II.
3rd Person's P.O.V
Dumeretso na agad si Keithlyn sa kanyang kwarto pagkauwi nila ng bahay galing sa mall. Bags, iba't ibang school supplies, damit at mga sapatos ang binili niya.
Wala pang isang minutong nakahiga si Keithlyn sa kanyang higaan ng may marinig siyang kumatok. "What now?!" Iritadong bulong niya.
"Keith-keith?" Tanon ni Keiyl sa labas.
"What?!" Sigaw ni Keithlyn.
"Pwede pumasok?"
Tamad na tamad na tumayo si Keithlyn sa kama at pinag buksan ng pinto ang kanyang kuya. Pagkabukas niya ay umupo siya sa kanyang kama at 'yon din ang ginawa ng kanyan kapatid.
"Bunso, miss na kita. Pwede pa yakap?" Nagaalanganing tanong sa kanya ng kanyang kuya.
Bahagyang tumango si Keithlyn at walang pagaalinlangan siyang niyakap ng kangan kuya.
Pagkatapos ng ilang segundo ay bumitaw na rin sa yakap ang kanyang kuya at saka nag salita, "Alam mo ba? Dati nung bata ka pa lagi mo akong kine-kwentuhan tungkol kay--"
"Stop. I don't want dramas. You know that I can't remember anything, even you. I'm sorry if I'm being harsh on you but I really don't remember you and please, stop the drama." Walang ganang sagot sakanya ni Keithlyn.
"Ayaw mo na ba maka-alala?" Tanon sa kanya ng kangyang kuya.
"Honestly? I don't want to. There's nothing important about my past, I think."
"Eh paano siya?" Tanong ulit sa kanya ng kuya niya at saka tumingin sa picture frame na nakalagay sa tabi ng higaan ni Keithlyn.
Ilang segundong tintigan ito ni Keithlyn at saka itinaob ang picture frame na may picture ng batang babae at lalaki. "I don't know who is he."
Napabuntong hininga si Keiyl sa sagot ng kanyang kapatid.
"I'm tired. I want to go to sleep." Tumango si Keiyl sa kanya at tumayo na.
"8 AM ang klase mo bukas. Good night."
Alas syete na ng magising si Keithlyn kaya dali-dali siyang bumangon at naligo. Halos kalahating oras siyang naligo at saka nag bihis. Naka high waist shorts at cropped top siya at naka suot ng keds na sapatos.
Kinuha niya ang backpack at cellphone niya bago siya bumaba para kumain.
"7:50 na oh, anong oras ka nagising ma-lelate ka na." Tanong sa kanya ng ate niya, si Keitshayne.
"7." Prenteng sagot niya.
"Sumabay ka na sa akin." Tumango sa kanya si Keithlyn at saka umakyat ulit sa kanyan kwarto para mag tooth brush.
"Hmm? May event sa school niyo?" Tanong sakanya ng ate niya ng makitang madaming booth ang nandoon sa school.
Napakibit balikat lang si Keithlyn dahil kahit siya ay walang ideya kung anong nangyayari sa eskwelahan niya.
"Ako na kukuha ng schedule mo o ikaw na?" Tanong sa kanya ng ate niya bago patayin ang engine ng kotse niya.
Tumingin sa labas ng kotse si Keithlyn at nakitang madamin tao kahit nasa parking lot sila. May nagtatawanan, nag kwe-kwentuhan, nag tutulakan at kung ano ano ang ginagawa ng mga estudyante.
"Ikaw na." Sagot ni Keithlyn.
"Wow! Nagtagalog ka!" 'Di makapaniwalang sagot ng ate niya.
Umirap lang si Keithlyn. Bago siya umalis ng bahay kanina ay sinabihan siya ng mama niya na bawasan ang pag e-english dahil nasa Pilipinas na siya at makipagkaibigan siya. Mataray kasi ang aura ni Keithlyn at lalo na pag nag english siya kaya pinakiusapan siya ng mama niya na mag tagalog dahil nababawas ang aurang mataray niya pag nag tatagalog.
BINABASA MO ANG
Untitled Love
Fiksi PenggemarWe're just a little boy and girl back then. But you leave me without a word. And now, we finally meet after so many years. "Uy! Bestfriend!" "Who are you?"