Sorry10 minutes before break time ay napagdesisyunan kong pumuslit palabas. Mabuti nalang at nakatalikod ang prof namin kaya hindi ako nito nakita. My classmates are all busy with whatever they are doing kaya naging madali lang saakin ang makalabas ng classroom.
Masakit ang buo kong katawan dahil sa ilang beses na pagkakadapa. At ang hapdi sa aking mga galos ay tila mas lalong lumala. I need to visit the school clinic now para magamot narin itong mga sugat ko.
Sinadya kong lumabas ng mas maaga dahil ayaw ko na may makakakita saakin at baka pagtrippingan ulit ako ng mga kampon ni Samaniego. Earlier, he doesn't looked happy seeing me in misery. He is such a good actor. Which infact, siya naman talaga ang utak sa likod ng gumawa nito saakin.
Ang walanghiya, hindi na nagbago. Hanggang ngayon ay gago parin. Naiinis talaga ako satuwing na iisip ko ang demonyo niyang mukha! Hindi ko maiwasan tumadyak-tadyak sa kawalan dahil sa sobrang inis ko sakanya na tila ba nasa harapan ko lang siya at nakangisi saakin.
"O-ouch!" sigaw ko nang tumama sa gilid ang buto ko sa tuhod. Napahawak ako dun at napaikot-ikot dahil sa sobrang sakit.
Bwesiiiiiit! Sigaw ko saaking isipan. Bakit ba ang malas ko sa araw na ito?
I exhale and inhale while devouring the remaining pain. Feeling ko may mangyayari pang hindi kaaya-aya saakin ngayong araw na ito. Thinking about it makes me want to cry, hindi ko na alam kung makakauwi pa ba ako na buhay saamin ngayon.
Slowly, I continue walking. I only have few more minutes bago magbreak time. Gustong-gusto ko na talagang umiyak dahil sa pagkaawa sa sarili. Pero tama na ang mga luha ko kanina sa CR, I will take my revenge no matter what happen!
Malapit na ako sa school clinic nang may humarang saakin. Ang takot na agad kong naramdam ay napalitan ng sobrang galit nang ang sumalubong saakin ay ang gwapong mukha ni Samaniego.
Umakyat yata ang dugo ko sa ulo dahil ramdam ko ang pamumula ng aking mukha dahil sa sobrang galit!
He look annoyed while staring at me, magkadikit ang dalawang makakapal na kilay niya na mas lalo lamang nagpapadagdag sa nakakapangilabot nyang aura.
His hawk eyes surveyed my face. May talim sa bawat tingin niya na gaya ng saakin.
Gustuhin ko man na sampalin ang makasalanan nyang mukha na sobrang pinagpala ng Panginoon ay hindi ko muna ginawa. I will get there soon, but not now. Lalo pa at nasa ganitong sitwasyon ako ngayon.
Iniwasan ko sya, pero bago paman ako makalagpas sakanya ay hinawakan na nya ang aking bewang at walang kahirap-hirap na iniangat ako at isinampay sakanyang balikat.
Hindi agad ako nakapagreact dahil sa sobrang pagkabigla. Kaya naman nang mahismasan ay noon lamang ako umalma.
"Ibaba mo ako! Ibaba mo ako!" I shouted at the top of my lungs. I tried to wiggle pero mukhang balewala lamang iyon sakanya.
Dahil lalo lamang sumakit ang mga galos ko sa kakapiglas kaya tumigil narin ako kalaunan dahil mukhang walang balak ito na pansin ang hinaing ko.
I grimaced, accepting my fate today. Mukhang natapos na talaga sa araw na ito ang tahimik ko na buhay.
And this all because of this stupid jerk who is carrying me now. Ang walanghiya, hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Tahimik lang sya habang binubuhat nya ako.
Hindi man lang nya ininda ang bigat ko, patuloy lang sya sa paglalakad. Pumasok kami sa isang silid.
Nang mag-angat ako ng tingin ay sumalubong saakin ang mga posters patungkol sa health.
BINABASA MO ANG
Ang Kaklase Kong Bully
RomanceJor-el Espeñosa is known in Stanfold University as the four-eye nerd. Her classmates including Acezir Samaniego are all popular. Acezir is known as the hottest and the notorious bully in the campus. She remembered that he tried to bully her way back...