Dj's POV
Hello po, Magandang tanghali." Sabay sabay na bati ng barkada sa mama't papa ko.
Ako naman nag bless sabay pumasok sa kwarto para magpalit ng damit.
Magandang tanghali rin sainyo, Halina't kumain tayo. Buti na lang marami ang niluto ko." Rinig kong saad ni mama sakanila.
Ayy! Nako. Nakakahiya naman po." Sabi ni Katsumi.
Ano kats, Ikaw nahihiya? Di kapanipaniwala." Biro ni Lester.
Grabe kayo kay Katsumi." Sabat ko pag labas ko ng kwarto.
Mga malolokong bata. Kaya siguro napalapit agad si Dj sainyo. Maloko rin yang bata na yan." Pabirong sabi ni papa.
Nako tito! Si Dj tahimik lang po yan pag kasama namin. Maloko po ba? E hindi po namin alam bihira po kaya mag salita yan." Sabi ni Yen.
Si papa kasi e. Ayan tuloy! Hahahaha
Nahihiya lang yan, Tignan nyo pag nag tagal. Lalabas ang tunay na ugali nyan. Madaldal yan." Panlalaglag ni mama.
Mama't papa naman e." Nahihiya kong sabi.
Okay lang yan 'tol. Wag ka mahiya samin. Kami nga di nahihiya sa'yo e." Sabi ni Seth.
Ngumiti lang ako.
Oh halina kayo dito at kumain." Muling pagyaya ni mama sakanila. Kanya kanyang upo naman kami.
Kung anong ayos namin sa school canteen ayun din ang dito sa bahay.
Omggggggg! My favorite." Saad ni Kath na parang kinikilig. Ang cute nya ^_^
Ahm, Guys! What kind of viand is that? Hihi." Nahihiyang tanong ni Gab.
Babe, Sinigang na baboy. Yung pinakain ko sa'yo noon. Remember?" Sean.
Ahhhh! Yes. Masarap yan, Right? Tara kain na tayo." Excited na sabi ni Gab.
Pasensya na kayo ha, Ito lang ang maihahain ko ngayon." Sabi ni mama habang nilalapag ang kanin sa lamesa.
Okay lang po. Kami nga po ang dapat mahiya e." Sabi ng barkada.
Naku! Wala yun. Sge kain na kayo." Mama.
Nag pray muna kami, At saktong susubo ako ng may sumigaw.
Kuya! Ma, Pa. Nandito na koooooooo." Si Lelay pala.
Ayy! Sorry po. Akala ko walang bisita e. Hehehe nakakahiya." Sabi pa ni Lelay tapos namumula ang mukha.
Hiiiii." Bati ni Kathryn sakanya.
Hello po Ate." Bati din ni Lelay.
Ate Kathryn." Sabi ko.
Hello po Ate Kathryn." Ulit ni Lelay.
Ang cute mo naman baby." Sabay pisil ni Kath sa pisngi ni Lelay pag lapit nya. Umupo naman sya para maging kapantay nya si Lelay. "Anong pangalan mo?" Tanong nito.
Carmella po, Pero Lelay ang tawag nila sakin." Magiliw na sagot ng kapatid ko.
Ah, Tara kain tayo." Yaya ni Kathryn kay Lelay.
Sge po, Magbibihis lang po ako. Wait lang po ah." Sabay tumakbo si Lelay papasok sa kwarto nila ni Magui.
Ang cute naman ng kapatid mo Dj." Sabi ni Kath pag balik nya.
BINABASA MO ANG
Unexpected Magic Of Love♡
Teen FictionBasta talaga panain ka ni kupido wala kang magagawa e no. Sabi nga sa kanta "Kapag tumibok ang puso wala ka nang magagawa kundi sunduin ito, Kapag tumibok ang puso lagot ka na sigiradong huli ka." Im Kathryn Chandria Manuel Maghirang, Sabayan nyo ko...