Pagkakaibigan

40 3 0
                                    

Dedicated ito sa pinsan kong si Nicole at sa bestfriend kong iniwan ako dahil sa maling dahilan at para na rin sa iniwan ng kanilang mga kaibigan.

Ang sayang isipin na may kaibigan kang laging nandiyan para intindihin ka, damayan ka sa iyong mga problema. Kumbaga almost perfect na yong pagkakaibigan niyo, yong kahit mag-aaway man kayo pero magbabati din agad. Pero dumating na lang yong araw na nasira yong pagkakaibigan niyo. Dahil mas pinili niya yong kasintahan niya kaysa sayo. Yong sa tuwing nag-aaway kayo lagi niyang pinagtatanggol yong karelasyon niya sayo, yon bang ang sasakit na ng mga sinasabi niya sayo para lang ipagtanggol yong karelasyon niya, yong mas iniintindi niya yong karelasyon niya kaysa sa sarili niyang kaibigan or bestfriend. Ang sakit diba? Na akala mo walang magbabago kahit na magkarelasyon pa siya. Akala mo may time pa rin siya para sayo pero wala na pala. Puro lang pala akala. At dahil lang sa pinagselosan ka ng karelasyon niya, mas minabuti na lang niyang isuko yong pagkakaibigan niyo para lang hindi sila maghiwalay nung karelasyon niya. Yong sinakripisyo niya yong pagkakaibigan niyo para lang sa sarili niyang kapakanan. Ang selfish niya diba? Hindi man lang niya inisip kung anong mararamdaman mo kapag gagawin mo yong bagay na yon. Yong akala niya okay lang sayo yong desisyon pero hindi pala. Kaya kung kayo may kaibigan, huwag niyo silang hayaang maging ganyan masasktan lang kayo. At sa mga may karelasyon naman diyan, sana hindi kayo katulad ng kaibigan kong yan na mas pinipili yong karelasyon kaysa sa kaibigan. Tandaan natin na mas naiintindihan tayo ng ating mga kaibigan kaysa sa mga taong mahal natin. Kapag nag-aaway kayo ng karelasyon mo, sinong tumutulong? Diba yong kaibigan mo? Kapag kailangan mo ng karamay, sinong nandiyan? diba yong kaibigan mo? Sana naisip mo yong mga efforts na ginawa sayo ng kaibigan mo bago mo sinuko yong pagkakaibigan ninyo. Sabi nga nila "breaking up with your bestfriend is more heartbreaking than breaking up with your love once."

Masasabi ko lang sa ex bestfriend ko, kahit na hindi na tayo magkaibigan nandito pa rin ako para sayo.

ADVICESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon