◆ Destiny 5 ◆

25 5 0
                                    

Hahaha. Happy reading! ;-)

•~Ayu POV~•

Saturday ngayon at malamang walang pasok. Pupunta kami ngayon sa mall. Ililibre kasi ako Mariz. Mayaman yun eh! Haha. Excited na ako. Pero hindi ko first time sadyang ignorante lang talaga ako. Whahaha!

Nakasuot ako ngayon ng black jeans na fitted na fitted  at white doll shoes and longsleeve na 3/4 na pa tube(gets niyo? Basta gets niyo!) na white color. Bili saakin to ni Mariz kaya maganda! Wag kayo!

Lumabas na ako sa kwarto at pumunta sa kusina.

"Oh? Saan punta mo?"-tanong saakin ni Mama.

"Sa mall po Mama. Ililibre daw ako ni Mariz eh."- sagot ko.

"Sige mag ingat ka."- paalala ni Mama. "Opo Mama."- sagot ko at lumabas na ng bahay. Tinext ko naman si Mariz kung saan kami banda magkikita.

Sumakay na lang ako ng jeep at mayamaya nakarating narin sa mall. Bumaba ako at dumeretso sa loob. Pumunta ako sa meeting place namin at naghintay.

"Hi friendship! Sorry,matagal ka na ba dito?"- tanong niya ng makarating siya dito.

"Hindi naman masyado."- sagot ko. "Saan tayo pupunta?"- dagdag ko pa.

"Hmm.. wait. Pwede bang Cr muna ako? May Call of Nature kasi eh."- sabi niya tumango naman ako. Naglibot libot muna ako pero bigla akong may naka bangga.

"You Ms. Please tignan mo ng maayos yang dinadaan mo."- sabi ng boses na yun. Boses palang alam ko na. Nakayuko kasi ako kaya inangat ko yung mukha ko para tignan sila.

"Ikaw??"- sabi niya. "Pati ba naman dito? Susundan mo ako? Yumi please tigil tigilan mo na ako. Nagdito yung gf ko."- sabi niya. Ang kapal naman ng mukha niya! Ano sa tingin niya? May gusto pa ako sa kanya? Huh! Malaking ASA! Nakakainis. Ang feeling naman niya kung akala mo kagwapuhan eh puno naman ng kaplastikam at kayabangan.

"Baby? Si Yumi the Queen bee may gusto sayo?"- mataray na sabi nung gf niya at tumingin saakin at nag taas ng kilay.

"Ohh? Hmm.. sabagay, bagay sa kanya ang maging Queen Bee dahil ang mga ganoon ay isang flirt,slut, at desperate."- sabi pa niya. Anong sabi niya? Flirt? Slut? My gad! Pigilan niyo ako.

"I'm not a flirt at lalong lalo ng hindi ako Slut!"- galit na sabi ko.

"So anong tawag mo sa sarili mo? Bitch?"- sabi pa niya.

"Tama na Baby. Were just wasting our time."- sabi naman ni Ken sa GF niya. Edi umalis sila! I dont care! Sila naman ang unang lumapit.

"Tsk. Pasalamat ka. Hay nako.. ang mga katulad mo nga naman.. kawawa dahil papansin sila ng papansin sa mga May Girlfriend na!"- mataray na sabi niya. Pigilan niyo talaga ako.

"Hindi ako mang aagaw!"- galit pa rin na sabi ko.

Magsasalita na sana siya ng may mauna na.

Kurt POV

Nandito ako ngayon sa mall. Wala lang trip ko lang, boring kasi sa bahay.

Naglalakad lakad ako ng may mapansin ako sa isang gilid na mukhang nag aaway. Hindi ko sana papansinin iyon ng makita ko ang pamilyar na mukha. Agad naman akong lumapit at tama nga ako. Si Ayu.

"Tsk. Pasalamat ka. Hay nako.. ang mga katulad mo nga naman.. kawawa dahil papansin sila ng papansin sa mga May Girlfriend na!"- mataray na sabi nung babaeng mukhang girlfriend ni Ken. At si Ayu naman mukhang nagpipigil.

"Hindi ako mang aagaw!"- galit na sabi niya. Magsasalita na sana yung kasama ni Ken ng sumulpot ako at nagsalita.

"Oh babe? Sorry pinaghintay kita."-sabi ko sabay akbay kay Ayu. Ramdam kong nagulat siya pero hindi niya ito pinahalata.

"Bakit ba ang tagal mo babe?  - sabi niya at sa pag eemphasize niya sa babe. I know na sinasakyan niya ako. Bigla ko naman siyang hinalikan sa pisngi at nakita ko ang pamumula niya pero hindi ko muna ito pinansin at tumingin sa mga unggoy.

"Oh? Hi! Ako nga pala si Kurt. Boyfriend ni Ayu."- nakangiting sabi ko sabay lahad ng kamay ko. Pero imbes na sagutin ako o batiin eh iba ang ginawa nila.

"Tsk. Babe lika na nga."- sabi nung babae at nakairap na umalis. Si Ken naman walang emosyon lang.

Napatingin kami sa isa't isa ni Ayu sabay nag apir.

"Nakita mo yung mukha nung babaeng yun! Akala niya talaga may gusto pa ako sa Boyfriend niya! Tsk. Wala na noh? Sa kanya na lang siya. Wala akong paki."- sabi niya.

"So.. pano ba yan.. may pag asa na pala ako sayo?"- sabi ko. Na ikinatigil niya sabay dahang dahang tumingin saakin. Tumingin lang din ako sa kanya. Mayamaya sabay..

"JOKE!!"- natatawang sabi ko. Kung alam mo lang na hindi ito joke. Hay. Bigla naman siyang nag iwas ng tingin at parang may binulong siya pero hindi ko narinig.

"May sinasabi ka?"- tanong ko. Tumingin naman siya saakin at ngumiti. "Ah wala. Sabi ko thank you pala."- sabi niya. Yun lang pala. Akala ko kung ano na.

"Ah wala yun."- sabi ko.

*cough* cough*

Nagulat naman kami ng may biglang umubo sa pagitan namin at nakita ko si Mariz. Na naka taas kilay.

"Ano to?"- tanong niya at lumipat sa harap namin. "Bakit kayo magkaakbay?"- dahil sa sinabi niya bigla kaming napahiwalay sa isat isa. Nakaakbay pa pala ako sa kanya.

"At kaya pala bigla kang nawala kanina dahil makikipagkita ka pala dito sa Kurt na ito?"- sabi niya at magsasalita na sana si Ayu ng biglang iharang ni Mariz yung kamay niya sa tapat ng mukha ni Ayu.

"Ok lang saakin. Hindi ako galit."- nakangiting sabi ni Mariz. Magsasalita na sana ni Ayu ulit peeo bigla na lang kami hinila ni Mariz sa kung saan.

"Tek---"

"Arcade tayo dali!!!"- sigaw ni Mariz at hinila kami. Wala na lang kaming nagawa kundi sumunod.

•••
Chapter 5 done ✔! 2 Chapters Left. Comment and Vote po Kayo.

© May 23, 2016

Destiny (Short Story) [MyungU Couple] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon