✅2

19 2 0
                                    

Arki's Point Of View

"Grabe,  Arki ikaw ba yan?"  Gulat na tanong saakin ni Ate Den.

"Oo nga ?! Ang prinsesa mong tingnan ngayon !bumagay talaga sayo yung gown ko dati.   "Nakangiting Sabi naman ni Ate Fe.

Sila ang mga kasama kong kasambahay dito sa mansion ni Madam Sungit slash pala utos slash maarte.

"Syempre naman ako ang nagayos sakanya .  bongga diba ! " Sabi naman ni Ate Joms actually gay siya. 

"Ikaw na bakla,  make up artist !  " Ate Den.

"Oh?! Kumusta na si Arki? " Biglang pumasok si manang Celia. 

"Ayan na mother , Look at her new fezz, so pretty na! " Ate Joms. 

"Oo nga ,  Arki bagay na bagay sayo ang make up mo at ang gown. Hindi na ikaw yung kilala kong nerdy na may salamin at manang na buhok. " Sabi saakin ni Manang Celia. 

Grabe , Gaano ba ako kaganda ngayong gabi?!  At kung maka react sila ay wagas.

Nginitian ko lang sila.  Andito kami ngayon sa maids room ni ate Den, Fe at manang Celia. 

" CELIAAAAAAAA!!!!! " Nagulat naman kaming lahat sa lakas ng sigaw ni Madam Sungit , ang amo namin.

"Ayy maam.  Wait lang 'ho." Manang Celia. 

Kinakabahan na ako,  Alam kong hindi kasi ako papayagan ng amo namin na pumunta sa Maskquarade dahil paglilinis nanman ako nun.

Tumingin saakin si Manang Celia. 
"Dito ka lang. " Bulong niya bago lumabas.

Tahimik lang kami dito sa kwarto habang binubungangaan ni madam si Manang  Celia. 

"Celia ano ba yung mga hugasin sa baba !  Ano na nangyari ?!  At nasaan naba si Arki ?! " Kahit andito kami sa loob rinig na rinig ko yung sigaw ni Madam.

"Ah .. Eh... Nagdidilig papo yun sa garden . pinaglinis ko kasi dahil andaming pong tuyot na dahon. " Manang Celia.

"Hays.  Naiistress na ako.  Siguraduhin niya lang dahil malilintikan ang batang yan pag nalaman kong patamad tamad yan ! " Madam. 

"Opo madam.  Ako napo ang bahala sakanya . " Manang Celia. 

Narinig din namin ang yabag ng pagalis ni Madam, at Manang Celia.

"Parang ayoko na ituloy . " Pabulongna sabi ko.

Alam ko kasing bawal akong umalis.  Isa akong maid dito kaya obligasyon kong sumunod pero.....

"Hay napaka sungit talaga niyan ni Madam.  Dibale girl ,  escape ka nalang ! "Suggest ni Ate Joms.

" Oo nga Arki,  Sayang naman nakadamit at nakamake up kana ngayon kapa aatras . " Ate Fe. 

"Pero kasi maid lang din ako katulad niyo.... Kaylangan kopa din sundin si Madam." Sabi ko.

"Hay nako Arki.  Walang masama kung minsan ay di mo sundin.  Kaylangan mo din maexperience at maenjoy ang pagdadalaga mo, Kaya Go na Arki! " Ate Den. 

"Eh paano yung mga gawain - - -" Hindi na nila ako pinatapos magsalita.

"Kami na ang bahala don. " Ate Den. 

"Oo nga ,  Arki.  Kami na ang bahala kay Madam Sungit ! " Ate Fe. 

"Kaya Go , Go , Go Arki!  Umalis kana malelate kana oh. " ate joms.

Nginitian ko silang lahat. 
Hays , wala naman sigurong masama kung lumabag ako kahit isang beses lang.

"Hinihintay kana ng prince charming mo kaya gora na ! "Ate Joms.

* * *

Eto ako ngayon na parang spy , Pagkalabas ko ng maids room, dumiretso ako sa kwarto ko para kunin yung cellphone ko at wallet ko.

Binuksan ko yung cellphone ko. 
Tsk.  Hanggang ngayon....  Hanggang ngayon umaasa parin ako sa text niya.

Tinanggal ko muna ang napakataas na takong ng sapatos ko ,  binitbit ko ito pati cellphone ko pababa ng hagdan. 

Para akong secret spy dito ,  kaylangan hindi ako mahuli ni madam.

Succesful naman ang pagbaba ko sa hagdan , andito na ako sa living room. Nagulat ako ng makita ko si Madam na nasa sofa . 

Nakanga nga siya , Humihilik at tulog na tulog. Dahan dahan ko siyang nilalakpasan.

Pero nagulat ako ng gumalaw ito.
Napabuntong hininga ako.
Akala ko magigising na...

Naging matagumpay ako sa paglabas ng bahay .
Malawak ang bakuran dito dahil isa itong mansion at kaylangan kopa umakyat sa mataas ng gate. 

Naglakad nalang ako pero nagulat ako ng may humawak sa braso ko.




















"Manang Celia , naman kinabahan po ako sainyo.. " Sabi ko.

"Hehe.  Mabuti naman at nakalabas ka. Eto oh, muntikan mo pa makalimutan yung mask mo at syempre yung invitation. " Manang Celia.

"Salamat po. Pero paano po kayo nakakuha ng invitation?  " Takang tanong ko.

"Napulot ko lang yan sa kwarto ng kambal , o sha , bilisan mo na at baka mahuli kapa. " Manang Celia. 

Nginitian ko lang siya. 

"Magiingat ka . " Manang Celia , bago ako tuluyang iwan. 

Tumingin din ako sa binta ng mansion.  Sa binta ng maids room nila ate Den. 
Nakita ko silang nakangiti saakin at nag thumbs up.

Nginitian ko lang sila bilang papasasalamat ko.
Nagtungo na ako sa malaking gate ng mansion.

Napaka swerte ko at hindi ito nakalock kaya nakaalis agad ako.

Eto ang pangalawang beses na tumakas ako ...  Pero hindi na katulad dati na dahil sakanya .... Tumakas ako para magsaya at makalimot sa sakit na nararamdaman ko

                                                                 

Lem'me know your reaction guys :)
Comment it :)
- God bless -



SEENderella ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon