Chapter 3: New Girl

9 2 0
                                    


Chapter 3: New Girl

Cara Carson's P.O.V

Nandito kami ngayon ni Tory sa park. Katatapos lang ng klase namin kaya nag-yaya kasi sya dahil tahimik daw rito, gusto nya daw makapag-isip-isip.

Tahimik nga dito at ang tanging maririnig mo lamang ay nga hina-hangin na dahon at umaagos na tubig mula sa fountain. Maririnig mo din ang mga ibon na tila ba'y umaawit.

"Bes naisip ko lang." Biglang nag-salita si Tory habang naka-tulala. "Kaya siguro di nya ako nagustuhan kasi hindi ko sinabi sa kanya na gusto ko sya. Ang pangit pangit ko kasi, di ako matalino pero si Alice top 3? Wala akong talent! Di ako magaling!" sabi nya habang nagu-unahan pumapatak ang kanyang mga luha.

Hinagod ko ang kanyang likod nang meron din humawak sa likod nya kaya naman napa-tingala kami parehas ni Tory.

"Im sorry kung na-gulat ko kayo. Cara right? And Victoria? " sabi nya.

"Paano mo nalaman pangalan namin? You're the new girl right?" sabi ko. Sya kasi yung bagong student pero ibang section sya.

"Oh yes Im sorry. Im Midge. Nakita ko kasi kanina kayo sa school at na-mukha-an ko si Ria. " sabi nya kaya naman pinunasan ni Tory ang kanyang luha at tinitigan si Midge.

Ria?! Nobody calls her Ria! Ugh!

"MIDGE!" sigaw ni Tory kaya napa-tayo sya at niyakap si Tory.

Napa-roll eyes ako tsaka tumayo at ngumiti ng peke. Sino ba kasi itong babae?

"Cara si Midge bestfriend ko dati sa dati kong school!" sabi nya nasobrang ngiti na hindi mo aakalain na humahagulgol sya kanina.
Nginitian ako ni Midge. Si Midge ay matangkad payat na pwedeng pang-model ang built ng katawan nya. Mala-Hailey Baldwin? Pero syempre mas maganda parin ako. Kendall Jenner yata ako noh?!

Ugh! Naiinis ako kay Midge talagang di ko sya feel. At what?! Best Friend dati ni Tory?! May kaagaw pala ako? Tsaka ano daw Ria?

"Bakit ka nga pala umiiyak kanina Ria?" Ughhh! ayan nanaman yung Ria.

"Ay wala mahabang kwento. Tara lakad-lakad tayo!" sabi ni Tory sabay hila kay Midge.

Hindi manlang ako niyaya?! Ugh!

Nag-lakad ako palabas ng park habang nagpa-papadyak ako at naka-simangot na tila ba'y handa nan manuntok ng sino ma'ng haharang sa akin.

Naalala ko yung hiningi kong sign kahapon kaya bumalik nanaman ako sa may puno at umupo na rito at nag-laptop.

Di na naman ako susunduin ni Dad dahil mago-overtime uli sya.

---

Nagulat ako ng may humawak sa aking balikat.

"John?" sabi ko habang nakangiti na abot langit.

"hatid na kita." sabi nya sabay ngiti.

Nag-dalawang isip ako ngunit sa huli ay pumayag na akong ihatid nya ako.

Ilan yan sa sinulat ko. Malamang naman hindi ito totoo dahil wala namang kababalaghan sa mundo. Tignan lang natin kung may dumating na Edward at susunduin ako.

Ilang minuto na ang nakalipas at napag-isipan kong umuwi na.

Tatayo na sana ako nang maygumawak sa aking balikat.

The Pain Of ExpectationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon