Ilang hakbang palang ang aking nagawa mula sa pagkakababa saaming sasakyan nang bigla akong harangin ng tatlong babae. Maaga pa kaya wala pang ibang tao maliban saakin at sa mga ito, kakaalis lang ni Mang Jonathan ang aming family driver.
Agad na lumipad ang aking tingin sa babae na napapagitnaan ng dalawa, may hawak itong isang paper plate na may laman na kulay puti. Hindi ko mawari kung ano iyon.
Bumangon ang kaba saaking dibdib dahil sa paraan ng pagkakatingin ng tatlo saakin. Hahakbang na sana ako palayo ng bigla akong hawakan ng dalawa saaking mga balikat. Pumiksi ako at sumigaw, pero bago pa lumabas ang aking tinig ay naramdaman ko na ang paglapat ng isang malagkit na bagay saaking mukha.
"Yan ang bagay sayo!" wika ng isa sa mga ito at sabay pa silang nagtawanan.
Parang namanhid ang buo kong katawan dahil sa ginawa ng mga ito. Maraming taon na ang nakakalipas mula nang makaranas ako ng ganito at ngayon lang ulit ito nangyari.
"Let's go girls," binitiwan ako ng dalawa babae na syang humawak saaking mga balikat at nagtatawanan na umalis ang mga ito.
Nahulog ang paper plate mula saaking mukha pero hindi ko na iyon ininda pa. Nagtatakbo na ako papuntang cr.
Paulit-ulit pa akong nadapa dahil halos hindi ko na makita ang aking dinadaraan dahil sa puting bagay na iyon na nakadikit saaking salamin at sa ibang parte ng aking mukha.
Kahit hindi nakikita pero ramdam ko ang pag-agos ng aking mga luha. Bumabalik saakin ang pakiramdam noong bata ako sa'tuwing nakakaranas ako ng pambubully. Mahirap at masakit.
Pagkarating ko sa Restroom ay agad akong pumasok sa isa sa mga cubicle doon. At doon ko ipinagpatuloy ang tahimik na pag-iyak.
Naalala ko bigla ang sinabi saakin ni Acezir kahapon. Agad na bumangon ang galit saaking puso para sa binata. Kumpirmado, siya ang may pakana at utak sa nangyaring ito.
Ang walanghiya! Nag-utos pa ng iba para lang gawin ito saakin. Ito na ba ang kabayaran sa nangyari noon o ito palang ang simula ng pambubwesit niya saakin.
Ilang ulit ko munang pinatay si Samaniego saaking isipan bago ko nagpagpasyahan na punasan ang aking mukha. Kinuha ko ang wet wipes loob ng bag at inuna kong nilinis ang aking salamin sa mata.
"Have you heard the news? May nagkalakas loob daw na sumagot kay Acezir" Ang boses na iyon ang syang napatigil saakin mula sa akmang paglabas.
"Yes. I've heard about it. Yung pangit daw na kaklase nya, remember her? We used to bullied her way back grade school." Hindi ko maiwasang makinig sa dalawa lalo pa't ako ang topic nila. Mukhang kakapasok lang ng mga ito sa restroom.
"I can't wait to bully her again. She needs to pay for what she did!" bumangon ulit ang kaba saaking dibdib dahil sa narinig.
Pagkalabas ng dalawa ay nahahapong napasandig ako sa gilid. Mukhang dumating na ang kinakatakutan ko. Mukhang mauulit na naman ang nakaraan. Hindi ko maiwasang mapahawak saaking noo dahil sa panibagong problema na kakaharapan ko.
Pumasok saaking isipan ang nakangising mukha ni Acezir. Parang may namuo na tapang saaking puso dahil doon. Hindi ako papayag, hindi ko siya hahayaan na magwagi sa laban naming ito.
Ipinapangako ko, sa pagkakataong ito I will face the devil. I will face Acezir Samaniego!
Pagkapasok ko sa room ay agad na sumalubong saaking ang nang-uuyam na tingin ng aking mga kaklase. Mukhang inaasahan na nila na mangyayari ito saakin ngayon.
Dahil ilang beses akong nadapa kanina kaya iyon ang naging dahilan kung bakit nagusot ng sobra ang aking uniform. May nakuha rin ako na iilang galos saaking dalawang binti na kumikirot sa'tuwing nahahanginan.
Dahan-dahan akong naglakad papunta saaking upoan. Pagkaupo ko ay agad kung hinanap si Samaniego, katulad ng iba ay nakatingin rin ang binata saakin.
Nakakuno't ang noo at magkadikit ang dalawang makakapal na kilay ng binata na syang ipinagtataka ko. He looked confused. Inaasahan ko na pagtatawanan niya ang magiging itsura ko ngayon.
Sinamaan ko siya ng tingin. Kung nakakamatay lang ang titig baka kanina pa siya pinaglalamayan ngayon.
Wala akong pakealam kung nakatingin saamin ngayon ang mga kaklase namin. Pero isa lang ang maipapangako ko ngayon, hindi ako titingin sa iba kahit na lumuha pa ng dugo ang aking mga mata basta maiparating ko lang sa walanghiyang ito kung gaano ako kagalit sakanya.
Tanging sa mga titig ko lamang maipaparating sakanya ang galit ko kaya buong tapang kong sinalubong ang nagtatanong nyang mga mata.
Pero parang bula na nalusaw nalang bigla ang galit at takot saaking puso nang maaninag ko sa gilid ng aking mata si Ryoma.
Kusang lumipat ang paningin ko mula kay Acezir papunta sa binata. Mukhang kadarating lang nito. Nakasabit sa kaliwang balikat nito ang bag habang dahan-dahan na lumalakad.
Agad kong nalanghap ang swabe nitong amoy pagkaupo ni Ryoma sa upoan na katabi ng saakin.
Ilang minuto muna akong natulala sa nilalang na noon ko pa hinahangaan ng palihim. Hindi ko mapigilang mapalunok dahil sa kaba ng bahagyang gumalaw ang ulo ni Ryoma papunta sa gawi ko.
Ito yata ang kauna-unahang pagkakataon na pag-aalayan ako nito ng tingin kaya ang pagkaasam saaking puso ay nag-uumapaw.
"Don't you dare look at her" kahit nasa kay Ryoma ang aking tingin pero alam kung si Acezir ang nagsalita. Seryoso at parang may pagbabanta sa tinig nito.
Natigilan at napalingon si Ryoma kay Acezir kaya maging ako ay napatingin ulit sakanya.
Kunting-konti nalang tagala at mararanasan ko na sana kung paano matignan ng isang Ryoma Spencer Montefalco.
Bumangon ulit ang galit ko para kay Samaniego. Mukhang hindi pa pala siya tapos sa pambubwesit saakin. Pero itong ginawa niya ngayon, mas sobra pa ito kaysa sa ginawa ng kanyang mga kampon kanina!
---------------------------------------------------------------------------------------------
A/N
Sorry kung natagalan ang update, supeer na busy lang talaga :( Pls read my other stories WAMEC and SIMB <3. Thank you in advance :)
BINABASA MO ANG
Ang Kaklase Kong Bully
RomanceJor-el Espeñosa is known in Stanfold University as the four-eye nerd. Her classmates including Acezir Samaniego are all popular. Acezir is known as the hottest and the notorious bully in the campus. She remembered that he tried to bully her way back...