“Gahhhh! Pasukan nanaman! Jusko! AYOKO PA! AYOKO PA! Hindi pa nga ako nakaka-move on sa High School Life ko eh!” Sabi ko sa sarili pagkagising na pagkagising ko palang. Huhu. Ayaw ko pa talaga mag-college kasi una, natatakot ako e. Gah. Pangalawa, hindi ako sanay mag-commute. Uwaaa.
Dali-dali naman akong kumilos para mag-prepare na. Hahatid pa nga ako ni Mama e, hindi ako marunong mag-commute mag-isa e. Kaiyak. Layo pa naman ng school na papasukan ko, kamusta naman yun? Haha! BAHALA NA.
Maya-maya, umalis na rin kami ni Mama. Grabe siksikan sa LRT. Jusko, ayoko na talaga tapos pagbayad palang sa jeep, natatakot na ako e. Hahaha! Nasanay kasi ako na may kasama, yeah, best friends ko kasi nung high school e. Nakakamiss sila, mga kaklase ko, yung school na apat na taon ko ring pinagtiisan este pinasukan. HAHAHA! Hayy. Pero lahat ng bagay may katapusan. Lahat ng bagay nagbabago at yung mga bagay na ‘yon, kahit masakit dahil kailangan ng mtapos, kailangan pa rin tanggapin dahil hindi ka makakausad kapag nanatili ka lng sa lugar na iyon. (ANSAVEH?!?!?!)
Daming pumapasok sa isip ko habang nasa biyahe kami ni Mama. Terror profs, bagong campus at syempre, bagong mga taong makakasama ko sa loob ng panibagong apat na taon. GOOD LUCK!
So yun, nakarating na pala kami ni Mama sa sakayan ng jeep papuntang school.
“Ma, kinakabahan talaga ako e.” Sabi ko kay Mama.
“Ayos lang yan, kaya mo yan. Basta maging alerto ka sa paligid mo.” –Mama
“Opo.” Sabi ko na lang.
Mej matagal rin kaming naghintay ng jeep tapos may nakausap pa kaming isang freshman rin sa XXXXX University at isang Ate na dun rin nag-aaral. So yun, kwentuhan muna kaming habang naghihintay. Hindi na rin ako hinatid ni Mama hanggang school kasi sila na yung kasabay ko.
“Hala Ate, yung sandals ko nasira.” Huhu letse first day na first pa talaga ako nasiraan. My gahd.
“May baon ka bang pamalit? Palit ka na lang.” sabi nung Ate na kasabay namin.
“Eh? Okay lang po ba? Baka pagalitan ako mamaya.” Sabi ko naman.
“Ayos lang yan. Hehe. Sabihin mo na lang nasiraan ka (ng bait HAHAHA joke syempre hindi niya sinabi yan ‘no, epal lang yung writer netong story e) kesa naman magyapak ka, diba?”
“Ah sige po. Hehe, thank you po.”
So yun nga maya-maya naghiwa-hiwalay na rin kami, ay ako lang pala nahiwalay kasi magkasama sila nung freshman e since parehas lang pala sila ng course. Pumunta pa ‘ko dun sa may Flag pole kasi dun kami maghihintayan nung blockmate ko na nakilala ko sa FB. Good thing may gumawa ng group namin sa FB! HAHAHAHA! Yeah. Text dito, text dun. Nagkita na rin kami. Hindi na ako matatakot na pumasok ng room kasi hindi ako nag-iisa pero kinakabahan pa rin ako!!!!!! KINAKABAHAN! WHOOO
So yun nga, hindi na rin kami nahirapan maghanap kung saan at anong floor ba yung room namin kasi nakita ko na yun nung enrollment e. Pagkapasok namin sa room, ilan palang kami tapos “Hi” ‘Hello” lang kami. Yung iba rin na nandon na sa room e kilala ko na, dahil sa FB.
Kwento dito, kwento doon. Hindi ko nga halos namalayan na first day pala namin ‘to e. Ang ingay naman kasi namin, tawanan ng tawanan. Hahaha! Parang hindi naman first time na magkita-kita e. Walang dumating na Prof. KAMUSTA NAMAN YUN! TSS. HAHAHA!
“Ang saya namin, pero nakakamiss pa rin talaga mga high school classmates ko. Best friends ko, miss ko na sila.” Sabi ko sa sarili ko. Hay.
Kanina pa ako kwento ng kwento dito, hindi niyo pa nga pala ako kilala. HAHAHA! Ang baliw kasi ng writer eh! Tsss ‘di man lang ako pinakilala muna (OH ETO NA NGA EH! EXCITED?!!!!!!!!) oo sige na, ayusin mo ah!
