-4-
It was the first day of prelim week. Pumasok ako ng maaga para gawin ang research ko sa isang minor subject at para na rin mag-review sa exam ko sa aking first subject. Nakapag-review na ako kagabi, kaso natulugan ko ang pag-rereview kaya naman i-rerefresh ko ang mga napag-aralan ko ngayong umaga.
Dahil maaga pa, naka-lock pa ang room namin. Naisipan kong dumiretso na lang sa library upang doon nalang mag-review. Noong hindi ko pa naiisipan i-stalk si Greg, palagi akong nakatambay sa library. Mayroon na nga akong spot sa liblib na lugar doon na pwede akong matulog dahil hindi nadadaanan ng librarian.
Kaunti pa lang ang tao sa library. Kumuha muna ako ng ilang libro na gagamitin ko para sa aking research bago tumungo sa aking palaging pwesto. Ngunit pagdating ko doon ay may nakaupo na sa aking pwesto! Hahanap na lang sana ako ng ibang upuan subalit nang maaninag ko ang nakaupo sa aking pwesto ay napatigil ako sa paghakbang. Si Greg! Parang kanina lang ay iniisip ko pa siya ah!
Bigla na namang nangatog ang aking mga tuhod at bumilis ang tibok ng aking puso. Kung narito lang siguro si Vivien ay inasar na naman ako noon. Hindi ako mapalagay. Hindi ko malaman ang gagawin, kung lalapitan ko ba ito o lalagpasan na lang? Ngunit, ang bastos naman yata kung hindi ko man lang siya babatiin hindi ba? Friends naman kami sa fb, kaya tingin ko close naman kami!
And so, I did the unimaginable. "Hi."
Inangat niya ang tingin mula sa tambak na libro sa kanyang harapan. Parang nahiya tuloy ako at baka nakaistorbo pa ako sa binabasa niya. Nginitian ko siya, ngunit nagmukha lang yata iyong awkward at mukhang constipated.
At ang natanggap ko lamang na sagot ay isang tango. Supladong ito! Iniisip ko tuloy at baka namamalikmata lang ako na si Greg itong nasa harapan ko. Kumurap-kurap ako, hindi naman ako nagkamali.
"A-ahm, puwede ba akong maki-share ng table?"
Bahala na kung ano ang isipin niya. Tutal narito naman na din ako, sayang ang pagkakataon. Nag-angat muli siya ng tingin, ngayon ay para sumilip kung may pwesto sa labas. Natatakpan ng mga bookshelf ang parteng ito ng library. Siguro nakita niyang hindi naman okupado ang ibang puwesto. Parang gusto ko na lang tuloy maglaho sa kinatatayuan ko.
Ibinalik niya naman ang tingin sa akin at inuusog ang kanyang mga libro. "Sige," sagot niya.
"Thanks," nakangiti kong saad.
Pang-apatan ang lamesa. Okupado niya ang dalawang upuan na magkaharap, at ako naman sa tabing dalawa. Magkaharap kami kaya nakikita ko siyang tutok na tutok sa kanyang inaaral. Sinusubukan kong maging tahimik sa bawat galaw ko at baka makaabala ako sa kanya. Ayos na sakin itong nasusulyapan ko siya at tila abot-kamay ko lang.
Hindi niya naman siguro iisipin na feeling close ako. Simula noong unang beses na nakasabay ko sila mag-lunch nila kuya Wesley, halos araw-araw na kaming nagsasabay kumain. Kung sino lamang ang magpang-abot sa lamesa namin, magkakaiba kasi kami ng schedule.
Dahil prelims na, halos busy na kaming lahat kaya hindi na rin kami halos nakakasabay ni Vivien sa kanila. Sa malapit na cafeteria na lang kami kumakain nila Ed at Vivien dahil pagkatapos noon ay mag-rereview kami o di kaya ay gagawa ng major plate. Balita ko rin, busy na rin sila kuya Wesley sa kanilang thesis. Si Greg naman ay bibihira na ring sumama at nagsimula na rin ang kanyang clinical internship.
Sinimulan ko nang mag-focus sa sarili kong aralin. Hindi yata nakakatulong na malapit lang siya sa akin, kaya naman halos walang pumapasok na salita sa utak ko. Buti pa siya at mukhang cool lang at walang pakialam sa paligid niya, samantalang ako ay halos pagpawisan ng malamig kahit nakatapat sa amin ang aircon.
Kinuha ko ang pencil case ko para mag-highlight ng aking binabasa, pero talaga naman yatang 'di umaayon sa akin ang pagkakataon dahil natabig ko pa ang laman nito dahilan para maglaglagan ang aking mga ballpen at lapis sa sahig. Nakalikha iyon ng kaunting ingay, kaya naman kinabahan ako at baka talagang nakakaabala na ako kay Greg. Agad akong yumuko upang pulutin ang aking mga gamit, ngunit mula sa ilalim ay nakita kong tumayo rin si Greg. Umahon ako para pigilan na siya sa paglapit, pero nauntog naman ako sa tuktok ng lamesa. Napaupo ako at namilipit sa sakit. "Ow..." daing ko.
Agad namang umagapay sa akin si Greg upang tulungan akong tumayo. "Okay ka lang?"
Napatigil ako sa pagdaing at napatulala. Ang lapit ng mukha naming dalawa! Parang mas nangingibabaw pa yata ang lakas ng tibok ng puso ko kaysa sa sakit na nakuha ko sa pagkakauntog sa lamesa. Napakurap-kurap lang ako nang marinig ko ang pagtawag niya.
"Elise?"
"O-oo! O-okay lang ako!" Agad akong naupo sa upuan ko at sinikop ang aking buhok. "M-mag-review na ulit tayo..."
I saw a ghost of a smile cross from his lips. Napangiti ko siya? Once in a blue moon lang yata magpakita ang ngiti niya. Palagi na lang kasi siyang seryoso at mukhang suplado. Nakakatuwa at may mga bagay pa palang nakakapagpangiti sa kanya.
"Sinong prof mo sa Fil?"
Napaangat ako ng tingin. Is he... opening a conversation with me? Nabaling ang tingin ko sa librong binabasa ko. "A-ah, s-si Prof. Magdayao. Bakit?"
"Balikan mo lang ang mga quiz mo. Ni-rerecycle niya lang ang mga quizzes, iyon din ang lalabas sa major exam..."
"Pano mo nalaman? Naging prof mo na si sir?"
Tumango siya. "Prof ko siya dati. Requirement pa rin pala sa klase niya iyang librong iyan, hindi naman masyadong magagamit..."
"Ganoon ba? Sayang naman kung ganoon, ang mahal pa naman ng librong ito!"
"Subukan mong tumingin sa university marketplace. Maaring may binebenta roong mga second-hand na libro. Mas makakamura ka," paliwanag niya.
"Thanks. Gagawin ko yan sa susunod... kuya," Napayuko ako. Hindi pa ako sanay na kinakausap niya ako at talagang nakatitig pa sa mga mata ko. Parang unti-unti akong natutunaw sa kinauupuan ko, mukha siguro talaga akong awkward sa harapan niya.
At nagdalawang-isip pa talaga ako na tawagin siyang kuya? Tama naman, mas matanda siya sa akin. Baka kung ano ang isipin niya kung bigla ko siyang tawaging Greg.

BINABASA MO ANG
Memories of Elise
RomansaGreg, in his early twenties, lost his girlfriend Elise from a severe illness. Soon, he meets a girl which in his surprise, was also tagged as Elise. Elise was the total opposite of his late-girlfriend; she was laid-back, reckless, and full of secret...