Day One

264 12 1
                                    

Napabalikwas ako ng gising dahil sa lakas ng kalabog ng pinto.

Malakas na nga ang music sa bahay ko, pero nadidinig ko pa din yun.

"Aish ano ba yan!" Naiinis kong pahayag. Wala na kong choice kundi ang tumayo at buksan ang pinto.

"SINO BA Y-" Naputol ang sinasabi ko ng makita ko ang best friend ko.

"Caroooooooool!!!!" Sigaw ko sa kanya.

Nag-roll eyes siya. "Hay nako Ara! Bakit ngayon mo lang binuksan ang pinto?! Kanina pa ko katok-katok! And bakit ang lakas ng stereo dito!? Ara naman!" Pinatay niya yung stereo. Napakamot na lang ako sa ulo ko.

"Sorry mom.." Pagbibiro ko. Napa-sigh naman siya. "Halika ka dito bakla! Namiss kita!" Tsaka niya ko niyakap ng mahigpit.

"Tagal mong di nagpakita.. Akala ko susunod ka?" Tanong niya.

"Busy na dito. Tsaka may trabaho ako dito." Sagot ko. Napatingin naman ako sa kasama niya. Ang cute.

Napansin naman ni Carol kaya tinawag nya. "Claise, meet your Aunt Ara. You will stay here for 1 week, okay? Be good to your Aunt."

"English spokening ba 'to Cars?" Pagbibiro ko. Umiling naman siya. "Nagtatagalog yan. Alam mo naman na bawal kala Cienne."

"Kamusta na nga pala yung kambal?" Tanong ko. "Ano pala gusto mo? I have a chocolate cake here. Uhm, coffee, juice what?"

"Juice na lang baks." Sabi niya. Tumungo ako tsaka pumunta ng kusina.

-

"Okay naman sila Kambal, Ars. Yun nga lang medyo nagtatampo pa din sila sa'yo, alam mo na.." Sabi niya. Tumingin naman ako kay Claise na busy sa pagkain niya ng cake.

".. Pero okay lang naman sa kanila. It's your decision daw e. Wala daw sila magagawa.." Dugtong niya. I sigh.

"Anyway, asan nga pala sila Mi-"

"DAAAAAAAAAKS~" rinig naming sigaw. Parehas naman kaming napatawa.

"Speaking of."

"OMG! DALANDAN BA 'TO?!" Di makapaniwalang tanong ni Mika.

"Hoy baks!" Sigaw ni Carol.

"Omggggg!!!" Sigaw niya at lumapit kay Carol at yumakap. "Kailan ka umuwi?" Tanong niya.

"Kanina lang." Simple niyang sagot. "Namiss kita! Huhuhu asan si Dora?!"

"Present! OMG BAKLANG PARROT!!!" tili ni Kim at yumakap kay Carol. Napailing na lang ako.

Napatingin ako kay Claise, ang cute niya talaga. Tumingin siya sakin at ngumiti. I smiled back, and then ginulo yung buhok niya at nag-pout pa.

"Sino 'to?" Tanong ni Mika.

"Anak ko." Sagot ni Carol.

"Ang cute! Hahaha. What's your name little girl?" Mika asked.

"Claise.."

"Ano daw baks? Clays? Yung minomol- Aray naman!"

"Claise kasi!" Binatukan kasi ni Carol si Kim.

"Sorry naman. Hehehe." Tumawa si Kim, tapos inirapan niya si Carol. "Hello, Claise. I'm your Aunt Kim. But I prefer you to call me Aunt Arianna." Kumunot naman ang noo niya Claise.

"Why Arianna? Is that your second name, Aunt Kim?" Pagtanong niya.

"Why Arianna? Is that your second name, Aunt Kim?" Kim mimicking Claise's voice. Napatawa naman kami. "Hanep din 'tong batang 'to no? May accent. Uhm, because baby girl. When I was in college, they used to call me that. Because, uhmm you know Arianna Grande?" Kim asked. Tumungo yung bata.

10 Days Together (ON PROCESS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon