CHAPTER 9: I FELL INLOVE ONCE part1

4 0 0
                                    

CHAPTER 9: I FELL INLOVE ONCE part1

-Charlie's POV-

Busy na ngayong pasukan, graduating na ko eh. Okay na rin 'to atleast 'di ko na masyado naiisip si Celine.

"Dahil ba sa busy ka o dahil kay Shambe kaya 'di mo na naiisip si Celine?" takte tong Dan na 'to, mind reader.

"Tumigil ka nga."

"Balita ko lagi kayo magkasama. Nanliligaw ka na ba o baka naman kayo na?"

"Adik mo! Parehas lang kami ng sitwasyon kaya sinasamahan ko sya. Dyan kana nga!"

"Saan punta mo?"

"Sa dati." sa lumang building ulit.

"Nasa library si Shambe, walang kasama."

Di na ko sumagot.. Tuloy-tuloy na ko sa paglalakad..

[LIBRARY] Teka.. anong ginagawa ko dito? Tss.. Tama si Dan, nandito nga si Dwarf. Umupo muna ko sa table na malapit sa kanya. 

Medyo sa likod nya para 'di nya ko makita.

To: Dwarf

     Hi...

Nakita kong binasa nya agad. Te-teka.. wala man lang reply.

To: Dwarf

     Hi, sabi ko...

Binasa nya ulit. Sa wakas, nagreply din.

From: Dwarf

     Nsa library ako. Bawal cp dito.

Oo nga pala. Muntik na ko dun, buti pinaalala nya. Malapitan na nga lang.

"Busy ah."

"A..a, Charlie."

"Pwede makiupo?"

"Sure."

"Asan si Kyorin?"

"Ahm, may pinuntahan eh. May kailangan ka sa kanya?"

"Wala naman. Nakita lang kita kaya pumunta ako dito."

"Ah.."

Pumunta muna ko sa book shelves at kumuha ng libro. Sabay balik ulit sa pwesto namin ni Dwarf.

Silence.. 5 minutes.. 10 minutes.. 30 minutes.. Takte naman oh. Wala akong masabi. Makapagbasa na nga lang.

Lakan Dula (or Don Carlos Lakandula, the name the Spaniards gave him when he was converted to Christianity) was the reigning 

raha of Tondo when Legazpi came in May 1571. He was the most prolific of the ruling rahas of Manila and environs. 

Hehad six children, namely Don Gonzalo Capulong (who was chief of Candava), Don Magat Salamat (who was chief of Tondo and 

was executed by the Spaniards following the 1588 Revolt of the Lakans), Don Phelipe Salonga (chief of Polo, Bulacan), 

Donya Maria Poloin, Don Martin Lakandula (who entered the Augustinian Order asa lay brother in 1590), and Don Luis 

Taclocmao or Salugmoc (who was killed in 1603 Chinese rebellion fighting the Chinese rebels).

(Dery, L.C., 2001. A History of the Inarticulate)

Wala naman ako maintindihan sa binabasa ko. Si Shambe, busy naman sa pagbabasa ng Asian History.

-Shambe's POV-

Nangangalahati na ako sa binabasa ko pero no pansin parin si Charlie. Oo nga naman, kaya nga nasa library para magbasa hindi magkwentuhan. Hay..

"Charlie"

"Dwarf"

Nyay.. Sabay pa.

"A-ano yun?" - ako

"Ikaw muna."

"Hindi, ikaw muna."

"Nabobored na ko dito."

"Ganu ba.." Naku.. Aalis na yata sya. :| wag muna, please...

"Sama ka sa'kin?"

"Huh?"

"Sa lumang building."

[Lumang Building] Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko noong sinama nya ako dito. Masaya na kinakabahan. Natatakot din at the same time. 

Haler! Alam ko naman na hindi nya ako mamanyakin dito pero ewan ko ba!

"Dwarf"

"Charlie" d@rn, sabay na naman kami..

"Sige, lady's first." - Charlie

"Hmm, pwede magtanong?"

"Sige."

"Basta sasagutin mo ah."

"Malamang, tanong yun eh." Pilosopong labanos!

"Charlie, bakit lagi ka nandito?"

"Kailangan bang malaman mo?" Oops! Kailangan nga ba?

"Ah.. hehe natanong ko lang naman."

"Dito ko sya nakilala."

"Huh?"

"Si Celine." Ouch! Yung saya ko biglang nawala. Sana pala 'di na ko nagtanong.

". . ." speechless na ko. T.T

"Actually, kagagawa lang ng building na 'to noong una ko siyang makilala. Pareho kaming nagtake ng entrance exam noon. Love at first ang 

matatawag ko nung makita ko siya. I've never fallen inlove like that before at hindi na siguro ulit mangyayari yun. Dito nya ko sinagot at dito rin sya 

nakipaghiwalay sa'kin." 

Kitang-kita ko sa mukha nya na nasasaktan parin sya hanggang ngayon at ako din. Siguro dahil si Celine parin ang gusto nya and the other 

of my mind says that I still feel the same way to Thirdy.

"Ikaw?"

"Anong ako?"

"About kay Thirdy?"

"Si Thirdy? Sa church ko sya nakilala. Kaibigan sya ng classmate ko noong high school at ipinakilala lang sya sa'kin. Hindi ako na-love at first sight 

sa kanya tulad ng sa'yo kay Celine. Pero sabi nya, na-love at first sight daw sya sa'kin."

Ang sarap balikan ang nakaraan pero masakit parin dahil maraming pangako ang hindi naisakatuparan.

 Ngayon, ako na ang nakaramdam ng mas matinding lungkot habang nagkukwento sa kanya. Ramdam na ramdam ko parin ang sakit.

"A Thousand Promises"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon