Chapter 1: Wish Granted

18 2 0
                                    


Chapter 1: Wish Granted

Cara's POV

After kong mag-day dreaming kahapon ay back to being weird uli ako at ngayon ay isinabay ako ni dad papuntang school habang sya naman ay sa office.

Dala ko ngayon ang Mac Book na regalo sa'kin nila dad.

Bubuksan ko sana kaso malapit na rin ako sa school.

Nang makarating na ako sa School ay binati ako ni dad ng 'Happy Birthday' at sinabihan nya akong mag-aral ng mabuti. Tumango lang ako at nag-paalam na.

Habang ako ay nasa gate ay sinalubong ako ng aking kaisa-isang kaibigan na si Victoria.

"Cara bessiee!! Happy Birthday bes!" Sabi nya habang tumitili papunta sa'kin sabay niyakap ako.

"Huy ano ka ba isipin pa ng mga tao tomboy tayo!" sabi ko. Paano ba naman kasi maka-yakap wagas.

"Ay wala ako akong pakielam sa kanila!" sabi nya sabay flip hair at may kinukuha sya sa kanyang maroon shoulder bag.

At kinuha nya ang isang eleganteng blue gift box na medyo maliit lamang at tsaka nya ito binigay sa'kin habang nakangiti.

"Ayiee thank you besss!" sabi ko sabay abot ng kanyang regalo para sa'kin.

Binubuksan ko ito habang nag lalakad kami sa hallway.

at saktong pagkarating namin sa classroom ay nabuksan ko na.

At habang busy ako sa pag tingin kung ano ang regalo ni Victoria ay nakabangga ako ng lalaki.

"Sorry! sorry talaga!" sabi ko habang nililigpit ang laman ng bag ko dahil hindi pala ito naka-zipper kaya nag-kalat ang aking mga gamit.

Pupulutin ko sana ang nahulog kong lipstic ng may nakahawakan ako ng kamay.

TInignan ko kung sino iyon.

E-edward?! nanlaki ang mata ko. pumikit ako at biglang.

pfft si Ariana lang pala. ang bakla kong kaklase.

"beh anong tatak ng lipstick mo tsaka how much?" tanong ni Ariel. Ariel sa umaga Ariana sa gabi.

"ugh!!!" Napa-ungol na lamang ako. at inirapan si Ariel.

Pumasok na ako sa classroom at binuksan ang regalo ni Tory.

Isa itong hikaw na silver na mayroong mga bato na flower ang formation. Napangti ako at nag-Thank you uli sa kanya.

---

Tapos na ang klase at wala ng tao sa classroom kundi ako at si Victoria.

Palabas na sana ako nang bigla akong hinarangan ni Edward.

"Cara sorry! sorry talaga di man lang ako naka-pag-sorry kanina pinatawag kasi ako ni Maam Cathy eh!" sabi nya.

"I-ikaw b-ba yung n-nak-kabangga s-sa'kin kanina?" Utal-utal ko sabi at pakiramdam ko ay umakyat na ang lahat ng aking dugo sa aking mukha.

"ah oo sorry ah? Gusto mo hatid na kita?" bigla naman ako siniko ni Victoria habang naka-ngiti ng nakaka-loko.

"ah h-hindi na. Susunduin ako ni Da---" naputol ang aking sasabihin ng may nag-text sa'kin

Dad: hindi kita masusundo mago-overtime ako may kailangan lang tapusin.

"oh hindi ka daw masusundo ni Mr. Carson
sabay ka na!" sabi nya sa'kin sabay napatingin sya kay Victoria. "Ikaw? sabay ka na din!"

The Pain Of ExpectationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon