Kabanata 3.

1 0 0
                                    

The next day ay normal na araw lang. Gumising ako ng alas-otso. Nagligpit ako sa kwarto ko bago bumaba. Today is sunday, church day at bonding namin ni mama.

Nang tinignan ko ang cellphone ko ay madaming magchat doon. Gumawa pala ng group chat yung mga kaklase kong kasali sa music video na ginagawa namin. Tinatamad akong magback read kaya niseen ko nalang.

Bumaba na ako at sabay kaming kumain ni mama. Pinaalalahanan niya akong magsisimba kami. Um-oo ako kay mama.

Naligo ako pagtapos at nagpatay ng oras. Bored na bored ako. Kaya nang nag 1 na ng hapon ay nagbihis na ako. Nagfloral dress ako at doll shoes. Formal, pangsimba.

Saktong pagbaba ko ay nakabihis na din si mama. Dumiretso na kami sa simbahan. 1 hour kami doon. Pagtapos ay dumiretso kami sa mall. Nashopping kami ni mama ng mga damit at kumain sa labas. As usual, girl thing. Nagkwentuhan kami tungkol sa mga bagay bagay, mabuti nalang at open ako kay mama.

Pagkauwi ay umakyat agad ako sa kwarto ko. Linggo ngayon. May pasok nanaman bukas. Tinignan ko kung may dapat pa ba akong gawin, hinanda ko na yun mga dadalhin ko sa school at uniform ko.

Bumaba lang ako ng hapunan na. Bored na bored ako sa bahay. Pagtapos kumain ay naghugas ako ng pinggan.

Umakyat ako at naligo ulit. Nagpajama ako at sando. Kahit anong gusto kong matulog ng maaga ay di ko magawa. Pakiramdam ko ay may mangyayaring iba bukas.

Kinabukasan ay alas-singko na ko nagising. Siguro ay ginabi na ko ng tulog, o baka inumaga na din kaya ganitong oras na ko nagising. Agad akong naligo, buti nalang at hinanda ko na yung gamit ko at uniform kagabi. 30 minutes pa ang byahe ko papasok kaya hindi na ko kumain, plano ko ay sa school nalang. Nagkiss ako kay mama pagkababa ko.

"Hindi ka na kakain?"

"Hindi na ma late na ko. 5 na ko nagising e." Sagot ko habang nagsasapatos.

Lumabas agad ako at naglakad patungo sa sakayan ng jeep. Inaantok pa ko at pakiramdam ko ay malelate talaga ako. Kada hihinto ang jeep, winiwish ko na sana byaheng langit nalang para hindi ako masaraduhan ng gate.

Pag dating ko sa school ay dumiretso agad ako ng classroom. Andun na yung iba kong kaklase, kalahati sa kanila ay mga kasali sa music video sa english. Naka upo sila sa harap, yun iba nasa teachers table pa. Tinawag ako ni Roxane. Lumapit ako at pinaupo niya ko sa upuan. Sa armchair lang ako umupo para nakaharap ako sa kanila.

"Tinext ka daw ni Raf? Umamin daw siya sayo?" Tanong ni Roxane, napalingon pa ko kay Raf dahil akala ko narinig niya, nasa likod ko lang naman siya, mukha namang hindi dahil busy siya sa cellphone.

"Pano mo nalaman?"

"Sinabi ni Raf sakin." Di na ko magtataka. Close sila ni Raf. Nahiya ako bigla, pakiramdam ko ay malalaman ng lahat dahil confident si Raf na ipaalam sa iba na umamin siya.

Ang ingay ng dumaan sa corridor kaya napatingin ako. Si Evan lang pala. Maingay talaga siya, makulit, maligalig. Pero naattract din ako sa kanya nung una kasi maputi siya, matangkad, may itsura, at joker. Hindi siya yung tipong one of a kind. Pero mapapansin mo talaga siya kasi maligalig.

Nagulat ako ng umupo siya sa tabi ko. Sa armchair din siya umupo. Naamoy ko yung pabango niya. Medyo nailang ako. Hindi ko alam kung bakit. Siguro ay dahil nasa likod ko din si Raf, at siguradong tinitignan bawat kilos ko. Pero hindi ko naman kaylangan magpaimpress sa kanya, dahil wala akong balak magboyfriend pa.

"Pagselosin natin si Raf. HAHAHAHAHA." Sabi ni Roxane kaya napalingon ako sakanya.

"Huh?" Yun lang yung nasabi ko.

"Bakit?" Tanong ni Evan. Inexplain ni Roxane kay Evan yung pag amin sakin ni Raf. Nagulat ako dahil detalyado.

"Osige. Hahahaha. Masaya yan." Hindi pa ko um-oo ay sinimulan na nila.

Nilagay ni Evan yung kamay niya sa likod ng upuan, dahilan para mag mukhang nakalagay sa bewang ko ito.

"Ayan na tumingin na si Raf." Sabi ni Roxane ng pabulong. Napasabak ako, hindi ko naman ginusto. Naiinis ako kay Evan dahil feel na feel.

Tinuruan pa kami ni Roxane ng iba pa naming gagawin, talagang scripted ang nangyayari. Kunwari ay kami na daw ni Evan at tinutukso kami nila Roxane, nakisali pa si Joy, Drey at iba pang kasama namin sa paggawa ng music video.

Kinakabahan ako, pero sinakyan ko nalang.
"Kiss naman sa cheeks, congrats kayo na pala!" Sabi ni Roxane sa malakas na tono, sinisiguradong narinig ni Raf. Marami din sa mga kaklase namin ang paniguradong nakarinig. Pero hindi nila alam na kunwari lang yon. Nagulat ako nang kiniss ako ni Evan sa pisngi. Lumakas yung kaba sa dibdib ko. Gusto ko siyang sipain. Gustong gusto niya talaga yung nangyayari.

"Nagmura si Raf. Hahahaha." Pabulong na sabi ni Roxane. Hindi kami pwedeng lumingon ni Evan dahil sinabi ni Roxane.

"Ikaw naman Ne-a. Ikiss mo si Evan. Ayieee." Asar nila. Ayokong gawin dahil una, ayoko talaga. Pangalawa, alam kong haharap siya paghahalik na ko para sa lips ko siya mahalikan. Laos na yang style mo. Hahaha.

Tinukso tukso pa kami nila Roxane. Kinakabahan ako. Dahil pakiramdam ko ay bumabalik yung paghanga ko kay Evan, nagiging crush ko ulit siya.

Hindi tumigil sila Roxane sa pang aasar sa amin ni Evan hanggat hindi ko siya hinahalikan sa pisngi, talagang pursigido silang pagselosin si Raf.

"Dali na kiss mo na ko." See? Gustong gusto talaga ng gunggong.

"Ayoko, haharap ka e." Sabi ko na medyo nahihiya.

"Huh? Hindi ah. Osige hawakan mo yung ulo ko, make sure di talaga ako haharap sayo." Nachallenge ako sa sinabi niya kaya ginawa ko.

Hinawakan ko ang ulo niya at bigla siyang hinalikan sa pisngi. Maging ako ay nagulat sa sarili kong ginawa. Naghiyawan ang ibang nakakita. Narinig ko namang nagmura si Raf.

Nagvibrate ang cellphone ni Evan. Naramdaman ko iyon dahil magkatabi lang kami. Kinuha niya ay may binasang text.

"Ay pinauuwi ako ni mama. Uuwi daw kaming Pampanga." Sabi niya.

"Palalabasin ka ba?" Tanong ko dahil mahigpit ang guard ng school.

"Oo, magpapaalam ako sa prof at ipapakita ko itong text ni mama para maniwala."

"Okay." Yun nalang ang nasabi ko dahil nakita ko na nag prof na paparating. Biglang umayos sa pagkakaupo ang mga kaklase ko.

Lumapit agad si Evan sa prof at kinausap ito. Nakita ko sa pagtango ng prof ang pagsang ayon sa pagpapaalam ni Evan. Nalungkot ako dahil absent siya ngayon. Para akong timang dahil luksang luksa ako dahil hindi ko makikita ang crush ko sa araw na iyon.

Nakita kong papalapit si Evan, akala ko ay kay Drey siya lalapit dahil katabi ko lang iyon.

"Text tayo ah." Sabi niya, nilingon ko pa si Drey pero nalaman kong ako ang kausap niya dahil nagsusulat si Drey.

"Sige." Sabi ko nalang at pinanood siya sa paglabas. Nakaramdam ako bigla ng takot. Dahil alam ko na ang kahihinatnan. Maaaring mahulog ako kay Evan. Hindi imposible lalo na ngayong bumalik ang paghanga ko sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Taken For GrantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon