Eto na naman tayo, isa na naman sa mga ordinaryong araw ng buhay ko. Yeah! Indeed it is. Normal lang bumaha sa lugar namin. Kaya eto ako nakatunganga na naman sa bintana habang tinatanaw ang mga taong sumusulong sa baha. Twenty one years na akong nakatira sa lugar kung saan masyadong mapalad pagdating sa baha, ang bayan ng Sta Rosa, Laguna. Kunting ulan lang nga, dapat ka nang magexpect na ilang oras na lang may ilog na naman sa harap ng bahay niyo. Member nga naman ako ng Red Cross pero di ko man lang magawa tumulong sa mga sumusulong sa baha. Hirap naman kasi pagwalang gamit, di mo alam kung ano uunahin. Safety first nga naman talaga. So ang malaking tulong na magagawa ko ay ang prayers na lang na sigurado ay makakaligtas sa lahat ng tao. Akala niyo wala akong alam sa prayers, of course meron din. Isa akong tao na pinalaki ng magulang ko na nagsasamba every Sunday.
Masyado na kong maraming nasabi sa baha na yan. Basta yon na yon. After few hours, huhupa din yan. Since I started this saying na ordinaryong araw lang ito, well ako din ay isang ordinaryong tao lamang. I'm 21 years old born and raised here sa Sta Rosa. Ordinaryo lang din features ko, isang hamak lang naman na morenong tao, na medyo singkit ang mata, matangos ang ilong, and of course maninipis na labi na alam ko ay gusto ng mga kababaihan. Nagsimula ba ako na masyadong mayabang? Totoo naman yun di ba? And before I'll let you know more about me, my name is John, yun nga, ordinaryong ordinaryo lang din.
"John! Bumaba ka na diyan at kakain na tayo!" sigaw ni Inay. Si inay talaga kung makapagsigaw akala mo naman ay ang laki laki ng bahay. Luckily, hindi nakapasok ang tubig sa bahay namin. Tama lang naman talaga ang taas niya. Honestly, malapit na talaga siya abutin, hopefully not.
"Ano ulam?" ang tanong ko kay inay.
"Ano ineexpect mo? Fried chicken na naman?" ang sagot ni inay na mukhang galit na galit pa at nakahawak pa ang kamay sa bewang. Tao lang din naman kasi ako at may gusto din, yun lang ordinary lang din, fried chicken. Simula't simula talaga, yan na gusto ko. Nagtataka tuloy ako kung ano meron dun, basta gusto ko siya.
Katulad din ng mga dumaang araw, I just need to sit in front of the table, grab my utensils, and make myself full. Okay na din ang isdang paksiw na ulam.
Busog na busog na ako nung ako'y natapos. Hindi ko inakala na ganun karami makakain ko, mga 3 cups cguro. Hindi naman ako tumataba. Lalo pa nga akong nagiging malaman. Ang higpit din naman ng tiyan ko, siguro kung nagwoworkout lang ako my 6 packs na ko.
Umakyat na ako balik sa kwarto nang si inay ay sumigaw na naman, "Hoy! Hindi ka na bata para ako pa magligpit ng kinainan mo! Wala ka na ngang trabaho, pasimple ka pa dito sa bahay!" Takte nga naman o. Magpapahinga na nga sana ako, pero wala pa din akong choice kundi bumaba, inay ko yun eh.
Noon ang bait bait naman sakin ni inay, nagiisang anak lang naman ako. Nagsimula lang talaga to ng nagsimulang mambabae si itay at ng kami ay iniwan dito, I was 10 years old nung time na yun. Sabagay, kano kasi, karamihan sa alam ko ganun din naman ang nangyayari. At isa pa, hindi naman yun permanente dito sa Pinas kaya balik din sa Amerika at hindi na bumalik dito. O eh di ngayon alam niyo na kung bakit may mga ganoon akong features? Di ko lang talaga nakuha ang kulay. Sa height panalo ako, pangbasketball nga eh, kaso walang hilig, 6 footer ako.
Agad agad kong tinapos ang pagligpit ng pinagkainan ko at bumalik na agad sa kwarto, sinarado ko na ang pinto at nilock. "Haiiiiiii," ang haba ng bitaw ko ng hininga sabay higa sa kama.
