Dumating ako sa bahay ng nakasimangot. Bigla kong nakalimutan ang pagkatanggap ko sa trabaho. Yung tipong parang isa akong bata na di nabilhan ng ginugustong laruan. I don't think I have the right naman na makaramdam ng ganito. No strings attached naman kami. At saka kung tutuusin isang araw lang naman kami nagsama.
Dumerecho na ako sa kwarto ko at nahiga sa kama. Alas sais na ako nakauwi sa bahay gawa ng traffic sa hi-way. Naging isang oras tuloy ang pagkastuck ko sa kalsada. Pinipigilan ko man ang sarili ko makaramdam ng masama sa aking nakita kanina, pero hindi ko talaga matiis.
Nakahiga lang ako at nakatunganga ng tatlong oras. Madilim na sa labas at hindi ko naman magawang ipikit ang aking mga mata. Kahit magbihis ng sarili ay hindi ko pa nagagawa. Kung ano ba naman ang pumasok sa isip ko at parang gusto kong mag-inom at mag-bar.
Noong college pa lang ako nasanay na akong mag-bar ng mag-isa. Mga kaklase ko kasi puro aral na lang. E ako naman gusto ko din naman magkaroon pa din ng social life sa gabi, kaya ayon sinwerte naman ako na hindi bumagsak sa mga klase. Hindi naman kasi sa pagmamayabang eh, may talino din naman talaga akong taglay.
Agad-agad akong pumunta ng bathroom para maligo at nagbihis pagkatapos. Tipong minadali ko lang ang pagligo dahil bigla akong naexcite ng naisip ko na pumuntang bar. Ni wala pa akong ka-ayde-idea kung saang bar pupunta.
Naalala ko na lang bigla ang idol kong DJ na pupunta sa Padis Point Binan. Nabasa ko lang yun sa mga text sakin nung isang araw. Yun ay dati kong kaklase. Habang ako'y nag-aayos, hinihiling ko na sana wala sila doon. Ayaw ko may makakilala sa akin dun at baka ako pa'y samahan. Ngayong gabi, gusto ko mapag-isa sa pag-iinom.
Suot-suot ko na ang simple kong puting tshirt na may print ng bandang Linkin Park sa unahan. Simpleng slim fit na maong jeans lang ang baba ko at ang Converse kong sapatos na dalawang taon na sa akin. Yun pa yung huling sapatos na bili sa akin ni inay 2 years ago during Christmas.
Paglabas ko sa bahay, ramdam ko ang malamig na ihip ng hangin sa gabi. Senyales na kumokonte na lang ang tao sa labas at sigurado ang iba ay nagpeprepare na para matulog.
Since gusto ko din naman makita ang aking idol, nakapagdesisyon na nga ako na sa Padis na pumunta.
Wala pang 15 minutes ay nasa labas na ako ng bar. Nakikita ko na ang iba't ibang kulay ng ilaw, ramdam ko na ang malakas na tunog ng mga kanta mula sa malalaking speakers sa loob. May naririnig na din akong mga sigawan ng babae na tipo'y nag-eenjoy sa pagsayaw.
Napahinga ako ng malalim bago umapak sa doorstep at dun ako kinapkapan ng Security para maicheck kong may mga dala akong deadly weapons. Pagkaapak-apak ko sa loob, nakita ko ang karamihan na nagtatagayan, merong iba na lasing na at nakasandal na lang sa upuan, ang iba ang ulo ay nakapatong na lang sa lamesa.
Mukhang nahuli na ako sa aking idol at mukhang natapos na ang kanyang set. Umupo ako sa isang bakanteng maliit na mesa sa dulo. Umorder ako ng isang bucket na Red Horse sa isang waiter na lumapit.
Habang ako'y nag-iintay sa aking inumin, napatingin ako sa mga mukha ng tao na nakapalibot at nakasiksik sa bar na yun. Enjoy na enjoy kasi ang ibang babae makipaglower lower sa mga kasamahan. Ang iba dito ay naka mini skirt lang. Nagmumukha tuloy silang pokpok sa mga suot nila. Ang mga lips nila na ubod ng pula, mga dangling earrings na parang walang bukas sa laki ang hoops.
After few minutes, dumating din si kuya waiter na may dalang isang bucket ng beer. Binuksan ko na ang isang bote at napainom na agad-agad. Ramdam ko ang lamig ng alak at ang biglang pag-init ng aking dibdib. Mukhang ang tagal ko ng di nakainom at ngayon ko lang naramdaman ulit yun.
Nakakatatlong bote na ako ng lumabas si DJ ChaCha, si DJ muaah muaah tsup tsup ng Tambayan na ngayon ay MOR na. Lahat ng tao sa gitna ay nagsi-upo habang binabati niya ang lahat. Tuwang tuwa ako habang siya'y nagsasalita. Kumanta siya ng ilang songs at palakpakan naman ang mga tao hanggang sa nagpaalam na siya.

YOU ARE READING
The Road of Reality
Novela JuvenilSa paniniwala ni John, ang lahat nang nangyayari sa buhay niya ay ordinaryo lang. Ang baha sa lugar nila, ang pag-iwan sa kanila ng tatay niya, at kung anu-ano pa. Isag araw, nagbago lahat ng pananaw niya dahil sa isang pangyayaring di niya inaasam...