"1 year. Sana. Haha. Akala ko magiging masaya, magiging happy ending, pero hindi pala.
Bakit ko pa ipipilit sayong andito ako kung iba naman yung nakikita mo? Nakakainis. Kasi hindi ko magawang magalit sayo. Ni isa sa mga promises mo wala kang tinupad.
Promise mo di mo ko iiwan. Di mo ko sasaktan. Di ka titingin sa iba. Aalagaan mo ko. Iingatan. Ihaharap sa altar.
Madami pa at kahit saang angulo ko tignan, isang masakit na katotohanan pero hindi na talaga matutupad lahat ng yan.
Kasabay ng pagbasak ng luha ko ngayon yung pagbugso ng damdamin ko sayo. Halo halong sakit, pagakdismaya, pagtitiis, pagmamahal at saya.
Kung nagkaroon man ng pagkakataon para mabasa mo to, please sana isipin mo yung dating nararamdaman mo sakin. Kung gano mo ko kamahal. Please, yun muna ilagay mo sa mind set mo. Gusto ko lang malaman mo na sa tinagal tagal ng pagsasama natin, ni isang araw sa mga yun hindi kita nakuhang ipagpalit sa iba, hindi kita nakalimutang mahalin.
Walang regrets, kasi may lesson. Oo mahal kita. Pero hindi pa yun naging sapat para maging faithful ka.
Oo siguro makukuha ko ulit magmahal ng iba pero di na gaya ng pagmamahal na binigay ko sayo.
Pinilit kong kumapit, pero hindi na pupwede pa kasi may maaapektuhan na bukod sating dalawa.
Bakit pa kita ipaglalaban kung nasa iba ka na?
Mahal kita kaya ni-let go kita. Sana maging masaya ka sa desisyon mo, okay na ako. Hayaan mo balang araw, magiging masaya din ako, pero hindi na para sayo.
Mahal kita kaya naggive up ako sayo. Naniniwala kasi akong kung mahal mo ko, babalik ka, pero napaka imposible nang mangyari nun.
I miss you so bad.
Sana gaya ng pag iwan mo sakin, ganun lang din kabilis yung pagkawala ng nararamdaman ko sayo. Sana ganun nalang kadali.
Ang hirap tanggapin na sa iba ka na sumasaya. Pero wala akong magagawa, mahal kita kaya pinili kong palayain ka.
Gusto kong bumalik sa panahon na tinanong mo sakin yung mga katagang "Will you be my girlfriend?" Kasi walang katumbas na saya yung nararamdaman ko noon. Pero ngayon walang katumbas na sakit na.
Hindi ko alam kung san pa nanggagaling yung mga luhang lumalabas sa mata ko. Pero alam ko. Tanda ito ng walang hanggang pagmamahal ko sayo..."
BINABASA MO ANG
Taken For Granted
RomanceIt's painful to say goodbye to someone you don't want to let go, but it's more painful to ask someone to stay when you know they want to leave.