# 4

14.4K 646 53
                                    

Saturday turns out to be a bad day to Maine as well. Muntik na siyang i-suspend ng Department Head nila para bigyan siya ng bakasyon na magpahinga. Ang masaklap pa, ibibigay daw nito sa ibang team ang proposal niya at ang mga ito na ang magapapatuloy sa naumpisahan niyang research habang on-leave siya.

"Health is very important here in our job than the task, Maine. Maraming microorganism at modified chemicals dito sa lab at kung mahina ang immune system mo, ano ang mangyayari sa katawan mo?" sabi ng matandang Department Head nang hindi siya pumayag na magbakasyon.

She couldn't rebuke at that statement. She couldn't even defend herself. She was put in this position for a reason that mainly was not her fault.

Totoo, pinilit niya ang sarili na pumunta sa meeting kahit puyat siya. Pero sino ba ang dahilan para mapuyat siya?

But then again, if only she had complain on that neighbor, maybe - just maybe - he'd compromise.

No. Don't blame yourself here, Maine. Kawawa ka nga ngayon eh. Blame it to him. Blame it ALL to him. Kasalanan ito ng malanding mong kapitbahay!

"You injured your finger there," tukoy nito sa band-aid na nasa kanang hinlalato niya. "Ano'ng susunod na sugat naman ang matatamo ng katawan mo dito sa laboratory dahil sa pagpupuyat at pagod mo?"

Hindi siya umimik. Dahan-dahang bumuntong-hininga ang matanda na para na niyang ama mula ng nagtrabaho siya dito sa SP.

"Kung hindi lang iginiit ni Mr. Fortalleza na ikaw mismo ang maghandle nitong research, hindi ako magdadalawang-isip na i-suspend ka ng dalawang buwan. I know how much you treasure this project, Dr. Maine. Ayoko naman ipatapos sa iba ang pinaghirapan mo. But if you continue in that type of condition, I will not give you another chance again. Magalit na si Mr. Fortalleza sakin. Health is much more important than profit in this company, you know that. "

Tumango lang si Maine at tahimik na lumabas sa opisina. Since that time, nothing ever went right on Maine's day. Hindi tama ang calculation niya sa binubuong sunscreen powder. Muntik na siya masugatan sa microscope slide. Nasabihan na naman siya ni Eirin na magpahinga muna.

Nagkaleche-leche itong trabaho.

Nadumihan ang kredibilidad niya.

At hindi siya makapagpahinga sa sarili niyang bahay!

When she got home, she stripped down to her undergarment and wore a pajama and camisole. At least man lang sa damit niya, kumportable siya. She quickly buried herself on the bed to shut down all her worries and frustrations. Pero katulad ng dati, naistorbo na naman ang mahimbing niyang tulog pagdating ng hatinggabi. Mahihinang ungol at kaluskos ng mga paa ang unti-unti naririnig niya mula sa kabilang kwarto. Maya-maya ay isang mabigat na bagay ang bumagsak sa kama at sunod-sunod na maiingay na halik ang naririnig ng mga tenga niya.

Napaungol si Maine sa inis sabay ibinaon ang ulo sa ilalim ng unan. Katulad ng pader, hindi din napigilan ng unan niya ang mga ingay na nagmula sa unit ng malandi niyang kapitbahay.

"Aldennn.... Hmmmm...."

Gigil na gigil na ipinilig ni Maine ang ulo sa magkabilang direksyon. Stop. Stop! STOP! Nais niya sanang isigaw.

"Yeah... Ahh... Hhaaa... Hhaa..."

Shut up. Shut up! SHUT the hell UP! 

The bed creaked in that familiar annoying sound. The girl whimpered and moaned for every nook to hear. They were starting to enjoy a share of heavenly bliss.

While she - tired and disturbed in the other side of the wall. Maine was beyond furious and frustrated.

Agad na tumayo si Maine mula sa kama. Hindi siya nakapagtimpi at malakas na sinipa ang pader. The wall shook a bit by the impact but that did not stop her to kick on it again and again.

Unpleasant LivingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon