CHAPTER 3

12.3K 206 1
                                    

JOSHEA JAYNE'S POV

I'm Jayne Josha Beltran. Isang Model sa America. Umuwi ako dito sa Pilipinas 6 months ago nung namatay ang kapatid ko. I did swear on my brother's grave na pagbabayarin ko ang may kasalanan ng pagkamatay niya.

5 Mos. Ago

"Ma'am nahanap na namin ang kasama ni Sir nung araw na namatay siya." Sabi ng isang private detective kay Jayne.

"Give me every single detail about that person. At ang eksaktong nangyari." Utos ni Jayne sa detective.

"Okay ma'am i-padala ko na lang mamaya ma'am."

"Okay. I'll give you the rest of the payment after mo ko mabigyan ng mga information."


PRESENT TIME...

'Nag enrol ako ngayon dito sa JOSHUA'S COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES. Dahil napag alaman kong dito nag enrol ang taong hinahanap ko. kinuha ko ang BS in Nursing dahil yun din ang kurso niya. Inalam ko pati section niya dahil gagawin ko lahat mapagbayad lang ang taong naging dahilan ng pagkawala ng kuya ko.'


Naglalakad ako sa hallway papasok ng school para ibigay mga kulang ko na documents. Sa sobrang pagmamadali ko hindi ko na ininda ang mga makkasalubong ko sa daan. Bigla akong nabangga sa isang babae. Sa lakas ng pagkkabangga ko sa kanya natumba eto at tumama ang likod sa sementadong upuan.

'Shit! how clumsy of me!'
Nilingon ko ang babae. She's in pain.

"Arouch!! Shit!" narinig kong sabi nung magandang babae.

'Antanga mo kasi Jayne.' Biglang sabi ng utak ko.

'Hoy utak tumigil ka ikaw ang tanga.' Sagot ko sa sarili ko.

'Oh kung ako ang tanga bakit di mo pa tulungan yang nabangga mo? Gago lang?'

'Letche kang utak ka. Gusto mo ipakain kita sa aso?'

bago pa man sumagot ulit ang utak ko ay iniabot ko na kamay ko sa magandang babae.

"Miss, here take my hand."


"No thanks kaya kong tumayo mag-isa."

'Hay naku siya na nga tinutulungan siya pa ang mataray. eh di wag. tignan natin kung makakatayo ka pa dyan.' Bulong ko sa sarili ko. Napansin kong hirap siyang tumayo.

'Ang arte kasi. Tinatanggihan pa ang mala dyosa kong ganda.'

'Ows talaga Jayne? Saang banda?'

'Hoy tumigil ka kakakontra kong ayaw mong magpa brain transplant ako bukas na bukas din.'

'Pwede ba Jayne tulungan mo na lang si Miss beautiful.'

wala na akong nagawa kundi tulungan siya.

"C'mon Miss take my hand. Beside it was my fault bat ka nagkaganyan. And to make sure na okay lahat dadalhin na rin kita sa hospital." Sabay abot sa braso ng babae para maalalayan ko siyang tumayo at maglakad patungo sa sasakyan ko.

"Wait miss saan mo ako dadalhin?"

Ramdam ko ang kaba at takot sa boses niya..

"Relax miss dadalhin kita sa hospital ng Ninong ko."

di na ulit umimik yung babae pati ako di na rin nagtanong pa at mukhang masungit tong babaeng toh.

"Salamat naman at wala kang major injuries. I'm so sorry talaga about what happen kanina miss." Paumanhin ko sa kanya. Tumango lang siya sa kin ni hindi ako tinignan.


"By the way miss I'm Joshea Jayne Beltran." Sabay lahad ng kamay ko. Nagbabakasakali akong maging friend ko eto.

"Oh right. Im Helen Cassandra Abad."

biglang tumigil ang pag ikot ng mundo ko ng marinig ko ang pangalan niya.

'Uh-oh Jayne is in trouble.' Sabi ng utak ko. 'Shit hindi to pwede hindi pa ako ready na harapin ang babaeng toh.'

"Miss? okay ka lang ba?"

natauhan ako sa mga naglalaro sa isip ko ng bigla niya akong tapikin sa balikat.

"I'm okay. I'm sorry about that. by the way Miss Abad hatid na lang kita sa inyo."

Inihatid ko siya sa kanila dahil hindi ko napaghandaan ang araw na toh.

(girlxgirl) It has to be youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon