4am na ng madaling araw pero gising pa ko. I feel so exhausted. Grabe. Walang tulugan dahil sa school works. May thesis pa kong kaylangang tapusin, due na kasi sa friday next week.
6:00 ang pasok ko. Wala nang oras para matulog. Nagligpit na ko ng mga kalat sa kwarto ko. Makalat talaga akong gumawa, dahil gusto ko pulido at maayos ang kinalalabasan. Pinatay ko ang aircon at dumiretso sa kusina para magtimpla ng gatas. Natulala ako saglit, hindi pa ko nakakaramdam ng antok. Panigurado ay mamaya ako hihikab ng hihikab pag dating sa classroom. Pinilit kong tumayo at kumuha ng cookies sa cabinet. Pagtapos kumain ay bumalik ako sa kwarto. Hinanda ko ang uniform at gamit ko sa school. Hinablot ko ang tuwalyang maayos na nakasampay sa gilid at dumiretso sa cr para maligo.
Habang bumabyahe patungong school ay nararamdaman ko na ang antok. Pagkababa ko ng jeep ay agad akong pumasok sa school. Pagdating ko ay kinuha ko kaagad ang libro sa isang subject at nagreview dahil may quiz kami doon, ata para maiwasan na din ang antok.
"Sis, mag li-lo ka naman. Baka hindi ka na makasabay sa agos ng mundo kung puro school works aasikasuhin mo. Tara mamaya gimik?" Sabi ni Ernie, seatmate kong bakla. Ngumiti ako sa kanya.
"Sis alam mo namang di ako papayagan ni papa diba? Tsaka ang aga aga pa, gimik agad ang nasa isip mo." Sabi ko sa kanya at hindi na siya sumagot dahil busy siya sa pagkikilay sa sarili.
Hindi naman sa hindi ako nakikipag socialize. Hindi lang talaga ako pinapayagan ni papa lalo na't babae ako. Hindi ko din hilig ang rumampa sa labas.
Kinuha ko nalang ang cellphone ko at tinignan kung may nagtext doon. Nakita kong may isang text, pero hindi ako interisado kaya hindi ko na nireplyan. Pinagpatuloy ko ang parereview hanggang sa dumating ang prof.
Buong klase ay bangag ako dahil sa kawalan ng tulog. Nagtake down notes nalang ako para sa bahay ay pag aaralan ko nalang ang mga ito.
"Guys maaga tayo ididismiss, naalala niyo pa yung sinabi ni Maam Aceves last week? Yung para sa feeding program? Bukas na yun, so paghahandaan ng mga prof dahil dito sa school grounds gaganapin. You can go guys." Pag aanunsyo ng presidente ng klase. Naghiyawan ang karamihan sa mga kaklase ko.
11 am palang. At dahil masyado pang maaga sa kinagawian kong oras ng uwi ay pumunta ako sa kabilang building. Diretso ako sa 3rd floor at naabutan ang mga bestfriends kong busy sa paglalagay ng pulbo sa mukha.
Lumapit ako sa kanila. Namiss ko sila. Ako lang kasi ang nahiwalay sa grupo namin dahil bukod sa iba ang section ko ay madalas din kaming nagkakasalisi dahil sa oras ng schedule namin.
"Oyyyy! Kamusta tej!" Sabi ni Tine sabay batok sakin. I miss this. Kapag sila ang kasama ko ay lumalabas ang kahyperan ko. Komportable ako sa kanila.
Kumuha ako ng pulbo sa palad ng Roxanne at nagpahid sa mukha. I want to freshen up.
"Ayos lang. Daming school works. Sana naging magkakaklase nalang tayo para may nakokopyahan ako. Hahahaha" at hindi na magkamayaw ang asaran naming lima.
Pumunta kami sa isang kainan malapit sa school. Kumain kami ng Lomi dahil paborito namin iyon. Pagtapos ay kanya kanyang uwi na.
12:15 nang nakauwi ako sa bahay.
"Oh ang aga mo yata." Sabi ni mama na busy sa panonood.
"May feeding program kasi bukas sa school ma, sa schoolgrounds gaganapin, kaylangan magready ng mga prof kaya maaga kami dinismiss." Sabi ko habang nagtatanggal ng sapatos. Lumapit ako sa kanya at kiniss siya sa lips.
"Mabuti naman, samahan mo ko mamaya mag grocery."
"Sige ma. Akyat na muna ko." Sabi ko at agad na nagtungo sa taas at pumasok sa kwarto. Nagbihis ako at hinalungkat agad ang bag. Gusto ko nang matapos lahat ng school works para chill nalang ako bukas at sa linggo. Sinimulan ko na ang thesis. Medyo sumasakit na ang ulo ko dahil sa kawalan ng tulog. Pero natapos ko ito bandang alasingko ng hapon. Sinave ko na sa usb, para print nalang. Sakto at tinawag ako ni mama para mag grocery na. Nagpalit ako ng damit at bumaba na.
"Nak may kaylangan ka bang bilhin sa school? Sabihin mo na para habang nandito tayo ay maisabay nasa pagbili." Sabi ni mama habang tumitingin ng maaring bilhin. Wala naman na akong ibang kailangan sa school.
"Wala naman ma. Bili mo ko nitong Choc-o ma. Sabi ko sabay lagay nun sa push cart. Nagvibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon para tignan. May notif ako sa facebook na nagpop out. Mag nag-add sakin. Tingnan ko ang profile niya at nalaman kong kaklase ko pala iyon sa isang subject. Cinonfirm ko siya at binalik sa bulsa ang cellphone.
Niyaya ako ni mama kumain, habang kumakain ay nararamdaman ko na ng antok at pagod.
"Bakit ba kasi hindi ka natulog?"
"Gumawa nga ako ng project ma. Atleast ngayon tapos na lahat. Chill nalang ako this saturday and sunday." Sabi ko sabay ngiting "proud" kay mama.
Umuwi kami sa bahay at tinulungan ko muna si mama mag ayos ng pinamili. Paakyat na ako ng hagdan ng tanungin ako ni mama kung anong gusto kong kainin. Sinabi ko nalang na busog pa ako dahil iyon naman ng totoo. Umakyat na ako at agad na humiga sa kama. 6:48 na ng tumingin ako sa relo. Kinuha ko ang cellphone ko at nag open ng instagram. Wala namang bago kaya kinuha ko nalang ang earphones ko at nakinig ng music.
BINABASA MO ANG
Taken For Granted
RomanceIt's painful to say goodbye to someone you don't want to let go, but it's more painful to ask someone to stay when you know they want to leave.