6 years ago"PANGIT!" Tawag ng kaklase ni Jor-el sakanya. Pero imbes nalingunin ito, nagbingi-bingihan lang siya.
Ito ang palaging itinatawag ng mga kaklase niya sakanya.
Kulot na kulot ang sobrang iksi niyang buhok, makakapal ang kanyang kilay at may suot siyang malaking eye-glasses. Palagi siyang ikinukumpara kay 'Betty LaFia' ng mga kaklasi.
Hindi man niya ipinapakita sa mga ito pero nasasaktan talaga siya sa'tuwinay inaasar siya ng mga ito. Palihim siyang umiiyak sa likod ng kanilang classroom, at doon niya ibinubuhos lahat ng sama ng loob na kanyang nadarama.
Napatayo si Jor-el mula sa pagkakaupo ng maramdaman niya na parang binubuhusan ng malamig na tubig ang kanyang likod.
Agad siyang napalingon sakanyang likuran, nakita niyang nakatayo doon ang isa niyang kaklase.
May hawak itong isang bottled water, nakangisi ito habang nakatingin sakanya.
'Pangit.. pangit!' humakbang ito papalapit sakanya habang sina-chant nito ang salitang pangit.
His name is Acezir Samaniego! Ito ang pinakamasama sa lahat ng kaklase niya.
Wala na itong ibang ginawa kundi ang paiyakan siya at pagtawanan ang kanyang buhok.
Nagulat nalang si Jor-el ng ibinuhos nito sakanyang mukha ang natitirang tubig sa bottled water na hawak nito.
"Ayan, bagay yan sayo!" Tumatawang turan nito sakanya.
Napapikit siya ng maramdaman ang paghapdi ng kanyang mga mata, dahil sa tubig na nakapasok doon.
Itinulak pa siya ni Acezir kaya napaupo siya. Medyo malakas ang pagkakatulak nito dahil nakaramdaman siya ng pagkirot sakanyang puwetan.
Humikbi siya na naging sigaw, mukhang naalarma ito dahil naghahakbang ito palayo sakanya.
Umiyak siya ng umiyak.
Agad naman siyang dinaluhan ng kanilang adviser na si Mrs. Santos.
"Acezir!" Pagalit nitong tawag kay Samaniego. "Ano na naman itong kalukuhang ginawa mo!"
May kinuha itong panyo sa bulsa nito at pinunasan ang nabasa niyang mukha.
"Are you okay Jor-el?" Nag-aalalang tanong nito. Pero imbes na sumagot, nagpatuloy lang siya sa pag-iyak.
Pinatayo siya ng kanilang guro at hinawakan nito ang kamay niya.
Iginiya siya nito sakanilang classroom.
"Come here Acezir!" Anito kay Samaniego na parang pusang takot na takot sa aso.
Tamihik lang itong sumusunod sakanila, samantalang umiiyak parin siya.
"I am so very disappointed on you Ace!" wika ng guro nila sa nakayukong si Acezir.
Nakaupo na si Jor-el sakanyang upoan, samantalang ang lalaki ay nakatayo sa table kaharap ng kanilang guro.
Hindi na siya gaanong umiiyak ngayon.
Lahat ng kaklase nila ay nakatutok ang mata sa pinakahari sa pambubully.
"Hindi ko kaylanman itinuro sainyu ang maging palaaway sa kapwa ninyo lalo pa at sa kaklase mo," pagpapatuloy ng kanilang guro.
"And for your punishment, you need to go outside at mag sit on the air ka. At hindi katatayo hangga't hindi ko sinasabi!" Narinig niyang napa'oh' ang lahat ng kaklase nila.
BINABASA MO ANG
Ang Kaklase Kong Bully
RomanceJor-el Espeñosa is known in Stanfold University as the four-eye nerd. Her classmates including Acezir Samaniego are all popular. Acezir is known as the hottest and the notorious bully in the campus. She remembered that he tried to bully her way back...