtakbo at lumiliit na ang distansya ko sa mga babaeng humahabol saakin.
Agad naman akong nabalik sa katinuan dahil gwapo ako kaya tumakbo na ako ng mabilis papuntang building namin. Nasa 2nd floor lang ang classroom namin kaya agad akong umakyat ng hagdan. May tatlong room dito sa 2nd floor at ang amin ay nasa dulo pa. Pagkaapak ko pa lang sa 2nd floor ng building ay sumigaw na agad ako.
"ZAIRYL!!!!" Ibinigay ko na lahat ng boses ko sa sigaw na 'yon pero syempre na maintain ko ang ka-gwapuhan ko.
Nasa ikalawang room na ako at nasa hagdan na ang mga humahabol saakin ng lumabas si Zairyl and friends sa room namin. Agad namilog ang mata ni Trixie ng makita ang mga humahabol saakin kaya agad din silang tumakbo papuntang saakin. Pucha! Hingal na hingal ako don ah!
"Zairyl Castro." Walang ka emosyong-emosyong saad ni Zairly.
"Clyde Castro here!" Ani Clyde habang may malokong ngiti.
Narinig kong nagbulong-bulungan ang mga humabol saakin sa pagkarinig nila ng apilyedo ni Zairyl at Clyde.
"Castro? ang surname nila?" Rinig kong tanong ng isang baklang humabol saakin.
Lumapit sakanya si Claudette at tumango. "I'll introduce my friends for you beks! I'm Claudette, and Zairus is my brother! Then you know naman who's that guy na hinahabol niyo diba?" Tumango sakanya ang kausap niya. "Aryt, skip na siya. Si Trixie naman 'yan. At ang dapat niyong tandaan, ang kambal na si Zairyl at Clyde CASTRO na anak ni Mrs. Lily Castro, ang ating school guidance counselor!"
"Ahhhhhhhhhh! Gaga ka talaga Cassy!! 'Di mo naman chinika na andito yung anak ni Mrs. Castro! Ohmygollygosh! Adviser namin 'yon bakla! chaka mo! You're so g-r-r-r!" Rinig kong sigaw noon bakla habang naglalakad na kami papasok sa room.
Padabog kong binagsak ang bag ko sa upuan ko at agad na umupo doon.
"'Yong attendance, Trixie?" Tanong ko.
"Naipasa na!" Sagot niya habang may lollipop na nakasubo sa bunganga niya. Siya kasi ang president namin at si Tyson ang vice sila din ang top 1 at top 2 sa klase. Ako? Gwapo.

BINABASA MO ANG
Untitled Love
FanfictionWe're just a little boy and girl back then. But you leave me without a word. And now, we finally meet after so many years. "Uy! Bestfriend!" "Who are you?"