Ako nga pala si Angel Santiago. Pwede niyo ‘kong tawaging Gel, yep mas gusto ko na tinatawag ako sa ganun. Wala lang. Uhm, tama lang height ko, mej chubby, may dalawang dimple…kaso hindi sa mukha e. Sa balikat. HAY SAD LIFE!!! HUHUHU. Madaldal at makulit. TAMAD. Yeah hehehe. Mahilig ako sa jokes. Mahilig sa matatamis. HEHEHE. Estudyante ng XXXXX University. Course ko? Secret. HAHAHAHA. Ayun lang! J
“Wew, pinakilala rin ako ng writer na ‘to (OH! DAMI PANG SASABIHIN EH. BAKA GUSTO MONG ‘DI KO ITULOY ‘TONG STORY NA ‘TO, J?” hehehe sabi ko nga e. Sorry na! J
Wala naman masyado nangyari sa first day e. Get to know each other lang kaming magkakaklase tapos yun nga nag-elect kami ng Officers. Tinulungan kami nung mga Ate at Kuya from higher years. Wala naman kasing Prof e. Mehehehe. May mga nagpunta rin sa room namin, nag-introduce ng mga Orgs tapos meron dun, sinabi kung ano yung magiging uniform namin. Teehee. Cute nun e. Enebe. Pee bee bee teens agad-agad? Eh bakit crush lang naman uhhh. HAHAHAHA! Oo, first day palang may crush na ako. Hahaha! Ka-same course lang din ata namin yun kaso hindi ko alam kung anong year e.
Uwian na, nakakapagod please. Huhu. Kasabay ko yung isa naming kaklase. Kinapalan ko mukha kong sabihin sa kanya na sabay kami umuwi kasi natatakot ako e. Yung isa kong blockmate na dapat kasabay ko talaga (hanggang sa may LRT lang naman) ‘di kami nagkasabay kasi naman ang tahimik niya e. Huhu. Pero nakaka-chat ko naman yun sa FB nung wala pang pasok. LABO! =___= So yun nga, sabay kami nung isang blockmate ko.
“Nakakainis naman ‘tong traffic. Gah. Gusto ko na umuwi at matulog.” Sabi ko sa isip ko. Ang tahimik pa nung kasama ko hindi ako sanay at mas lalong hindi ako sanay kasi lalaki e. HAHA! Puro kasabay ko dati babae e tsaka madadaldal.
“Iba talaga HS sa College, Gel. Tanggapin mo na.” Ge, kausap ko nanaman sarili ko, ako yan, sabi ko sa sarili ko. Hehehe.
Nakarating naman ako ng matiwasay yun nga lang ngarag na ngarag. Hays.
“Musta first day, ‘nak?” Sabi sa akin ni Mama pagkadating ko sa bahay.
“Okay lang po. Ingay namin e, kwentuhan ng kwentuhan para ngang hindi first day e tapos treasurer ako hihihi.” sagot ko naman.
“Oh? Ayos ah. Sino kasabay mo umuwi?” –Mama
“Yung isa kong kaklase na taga-Valenzuela rin po.” –Ako
“Ah buti naman may kasabay ka.” –Mama
“Oo nga po e. Nakakapagod biyahe.” –Ako
“Ganun talaga, tiis-tiis lang.” –Mama
*maya-maya*
“WHOOOO HINDI KA NA HS! WATERPROOF KA NA RIN! HAHAHAHA” Pang-aasar ng kapatid ko.
“Oo na! Oo na! Huhuhu saklap nga e. Kaya ikaw enjoyin mo yang HS life mo kasi ibang-iba talaga HS sa college. Ibang-iba.” Sagot ko naman.
Ibang-iba naman talaga e. Sa College kasi, hindi na i-i-spoon feed sa inyo ng mga Profs niyo yung mga dapat pag-aralan. Kapag hindi pumasok yung Prof niyo, free cut nga (yun ang masaya) pero kayo rin ang mag-su-suffer kasi paano na lang yung lessons na dapat i-ta-tackle niyo para sa araw na yun, diba? Nganga. Tsaka hindi rin madaling makahanap ng mga kaibigan na masasabi mong mapagkakatiwalaan mo talaga. Hindi katulad sa High School. Kahit na matagal na kayong magkakasama ng blockmates mo, may mga times pa rin na hindi mababasa ugali nila. Marami pang ibang kaibahan ang High School at College. Pero yun nga, kung sa High School masaya at dependent pa tayo sa mga taong nakapaligid natin, sa College hindi na at yun ang maganda kasi matututo tayo na tumayo sa sarili nating mga paa at mag-isa. Ito yung paghahanda natin para sa realidad ng buhay.
(May pinaghuhugutan ka, Jai? –Author) WALA PO! Teehehehe.
Nag-half bath muna ako tapos nagbasa ng kaunti. Buti wala kaming pasok bukas. Ahhhh, REST DAY!!!!!!!!!!!!! HAHAHAHAHA. Hindi ko kailangan bumiyahe teehee. Oo, mas pagod pa kasi talaga ako sa biyahe e. Mas napapagod ako lalo dahil dun. Hays. Ayoko naman kasi mag-dorm e, keri naman sa sched tsaka baka ma-miss ako ng mga tao dito sa bahay. Hahaha!
Wala naman nangyari kinabukasan. Uhhh. Nagpahinga lang ako syempre. Pagod pa rin kaya ako! Hahaha! May pasok nanaman bukas. Hay, laslas. Hunger games nanaman neto sa LRT! Wednesday pa naman josko. HAHAHAHA!
PARA SA PANGARAP! PAYTING! :D
Sabi nga nila devaahhh “kapag may tiyaga, may nilaga!!!” hahahaha
Sabaw ba? Sorry na! HAHAHA.
COMMENT. VOTE. BE A FAN! Thanks. Hihi.