PrologueHi ako nga pala "Ughhh!" malakas na pag-groan ko habang pinalo ang noo ko sabay bura ng isinulat ko.
Okay, yeah Im Cara Carson, an author, pero Grade 12/6th year highschool palang ako and nagsu-sulat ako ngayon ng introduction para sa bago kong nobela na isasagawa.
Wala akong maisip dahil pagod ako ngayon ngunit hindi ako makatulog. 12:00 na ng madaling araw ngunit talagang hindi pa ako inaantok.
Tumayo ako sa kinau-upuan ko at la-labas dapat ng kuwarto upang uminom ng tubig ngunit pag-bukas ko ng door knob at humakbang ng isang beses ay may nasipa ako. Tumingin ako sa may paa ko at nakita ko ang isang kulay itim na regalo na may pulang laso.
Yumuko ako ng kaunti at kinuha iyon. Tinaktak ko ng kaunti upang marinig kung ano ang nasa loob. Katamtaman lang ang bigat nito at medyo manipis ang mga gilid nito at malapad na harap.
Na-alala ko na birthday ko nga pala ngayon. Napangisi akong tumalikod at naglakad pabalik ng aking kama.
Cara,
Happy BirthdayLove,
Mom and DadNapangiti na lamang ako ng bahagya dahil kahit medyo pasaway ako sa aking mga magulang ay di nila nakalimutan ang aking ka-arawan.
Binuksan ko ito at halos mapatili ako sa aking nakita.
"Oh my goshhhhh!! for real?!!!"
Sino ba naman ang hindi mapapatili na ni-regaluhan ka ng isang Mac Book?
Siguro ako lang dahil di naman kami ganun kayaman, at di rin naman kami naghihirap. Pero wow ha! mahal ang Mac Book mayaman ka man o hindi.
Dali-dali akong pumunta ng kanilang kwarto at nag-pasalamat sa kanila. Niyakap ko sila bago ako tuluyang bumalik sa aking kwarto.
Ay nakalimutan ko, iinom pala ako ng tubig.
Bumaba sa hagdan at naglakad sa madilim na pasilyo bago makarating sa switch ng ilaw.
Binuksan ko ang ilaw at dumiretso sa kusina, kumuha ng baso sabay dumiretso sa refrigerator.
Pagkatapos nun ay umakyat na ako at pumasok sa kwarto.
Medyo dinadalaw na din ako ng antok kaya naman humiga na ako sa aking berdeng kama at pumikit.
----
*kring kring*
Nagising ako ng aking marinig ang aking alarm clock. 6:30 na ng umaga at 7:45 pa naman ang aking pasok.
Humikab ako at nag unat ng kaunti at tuluyan ng tumayo mula sa aking kama.
Pagkalabas ko ng aking kwarto ay naririnig at naaamoy kong may naglu-luto.
Na-excite naman akong bumaba kaya naman nag tuloy-tuloy ako sa pag-baba.
Nakita ko si mommy ng naka color blue na t-shirt at naka yellow na apron na may mga apple na design.
"wow!!" ang sabi ko nang makita ko ang niluluto ng aking ina.
Chao Fan rice ang paborito kong almusal.
"Happy Birthday Baby! mamaya anong gusto mong gawin?" ang sabi nya sa'kim habang naka-ngiti.
"Hmmm kahit ano. kahit Lumabas na lamang tayo at bumili ng mg books." Ang sabi ko habang tinutulungan siyang maghain.
Malaki-laki rin ang bahay namin pero isa lang ang maid namin at day-off nya ngayon. Pano ba naman si mom tumutulong din sa pagli-linis. Laki sila sa hirap ni Dad so alam nila ang hirap na dinadas ng mga mahihirap. madalas silang tumulong ni dad sa mga bahay ampunan.
Si dad naman ang CEO ng company ng mga Ramirez.
Yes may pagka-weird ako pero syempre may crush ako.
At isa syang Ramirez. Si Edward Ramirez. Oh diba? mala-twilight ang datingan? De pero crush ko siya Grade 2 pa lamang ako. Ewan ko ba may kakaiba sa kanya na kahit ilang beses nya akong saktan ay crush ko parin.
eh baka nga mahal ko na eh.
BINABASA MO ANG
The Pain Of Expectation
NouvellesPaano kung sinubukan mong mag-sulat ng story? At mare-realize mo nalang na kunga no ang iyong sinusulat ay syang nangyayari sa iyo? Katulad na lamang ni Cara na isang writter. Muntik na tuloy sya magkaroon tuloy sya ng lovelife. Ito nga ba ang daan...