PINAASA

42 1 0
                                    

PINAASA

  Yong mga sinasabi nila na "promise mahal kita" "hindi kita ipagpapalit, pangako yan." "hindi ako maghahanap ng iba, ikaw lang sapat na." Yan! yan yong mga sentence ng mga taong paasa kaya huwag mo muna silang paniwalaan sa umpisa, hayaan mo muna silang patunayan nila na totoo nga yong mga salitang binitawan nila. Ang sakit ng pinaasa diba? Yong akala mo totoo lahat ng sinabi nila pero sa huli papaasahin ka din lang pala. Sa panahon ngayon ang hirap na magtiwala kasi baka wala kang mapala. Ohhppss! meron ka pa lang mapapala! Masasaktan ka at uuwing luhaan. Kaya hindi ko masisi yong iba kung bakit nagiging bitter sila. Sadya kasing may mga lalaki at babaeng paasa sa mundong to. Advice ko lang, mag-ingat kayo sa mga taong nakakasalmuha ninyo baka hindi niyo alam isa sa kanila ang magpapaiyak sa inyo. Huwag kayong magtiwala agad sa mga taong kakakilala niyo lang. Kahit pa sa mga kaibigan niyo huwag niyong ibigay lahat ng tiwala niyo sa kanila kasi baka hindi mo lang alam pinaplastik ka lang pala.

ADVICESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon