CHAPTER 3: Chronicle

32 2 0
                                    

 Kinaumagahan nagbihis na si Ellouise ng blue skinny jeans at  t-shirt at inilibot niya ang mga batchmates sa buong lugar. Sa lawak ng lugar ay sumakay nalang sila sa isang suit up van. Pagkatapos maglibot at mamasyal ay pumunta si Ellouise sa airport upang sunduin pa ang iba pa niyang mga ka-batchmates.

 Mga 20 minutes din siyang nag-antay, dahil sa boredom nakinig nalang siya ng music sa cellphone niya at nagsuot nang headphones. Pagkalipas ng ilang minuto nakita na niyang bumaba sa eroplano ang mga ka-batchmate. Tinxt niya agad ang mga ito. inilarawan niya kung ano ang suot niya at saang banda siya nag-aabang. Sa di-kalayuan, natatanaw na niya ang mga ito. Sila ay sina Reymill, Julie Ann, Liezl, Christine Mae, Kim, Jim Beam, Archie Mae, Pilar at Angelie. Kumaway si Ellouise upang makita nila ang kinalalagyan niya.

 Sa paglapit nila ay nagdalawang isip pa sila. Ngunit tinawag sila ni Ellouise at nagpakilala...

 Ellouise: Ui! guys! lumapit nga kayo! Ako 'to si Ellouise, remember?

 Tumakbo palapit sina Reymill, Julie Ann, Liezl, Christine Mae, at Kim sa kanya at yumakap. Tuwang-tuwa silang lahat.

Reymill: *tili* Dai! ( sabay akap)

Julie Ann: Ikaw ba talaga to?

Liezl: Grabe! Hindi kaagad kita nakilala...

Christine Mae: Akala ko nga artista eh...

Kim: Dai!!! .. I'ts unbelievable! Ang shupa mo na!

Ellouise: Oh! mamaya na 'yan Sa Resort na tayo magkwentuhan. Sakay na!

 Sumakay na nga sila. Ang pito ay doon sumakay sa van habang ang tatlo naman ay sa Innova kasama si Ellouise. Ang makakasama niya ay sina Reymill, Julie Ann at Liezl. Mga 1:30 na sila nakarating sa resort. Kagaya nung naunang batch, napanganga din sila sa kagandahan ng lugar. Pinahatid sila ni Ellouise sa kanya-kanyang beach house nila at pagbalik nila ay sa restaurant na lang ni Ellouise sila kakain.

Ellouise: Ui! Wag kayong mahiya ha? Umorder lang kayo kung anong gusto ninyo. Sagot ko. (saad niya habang nakangiti)

 Nagsihiyawan naman ang mga kasamahan niya. Habang kumakain, may pumasok na isang empliyado at tinawag si Ellouise. nagulat sila nang tinawag si Ellouise na " Ma'am ".

Jim: Ikaw ang may-ari nito Ellouise? (surprised)

Ellouise: Ah.. Oo.. Ahm, maiwan ko na muna kayo saglit ha? may aasikasuhin lang ako. babalik ako agad pagkatapos. Make your selves comftable. (ngiti)

 Tumakbo si Ellouise papunta sa entrance hall, dumiretso  siya sa registrar upang tingnan ang mga costumers na nagpapabook sa hotel for 1 1/2 months. Agad niya itong inaprubahan at naglibot sa mga beach houses upang makita kung ilan ang vacant ngunit sa paglingon niya, iba ang nahagip nang kanyang mga mata. Nakita niya sina Josh at Kaliah na ...

 Naghahalikan ...

 Halos madurog ang puso niya sa kanyang nakita. Alam niyang wala siyang karapatan na umiyak dahil hindi naman sila mag-nobyo't nobya pero, hindi niya mapigilan ang kanyang sarili. Minahal niya din kasi ito ng palihim. Tumakbo siya na umiiyak palayo ngunit nabunggo niya si Zach. Tinanong siya ni Zach kung anong nangyari ngunit nagpatuloy lang siya sa pagtakbo. Hinabol siya ni Zach at hinawakan ang kayang kamay at iniharap siya nito sa kanya. At pinahiran ng binata ang mga luha na dumadaloy sa kanyang pisngi.

 Hindi na niya napigilan ang sarili, yumakap siya kay Zach. Ikinagulat nito ng binata pero hnayaan lang niya ito. Tinapik ni Zach likod nito at pinapatahan. Ang hindi nila alam, nakita pala sila ni Venia. Galit na galit ito. Nalilisik ang mga mata habang pinagmamasdan ang dalawa na magkayakap. Umalis agad si Venia na may galit sa kanyang puso.

Keep Calm and Fall InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon