Chapter 6: Lovestruck

3 0 0
                                    

Bumalik na sina Ellouise at Zach sa pinag-picnic-kan nila habang hawak-hawak ni Zach ang braso ng dalaga.

Zach: Okey ka lang ba? (umuupo)

Ellouise: (tumango lang) Kalimutan na natin yon. Kumain nalang tayo.

Habang kumakain ay nagpatugtog si Ellouise sa kanyang Ipad Tablet at inilabas ang kanyang digital camera at kumuha ng pictures nila ni Zach. Nagkuwentuhan rin sila. Pagkatapos nilang kumain, biglang tumayo si Zach at hinubad ang kanyang suot na t-shirt. Natulala si Ellouise sa kanyang nakita at kinausap ang sarili.

Ellouise: *kinikilig* *palihim na tumatawa* Gaya parin ng dati. Ang laki pa rin ng abs! (namumula)

Nagulat nalang siya nang bigla siyang hinila ni Zach. Dahil sa gulat niya kinurot niya ang matigas na tiyan na may six-pack abs ng binata. Binitiwan agad ni Zach ang mga braso ni Ellouise at hinimas ang tiyan.

Zach: Para saan yon? Ang sakit noon ha?

Ellouise: Kainis ka kasi eh.

Zach: Ayaw mo pa kasing maligo.

Elllouise: Hmmmmp! *pout* mamaya na.

Zach: Asus! Sige na.

Ayaw pa sana ni Ellouise na maligo pero napilit siya ng binata. Hinubad ang kanyang sinuot na beach dress. Nanlaki ang mata ni Zach at bigla siyang tumalikod.

Zach: Ui! Ano ba iyang ginagawa mo? Isuot mo nga iyan. PROMISE di na kita ulit kukulitin maligo.

Ellouise: (tumatawa) Akala mo siguro wala akong saplot noh? Ano kaba?! Humarap ka nga! Para kang engot.

Pagharap ni Zach kay Ellouise, medyo nawala na ang kanyang kaba pero napahanga siya sa ganda ng katawan ni Ellouise dahil sa suot nito. Kitang-kita niya ang magandang kurba ng katawan ng dalaga.

Ellouise: Oh ano pang tinutunga-tunganga mo diyan?! Tara na! (hinila si Zach)

Masaya silang naliligo kahit sila lang dalawa. Daig pa nila ang mga bata na kay saya-saya kapag naglalaro sa tubig at para ring magnobyo at magnobya sa kulitan at ka-sweetan. Pero nang nakaramdam na si Ellouise ng lamig, pumunta agad ito sa tabingdagat kung saan nila inilagay ang kanilang mga gamit. Umupo siya at nagpatugtog muli sa kanyang Ipad Tablet. Maya-maya lang ay sumunod din si Zach sa kanya at umupo tabi sa dalaga. Niyakap agad ng binata si Ellouise. Nagulat nalangang dalaga sa ginawa niya.

Ellouise: (nanlaki ang mata) para saan yun?

Zach: Nilalamig ka kasi eh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 22, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Keep Calm and Fall InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon