Chapter 2

93 12 5
                                    

Isang malapad na lupain ang aking natatanaw. Berdeng berde and pagtubo ng damo sa paligid. Kay gaan tignan ang maasul-asul na kalangitan. Punong puno ng kulay ang mga bulaklak sa paligid, ang mapupulang rosas, and madidilaw na daisies at kung anu-ano pa. Habang namumugto sa katindigan ang mga kulay sa paligid na tila nabuhay pagkatapos ng bagyo, ako naman ay nakasuot ng puti na tshirt saka itim na pants, simbolo na ako'y lugmok sa kalungkutan na nangyayari sa aking buhay.

Patuloy sa pagsesermon ang pari habang tinatanaw ko ang kabaong ni inay sa aking harapan. Ang mga titig ko na tila'y naghahabol sa isang sandali at pinagdadasal na sana iyon ay magbukas para makita ko ang aking ina at mayakap. Iyon ay hanggang panaginip na lang dahil ako nga ngayon ay nakaharap sa pinakamatinding katotohanan, ang pagkawala ng aking ina.

"Bago po natin ipagpatuloy ang paglibing, meron po ba sa inyo ang gustong magsalita sa gitna?" boses ng babae na tila'y anghel at nagpagaan sa aking nararamdaman. Doon ko lang napansin na ang dami palang pumunta para ako'y samahan sa pagluksa. Pinaupo na kaming lahat para makinig sa kung sino pa ang magsasalita at magshare sa kung anong kwento meron sila tungkol sa aking ina.

Hindi ko mapigilan ang aking pagluha habang pinapakinggan ko ang mga taong isa-isa pumunta sa gitna para magsalita. "Isa siyang magiting na ina. Gagawin niya talaga ang lahat makuha niya lang ang ninanais ng anak," sabi ni Aling Dalia habang nakatingin sa akin. "Naging masungit man siya sa iba, pero alam nating lahat na siya ang taong malalapitan mo pag ikaw ay may problema," dagdag pa niya.

Ako ay napayuko habang siya ay nagsasalita. Naramdaman ko ang isang malambot na kamay na dumampi sa aking balikat. Pinahid ko ang aking mga luha gamit ang aking panyo na bili ni inay noong pawis na pawis ako habang nag-aantay na banggitin ang pangalan ko sa stage nung Graduation ceremony.

"Are you alright?" tanong ng babae na mukhang familiar sa akin.

"I'm fine. Thanks," Ang aking maikling sagot sa kanyan tanong.

"By the way, I'm Carmen, daughter of Dalia," pakilala niya sa akin. Yun na nga siya pala ay anak ng matalik na kaibigan ng nanay ko. Parang carbon copy talaga siya sa nanay niya. Napansin ko ang makinis at maputi niyang mukha, ang magagandang mata na parang hugis almond at ang matangos niyang ilong. Namumula ang maganda niyang labi na nakakuha ng aking atensyon.  

"John," sabi ko sabay offer ng kamay ko para kumustahin siya. Umupo siya sa tabi ko at nakinig na din sa nagsasalita sa gitna.

"Don't you want to say something about your mom?" tanong niya sa akin. Ako naman ay napatingin lang sa kanya at wala ni isang salita ang lumabas sa aking bibig. Gusto ko sa kanya sabihin na nalulungkot lang ako sa nangyari dahil ako ang naging dahilan ng pagkamatay ni inay, na ninais niyang makuha at maibigay lang ang gusto ko para maging masaya ako. Hindi ko magawang sabihin sa kanya dahil hindi naman kami ganoon kaclose at nakakahiya lang. Kung tutuusin zero na ang social life ko dahil sa hindi na ako lumalabas ng bahay at kinukulong ko na lang ang sarili sa kwarto.

"Sino po ang susunod?" ang tanong ni Aling Lyda na kakatapos lang magshare ng pinagdaanan nila ng aking ina noong sila'y naghahanap ng trabaho para ako ay mapagaral.

"Go! You should be the last person who'll bid goodbye to your mom," sabi ni Carmen sabay siko niya sa akin na tila ba ay magbestfriend lang kami. Napatingin ulit ako sa kanya ng mga ilang segundo and decided to stand up and say my last words to my mom. Napaiwan pa ang titig ko sa kanya ng ako'y tumayo at pumunta sa harapan.

Parang napipipi ako. Tanaw ko ang mga kaibigan ni inay, hindi ko inakala na ganito karami ang pupunta. Meron mga taong pahid ng pahid sa kanilang mga mukha at pinipigilang lumuha. Wala kaming pamilya dito ni inay sa Laguna, at hindi ko naman alam kung sinu-sino relatives ni inay dahil hindi niya naman nakekwento sakin kahit noon ako'y bata pa.

The Road of RealityWhere stories live. Discover now