-3-
"Oh my God," napabulalas na sabi ni Vivien.
Hindi ko alam kung ilang segundo akong tulala sa harapan niya. Nang sikuhin ako ni Vivien, saka lamang ako napakurap-kurap. Hindi ako handa sa pagkikita naming ito, na sa ganitong oras at araw kami magkakakilala. Talaga palang napakaliit ng mundo.
"Greg, sasabay pala itong pinsan ko sa atin mag-lunch. Eto si Vivien," iminuwestra ni kuya Wesley si Vivien, "at ang kaibigan niyang si Elise..."
Napatingin siya sa akin. Tumango lang ito, at saka naupo sa upuang katabi ko.
Pakiramdam ko ay biglang naging awkward ang atmosphere nang dumating si Greg. Alam ba ng mga kaibigan niya na ang pangalan ng ex-girlfriend nito ay Elise din ang pangalan? Nasisiguro kong oo, dahil kung hindi ay hindi magiging ganito katahimik ang lamesa namin.
Si kuya Wesley na ang pumutol sa katahimikan. "Naku, pagpasensyahan niyo na itong si Greg, mailap lang sa tao iyan. Mabuti pa, mauna na kayo mag-order Vivien..."
"Ah, oo... Tara, Elise, order na muna tayo!"
Agad akong hinila ni Vivien palayo roon. Naiwan ko ang tingin sa kanilang lamesa, tila nakatuon ang tatlo kay Greg. Napatingin naman sa akin si kuya Wesley, biglang sumilay ang ngiti nito at kumaway-kaway sa akin. Sumulyap rin si Greg pero agad na nag-iwas ng tingin.
"Sorry, Elise, hindi ko alam..." saad ni Vivien pagkatapos ako nitong hilahin sa malayong parte ng canteen. Nahaharangan ng pader ang puwesto namin mula sa inuupuan nila kuya Wesley. "Hindi ba, iyon iyong crush mo? Swear, hindi ko sadya! Kapag kasi sumasabay ako sa kanila, madalas silang tatlo lang ang magkakasama. Itatanong ko pa lang sana kay kuya Wesley kung kilala nila iyong lalakeng nagugustuhan mo, pero mukhang kaibigan pa yata nila..."
"Vivien, puwede bang sa ibang araw na lang tayo magsabay? Nakakahiya, hindi ako handa... Sobrang kinakabahan ako..."
"Kakilala mo ba siya?"
"H-hindi..."
"Iyon naman pala! Akala ko naman may past kayong dalawa, para kasing biglang naging awkward ang atmosphere..." Saad nito. "Huwag ka ng kabahan diyan, pandagdag friends din ang mga iyon. Iyon ay kung crush mo talaga siya kaya ka kinakabahan?"
"Puro ka kalokohan, Vivien! Pagkatapos nito, hindi na ako sasabay sa'yo!"
Wala na akong nagawa kundi umorder na lamang ng pagkain. Nangangatog pa rin ang tuhod ko habang pabalik sa aming lamesa. Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko, lalo na tuwing iisipin na makakatabi ko pa siya. Parang hindi yata ako makakakain ng maayos nito.
Hindi na katulad ng kanina ang lamesa namin, pagdating namin ay nagtatawanan na sila kuya Wesley. Kahit nga si Greg ay nakangiti. Pansin ko hindi siya kasing-ingay nila kuya Ram at kuya Louis. Tahimik lang itong nakikinig at paminsan-minsan ay ngumingiti.
Umusog ito para bigyan ako ng espasyo. Nagkatinginan pa kami pero agad kong ibinaba ang aking tingin. Hindi ko makuhang tumingin sa mga mata niya. Tila ba nahihiya akong makilala niya. Na baka pag tumingin ako sa mga mata niya, malaman nya ang sikretong pagtingin ko sa kanya.
Nakakahiya at marahil pa ay pinamulahan pa ako dahil doon. Pakiramdam ko ay nag-init ang aking pisngi nang magtama ang aming tingin.
"Ngayon mo lang siguro nakita si Greg, Vivien? Nito lang din namin siya nakasama, kaklase kasi namin siya sa ilang major subjects ngayong taon, palagi kasi siyang mag-isa kaya kinupkop na namin," sabay ngisi ni kuya Wesley.
"Ah, kaya pala. Magkasing-edad lang ba kayo ni kuya Greg?" tanong ni Vivien sabay sulyap kay Greg.
"Ahead siya ng isang taon sa amin," si kuya Louis.
BINABASA MO ANG
Memories of Elise
RomanceGreg, in his early twenties, lost his girlfriend Elise from a severe illness. Soon, he meets a girl which in his surprise, was also tagged as Elise. Elise was the total opposite of his late-girlfriend; she was laid-back, reckless, and full of secret...