Habang nakahiga ako, kung anu-ano na naman ang pumapasok sa aking ulo. Yung mga tipong random thoughts at pangarap ng isang ordinaryong taong katulad ko, ang manalo sa Lotto, na hindi naman tumataya, ang magkaroon ng trabaho, na hindi naman naghahanap. Yun lang ang palaging nasa laman ng isip ko hanggang sa ako ay makatulog.
"John! John! Tulungan mo ko!" Bigla akong nagising sa kaba, tumatayo ang aking mga balahibo ng marinig ko na paulit ulit ang pagbanggit ng aking pangalan. Ang boses ay nangingig sa takot at tipong nawawala wala. "Kilala ko yun," yun lang ang nasabi ko sa sarili. Agad-agad akong tumango sa bintana at hindi nga ako nagkamali, si inay lumulutang sa baha.
Tumakbo ako pababa ng bahay, pumasok na nga talaga ang tubig sa loob ng bahay namin. At sigurado sa labas ay malalim na din. Maliit lang nga kasi si inay at ang alam ko ay hindi yun marunong lumangoy dahil kahit dati rati ay ayaw lumangoy sa swimming pool pagkami ay niyaya ng mga kaibigan niya sa isang resort.
Handang handa na ang sarili ko na lumangoy ng nakita ko na may naanod na bubong ng bahay, yung gawa sa lata. Kitang kita ko si inay na nahihirapan na sa paghinga hanggang sa tinamaan ng bubong. Ako ay napatulala ng nagiging pula ang tubig. Biglang nawala ang katawan ni inay at eto ay biglang pumataas. Agad-agad akong lumangoy patungo sa kanya, ang bubong ay mabilis na naanod sa dulo.
"Inay! Inay!" sigaw ako ng sigaw pero hindi na gumagalaw yung katawan niya. Naabutan ko siya sa bilis ng aking paglanggoy, hanggang sa inahon ko malapit sa isang bahay ng mga kaibigan ni inay at dun ay tinulungan nila akong pahigain sa sofa. Lahat ng natutunan ko sa training sa Red Cross ay tinatry kong iapply. Nag-CPR ako kay inay dahil sa iniisip ko na nawalan lang ng malay dahil nalunod at hindi dahil sa pagkatama ng bubong sa kanya. Hindi ko namalayan laslas na pala ang leeg ni inay sa bandang gilid na malapit sa batok.
Hagulgol ako sa iyak at napaluhod na lamang. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ako ay isang Red Cross member at hindi ko man lang nagawang irevive ang aking inay. Niyakap ko si inay ng mahigpit na parang wala na talagang bukas. Ako ay nanginginig at namumutla sa kaba at lungkot.
Tuloy pa rin ako sa pag-iyak hanggang sa may lumapit sa aking babae na basang basa pa, ang kaibigan ni inay na kapitbahay lang namin. "Ano nangyari kay Merci?" tanong niya sa akin na gulat na gulat at biglang napaluha at napahawak sa likod ko. "Kanikanina lang nagpaalam siya sa akin na bantayan ko daw ang bahay at siya daw ay aalis muna habang kaya pa daw sugurin yung baha para kumuha ng pagkain at ng mailuluto," dagdag pa niya.
Bigla akong napatingin sa kanya. "Sabi niya pa, ayaw niya daw kasi na wala kang makain at susubukan niya daw maghanap ng paborito mong ulam, fried chicken ata yung sinabi niya."
Lalo akong napahagulgol sa narinig ko. "Inay, bakit naman kasi umalis ka pa. Okay lang naman sakin ang kahit anong ulam!" Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko. Im totally lost! Basta ang alam ko lang ay wala na ang aking inay at ako'y nag-iisa na lang sa buhay.
================
Ngayon na nawala na ang kanyang pinakamamahal na ina, ano na ang mangyayari sa kanyang buhay? Magkakaroon pa din ba siya ng pag-asa sa buhay para harapin ang lahat ng to? Sinu-sino ang mga taong tutulong sa kanya at magmamahal sa kanya habang buhay?
YOU ARE READING
The Road of Reality
Teen FictionSa paniniwala ni John, ang lahat nang nangyayari sa buhay niya ay ordinaryo lang. Ang baha sa lugar nila, ang pag-iwan sa kanila ng tatay niya, at kung anu-ano pa. Isag araw, nagbago lahat ng pananaw niya dahil sa isang pangyayaring di niya inaasam...