Kabanata 2

1.1K 34 0
                                    

Ilang linggo ang nakalipas at hindi na nawala pa sa isip ko ang payat na babaeng iyon.

Sandy, Sandy, Sandy, Sandy...

Aah! Hindi sya mawala sa isip ko. Ang nakakainis pa, hindi naman ganun kalawak itong academy pero hindi ko na sya ulit nakita after our first encounter.

Minsan nga iniisip ko kung aparisyon lang ba yung nakita ko dati o kaya naman ay panaginip kahit alam ko naman sa sarili ko na totoong naganap yun.

Bakit nga ba hindi ko ipagtanong kung nasaang lupalop ang babaeng iyon? Pero baka naman isipin nila na trip ko yun?

Teka? Trip ko naman talaga ah? Pakingshet naman oh! Gusto ko na talaga syang makita ulit!

"Hoy!" napaigtad ako dahil sa paghampas ni Kai sa likod ko.

"Bwiset ka!" singhal ko sa kanya pero nginisian lang ako nito.

"Tulala ka na naman dre. Ano bang nangyayari sayo? In love ka ba? Hahaha!" nakakabwisit nitong tanong.

"Oo nga, madalas ka naming nakikita na tulala o kaya naman ay parang wala sa sarili. Umamin ka nga, nagdadrugs ka ba?" singit ni Sehun na ngayon ay seryoso ang mukha.

Nginiwian ko silang dalawa "Ulul!" Sabay na naghagalpakan ng tawa ang mga ito. Bwisit, mga walang magawang matino.

Muli akong tumitig sa labas ng bintana ng classroom namin. Wala pa kaming guro kaya naman nakakapag hayupan na naman ang dalawang ulupong.

"Hoy bakla! Umalis ka nga dyan sa harap ng bintana!" sigaw ko sa bakla na bigla na lang tumigil sa tapat ng bintana KO at doon nagretouch ng make up sa naaagnas nyang mukha.

Ngumuso ito sa akin na parang nag iinarte kaya naman inambaan ko ito ng suntok. "Papapatakan kita, tamo." banta ko pa. Agad naman itong umalis kaya pinagpatuloy ko ang pagtitig sa hallway. Maya maya pa, dumaan na doon si Tao, isa pang ulupong mula sa kabilang section. Magaling yang mag martial arts kaya naman hindi ko inaaway yan. Bwahahaha!

Tatawagin ko sana sya ng may biglang dumaan na babae, kasunod ni Tao. Teka? Si Suzy yun ah? Bestfriend ni Ji Yeon na girlfriend ni Tao. Ano ba yan. Nagkibit balikat na lang ako at muling tumingin sa hallway. Maya maya pa, may isa pang babae na dumaan doon.

Mabilis ang paglalakad na ginagawa nya at tila nanggigigil pa dahil kagat kagat ang ibabang labi. Ngunit parang nanggigigil sya sa tuwa. Hinabol ko sya ng tingin hanggang sa mawala ito sa paningin ko. Saka lang nag sink in sakin kung sino ang babaeng dumaan.

Pootek! Si Sandy!

"Tang ina naman!" sigaw ko at saka mabilis na tumayo at tumakbo palabas ng classroom para habulin sya. Biglang nag ring ang bell. Pakshet! Kailangan ko muna syang makilala! Kaya naman buo ang loob na tumuloy ako pagsunod kay Sandy.

Nakita ko syang tumigil sa tapat ng garden. At tila nagtago sa malaking halaman doon. Maya maya pa ay inilabas nito ang cellphone at tila may vinideo. Nawiweirduhan ako sa ginagawa nya kaya naman sumilip ako sa loob ng garden at nakita ko doon si Tao at Suzy na nakangiti sa isa't isa.

Agad may nabuong konklusyon sa utak ko pero ayaw ko pa din paniwalaan. Napaiwas ako ng tingin ng maghalikan ang dalawa. Shet! Tototo nga? Di nga? Syota din ni Tao ang bestfriend ng syota nya?

"What are you doing?" pabulong tanong sakin ng isang boses. Napatalon ako dahil sa gulat. Nakataas ang magaganda nyang kilay at nandidilat ang inosente nyang mga mata. Ang tangos ng ilong nya tapos ang pula ng maliit nyang mga labi.

Ang ganda nya!

"Hoy. Kinakausap kita." bulong ulit nito at isinilid sa bulsa ang cellphone na ginamit nya pagvivideo kay Tao at Suzy.

Mabilis na kumabog ang dibdib ko. Bakit ako kinakabahan sa kanya? Nasan ang Chanyeol na kayang basagin ang mukha ng lahat?

Inipon ko lahat ng yabang ko at ngumisi ng nakakaloko sa kanya.

"I saw what you did there." pang aasar ko sa kanya. Akala ko ay magugulat sya ngunit ako pa ang nagulat ng ngumisi sya. Mas nakakaloko, mas malademonyo.

Pakiramdam ko ay biglang nahilaw ang ngisi ko dahil sa ngising ipinakita nya.

"I know. What are you gonna do huh?" matapang nitong tanong sa akin na ngayon ay may nakakakilabot na kislap ang mga mata.

Pakiramdam ko ay dumilim ang langit dahil sa kakaibang personalidad nya. Mukha syang anghel. Pero yung aura nya? Kabaligtaran.

"Well, napadaan lang." pagsisinungaling ko. Alangan namang sabihin ko sa kanya na sinundan ko sya? That's bullshit.

Tinaasan nya ako ng kilay at tiningnan ako ng I know you're lying look. Bakit parang nababasa nya ang iniisip ko? Damn it.

"Okay." Then she shrugged. Nalaglag ang panga ko. Ganun na lang yun? Ni hindi nya man lang ako aakusahan na nagsisinungaling ako?

She smirked at me at tinalikuran ako pero nahawakan ko agad sya sa balikat.

"W-Wait." Nag huh? sya at humarap sakin. Binigyan nya ako ng isang bored na tingin. Nakakaasar! Bakit parang wala syang pakialam?! Hindi ba sya apektado sa presensya ko?

Hindi man nya sinasabi pero I feel damned dahil parang wala akong epekto sa kanya.

"What?" medyo naiirita na nitong tanong. Napalakas ang pagkakasambit nya kaya naman narinig yata kami nila Suzy.

"Sinong nandyan?!" sigaw ni Tao. Agad kong hinila si Sandy sa braso at itinago ang sarili namin sa gilid ng malaking halaman.

"Babe, wala namang tao, baka may napadaan lang?" sambit ni Suzy sa pinakamahinang boses.

"Tsk. Sige na, pumasok ka na. Na-late ka pa tuloy dahil sakin." I can hear frustration in Tao's voice. Hah! Gago ka eh. Sana nga mahuli ka ng syota mo. Tarantadong ito, tinuhog ang mag bestfriend. Aba, kahit naman pinaglalaruan ko ang mga babae, hindi ko naman shinoshota ang magkakaibigan. I might be a bad boy but I still have a heart. Mag away na sila dahil sa sobrang kagwapuhan ko, wag lang mag aaway dahil sabay silang shinota ko.

"Okay babe, I love you. Just don't forget to choose me. Okay?" malungkot na sabi ni Suzy.

"Don't worry. I'll choose you." sagot naman ni Tao. Maya maya pa ay narinig na namin ang mga yabag nila palayo.

"You can now let go of me jerk!" singhal sa akin ni Sandy at marahas na inalis ang braso kong nakapulot na pala sa beywang nya.

Huh? Paano nakarating sa beywang nya ang mga braso ko? Damn these hands! Ang likot! Pero gusto kong tumawa. Haha!

Umakma na ulit syang aalis pero muli, sa ikalawang pagkakataon ay hinila ko sya pabalik.

"I'm Chanyeol, you are?" pagpapakilala ko. Tumaas ang kilay nya at kumibot kibot ang manipis at mapupulang labi na walang bahid ng lipstick.

"Sandara, call me Sandy." sa wakas, tinanggap nya din ang nakalahad kong kamay.

"Nice meeting you Dara." at ngumisi ako pero pinandilatan nya lang ako ng mga mata.

"It's Sandy." then she rolled her eyes.

"But I prefer Dara. It sounds hotter." nakangisi kong sambit.

Nagulat ako nung bigla syang ngumisi. Evil smile. Para akong nangilabot. Pinanliitan nya ako ng mga mata not in an angry way but in a sexy one. Then she bit her lower lip and pulled herself towards me. Magkalapit na sobra ang mukha namin at para akong tanga dahil nakatunganga lang ako at namemesmerized sa ganda nya. Damn girl! Inaaakit ba nya ako?

"You wanna know what really is hot?" tanong nito in a very seductive voice, her sweet breath fanning my face. Sunod sunod ang naging paglunok ko at bago pa ako makahuma ay nagsalita ulit sya.

"Well, this is hot." and with that, she kneed me where it hurts the most. Damnshit!

Napahiga ako sa semento and curled up into a ball habang sapo ang nasaktang ehem private ehem part.

"Nice family jewels! Ciao!" nakangisi nitong sambit at masayang umalis.

"Argh!" I groaned in pain. That girl! Ahh! Lagot sya sakin!

When bad meets evilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon