Kabanata 2.

9 0 0
                                    

Nagising ako kinabukasan dahil naalimpungatan ako. Nakatulugan ko ang pakikinig ng music sa cellphone ko. 5:42 palang ng umaga. Kinuha ko ang cellphone ko at namataang 6% nalang iyon kaya chinarge ko muna. Hindi na din ako nakaligo kagabi dahil sa sobrang antok at pagod na din. Sa pag iisip ng kung ano ay nakatulog ulit ako.

Nagising ako ng nariring ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at nakitang number lang ang tumatawag. Sinagot ko iyon dahil baka importante.

"Hello, sino po sila?" Sabi ko habang bumabangon. Nakita ko sa wall clock na 9:30 na ng umaga.

"Hi."

"Uhm, ano pong pangalan niyo? Bat kayo tumawag?"

"Ne-a si Evan to."

"Oh Evan napatawag ka?" Sabi ko nang may halong pagtataka.

"Wala lang. Gusto ko lang icheck kung tama ba yung number mo na binigay ni Drey. Hiningi ko kasi para sa english project natin." Ay oo nga pala. Gagawa kami ng I.D station sa english. Magcocompose kami ng sarili naming kanta at gagawa din ng sariling music video.

"Ah. Bakit? May practice ba ngayon?"

"Oo. May kanta nang nacompose si Joy, ituturo niya satin mamaya tapos sisimulan na din natin yung pagshoshoot para sa m.v."

"Uhm, okay. Anong oras ba? Saan?" Sabi ko habang papunta sa pinto at bumaba.

"Mamaya mga 2, diretso na kila Joy. Sa may park doon din tayo magshoshoot."

"Ah osige. Salamat."

"Sige. Bye Mine-a." Pinindot ko na ang end button. Nagluluto si mama pagbaba ko.

"Ma, aalis ako mamaya. May practice kami para sa english project namin e."

"Anong oras?"

"Mga 1:30. 2 kasi yung call time, babyahe pa ako."

"Osige. Nagpadala na si papa mo ng pera para pang allowance, nasa account mo na."

"Sige ma." Sabi ko sabay kuha ng kanin at sinigang na niluto niya.

"Ano ba yan, umagahan o tanghalian? Hahaha"

"Brunch ma. Hahaha." Sabi ko. Tahimik lang kami ni mama kumain. Hinugasan ko ang pinggan na pinagkainan namin at bumalik sa kwarto ko.

Nagtwitter ako at facebook doon. Nang nag12:30 na ng tanghali ay naligo na ako. Nagpantalon lang ako na skin-tonned at polo shirt.

Bumaba na ko at nagpaalam kay mama. Kiniss ko siya sa lips atsaka umalis na. Dumaan muna ako sa malapit na bangko para magwidraw sa pang gastos ko. Dumiretso na ako kila Joy.  Doon ay nakita ko kaagad si Evan at si Drey. Hindi kami mashadong close kaya hindi ko sila pinansin. Kumpleto na nang dumating ako doon. Nag ambagan kami pambili ng pancit canton at softdrinks. Para habang inaaral namin ang kanta ay may kakainin kami. Madali namin iyong nakuha dahil madali lang masaulo ang tono at lyrics. Init na init ako dahil sa dami namin sa iisang kwarto, tumayo ako at lumapit sa salamin para tignan ang repleksyon ko. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang kamay ko. Maya maya ay aalis na kami dito para matungo sa park at gumawa ng m.v. itatali ko sana ang buhok ko nang magsalita si Evan.

"Wag kang magtali Mine-a. Mas bagay sayo nakalugay." Tinignan ko siya at agad binaling ang mata ko sa salamin. Siguro ay hindi niya lang ako madalas nakikitang nakalugay kaya mas gusto niyang makitang nakalugay ako.

"Sige." Sabi ko at umalis sa harapan ng salamin. Sabay sabay kaming nagtungo sa park. Para kaming mga batang nakawala sa hawla ng dumating kami doon. Walang tao kaya nasolo namin ang parke. May ibang part sa m.v na si Joy lang ang kukuhanan dahil siya ang unang kakanta at mag gigitara. Kaya habang kinukuhanan siya ay naglaro ang iba sa mga kaklase ko. Umupo lang ako sa isang swing doon.

Sinabi ni Joy na lahat na daw kami ay kukunan, prinactice namin sang maikling sayaw para sa chorus ng kanta. Lumipat kami ng lugar, part parin ng park. Pagdating sa malawak na space ay nagkwentuhan ang iilan. Kumuha ng pictures si Roxane dahil sabi nya ay isasama daw sa m.v. umupo ako sa dulo ng isang bench. Nagcellphone lang ako hanggang sa may umupo sa kabilang dulo ng bench. Tatlong tao ang pwedeng umupo kaya may space sa gitna namin. Nang inangat ko ang ulo ko ay nakita ko si Evan. Yumuko siya at may kinuhang maliit na bato. May sinusulat siya sa sahig at tinignan ko iyon. Walang nagsasalita saming dalawa. Hanggang sa may isang kaklase akong dumating. Napatingin kami ni Evan kay Jeff. Tinignan niya kami ni Evan. Bahagya siyang umusog paatras at ini-angulo ang kamay na kunwari ay magpipicture siya saamin ni Evan.

"Bagay kayo." Ngumiti lang ako sa sinabi ni Jeff dahil alam kong may girlfriend si Evan.
Tumayo na ako nang sinabi ni Joy na sasayaw na kami. Hindi naman nakakapagod ang ginawa pero gusto ko anng umuwi dahil gumagabi na din.

Habang nasa jeep ako kasama ang ibang kaklase ay naagvibrate ang cellphone ko. Nagtext si Raf, at ikinagulat ko ang nasa text niya.

"Mine-a alam mo bang crush kita? Shet naman. Nakakainis. Hahaha. Sa cellphone at text ko pa inamin. Basta yun, hahaha sana hindi ka umiwas."

Nagulat ako sa tinext niya dahil unang beses iyon na may umamin sa akin. Tinago ko nalang ang cellphone ko at nakipagkwentuhan sa iba kong kaklase.

Pagkauwi ay kiniss ko si mama at sumabay na sa pagkain. Naikwento ko sa kanya yung text ni Raf.

"Ay ma alam mo, nagtext sakin yung kaklase kong si Raf. Umamin siya sakin. Sabi niya crush niya daw ako." Sabi ko habang pinapakita pa yung cellphone ko at text ni Raf doon.

"May lovelife ka na? Aba, congrats nak! Hahaha." Sabi ni mama pero binalewala ko.

"Sabihin mo sakin kapag nanliligaw na ha?" Pang aasar pa ni mama.

"Ma naman. Umamin lang manliligaw agad? Napuno kami ng asaran habang kumakain. Pagtapos ko maghugas ng pinggan ay umakyat na ako at naligo. Nagfacebook nalang ako hanggang sa nakatulog ako.

Taken For GrantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon