Ramdam na ramdam ko pa ang pag-ihip ng hangin galing sa electric fan na nasa may tapat ng kama ko. Ang liwanag mula sa araw ay simula ng kumakalat sa loob ng aking kwarto. It's a fine morning nga. Maganda ang gising ko dahil sa maganda na naman ang panahon.
I have to get on my feet, kasi last night before I went to bed, napagisip-isip ko na dapat na akong maghanap ng trabaho. Isa akong RN. Yes! A Registered Nurse. Since I have to make a living for my own sake, I still have doubts if I will apply sa kung saang hospital. Hindi lang talaga ako comportable na magtrabaho sa ganoong environment. The only reason bakit yun ang kinuha ko dahil nag-eexpect ako dati na dahil dito makakapag-Amerika ako at baka eto pa ang maging daan na mahanap ko ang aking ama.
When my mom told me the story about him living us, nawalan na ako ng pangarap na makita siya. Pero dahil ako'y isang ordinaryong anak lang din na nangungulila sa ama, I'm still hoping na maybe someday makaharap ko siya kahit na ang una kong sasabihin sa kanya e ang pagkawala ni inay. He has to accept it anyway, after ba naman niyang iwan kami.
Dumerecho na ako sa kusina. Suot suot ko pa ang paborito kong plaid boxer shorts na masarap sa pakiramdam dahil sa lambot nitong tela. Since umaga pa naman at hindi pa ako naliligo hindi na ako nagsuot ng shirt, ako lang naman mag-isa sa bahay e. Isinaksak ko na ang heater ng makapagprepare na din ako ng mainit na tubig. Masarap nga talaga kasi magkape sa umaga. Habang inaantay ko ang pag-init ng tubig, umupo muna ako sa harap ng kinakainang lamesa namin ni inay.
Suddenly, it came to my mind na masyado pala talagang mabilis ang mga nangyari kahapon, namaalam ako kay inay and then a girl I just knew kissed me sa lips. So ganyan nga ba talaga? Kasi sabi nila someone goes, someone comes. Nalulungkot man ako isipin na wala na nga talaga si inay, napapangiti naman ako kung ang laman ng isip ko ay si Carmen lang. Ang ganda niya kasi talaga. Hindi ko makakalimutan ang mukha nun na parang isa sa mga modelo sa magazines.
Narinig ko na ang tunog sa heater na nagsasabing mainit na ang tubig. Dali-dali ko itong pinatay at binuhos ko na ito sa puting tasa hanggang sa mapuno. Binuhos ko na din ang isang sachet ng kape at cofeemate sa mainit na tubig.
Sarap na sarap ako sa pag-inom ko ng kape ng may biglang kumatok sa pinto.
"Sandali lang po!" sigaw ko at mabilis kong pinuntahan.
Binuksan ko ang pinto at nakita ko ang magandang babae na nakasama ko kahapon. Pero iba ata ang porma niya ngayon at ako'y nagulat. Siya ay naka.maong tattered pants, tapos maluwag na balck tshirt at naka.cap pa na labas ang buntot ng buhok sa likuran.
"Carmen?" tanong ko na animo'y gulat na gulat.
"Hindi tol! Ako si Kim ang kambal ng babaeng yun," sagot ng babae.
Nagulat ako dahil hindi ko alam na may kambal pala si Carmen. Wala naman kasi talaga akong nakikitang mga bata sa bahay nila noon.
"Bakit po kayo naparito?" tanong ko sa kanya na hanggang ngayon ay nagtataka pa din.
"Nagpapatanong po si ermat kung may lakad ka daw, kasi meron daw job fair sa Pavilion Mall." Sagot niya sa akin na tipo isang astig na lalaki kung maka-asta.
"Ah siya sige po. Salamat."
"Siya sige alis na ako."
Sinarado ko na ang pinto ng makita kong malayo na siya sa bahay.
"Sayang naman ang ganda ng kambal ni Carmen kung ito'y isang tibo," kinakausap ko ang aking sarili.
Bumalik na ako sa kinauupuan ko kanina at tinapos na ang timplang kape. Buti na lang at may job fair, siguradong maraming mga kompanya ang pwedeng mapag-applyan doon. Hindi pa ata ako ready magtrabaho sa isang hospital so baka maghanap muna ako ng ibang field ng makakita lang muna ng pera.
YOU ARE READING
The Road of Reality
Novela JuvenilSa paniniwala ni John, ang lahat nang nangyayari sa buhay niya ay ordinaryo lang. Ang baha sa lugar nila, ang pag-iwan sa kanila ng tatay niya, at kung anu-ano pa. Isag araw, nagbago lahat ng pananaw niya dahil sa isang pangyayaring di niya inaasam...